Sa bahay ng lolo niya umuwi si Julie ng araw na iyon. Hindi niya binalikan si Elmo sa opisina niya. Kinailangan lang niya palipasin muna ang lahat. Promise niya kasi sa sarili niya na matapos ang araw na iyon ay ititigil na niya ang pagkahibang niya sa lalaki.
"Manang, hindi pa po gising si lolo?" She asked manang as the old lady passed her by the kitchen counter.
"Nako apo di ko pa nakikita eh. Baka nga tulog pa." Sabi nito.
That was weird, Julie thought. Early riser kasi ang lolo niya lagi.
Kaagad niyang pinuntahan ito sa kwarto ay nakita na mahimbing pa itong natutulog. Lumapit siya sa kama ng kanyang lolo at umupo sa tabi nito. Hinaplos niya ang buhok ng matanda at napangiti. Kahit papaano nandyan naman ang lolo niya eh. At least alam niyang may nagmamahal pa sa kanya.
Baka napagod lang ito sa kakatrabaho. Pagkagising pagasasabihan na niya ito na maghinay hinay na sa pagt-trabaho.
Sige. Hahayaan muna niya itong matulog ng mas mahaba. She leaned in and kissed her lolo's forehead. "I love you lolo." She whispered and moved away from the bed.
She decided to take her coffee on the backyard.
Naupo siya sa tanning bed habang iniinuman ang mug ng kanyang kape. Ang dami din niya memories sa pesteng tanning bed na ito. Ipasunog na kaya niya.
Inikot pa niya ang paningin sa paligid nang mapadako sa kanyang lumang bisikleta.
Lintik. Isa pa yan. Ipamigay na kaya niya?
Bakit ba sa lahat ng tingin niya naaalala niya si Elmo?! Paano siya magmomove on nito?
Lord, help naman po.
She sighed as she again sipped from her coffee.
Napatigil siya nang marinig ang sliding door sa likod bahay ng mga Magalona. Kakabahan na sana siya pero nakita na si Lolo Erwin lang pala ito.
Dahan dahan na naglakad ang matanda hanggang sa nasa bandang tapat na ng pwesto niya ito. Muhkang hindi din naman nito alam na nandoon pala siya dahil nagulat nang makita siya doon.
"Oh Julie. Dito ka pala umuwi." Sabi sa kanya ni Lolo Erwin na may mahinang ngiti sa muhka.
"Good morning po Lolo Erwin." Bati niya sa matanda.
"Si Jigs ba gising na?" Tanong pa sa kanya ng matanda habang nakatayo sa may fence.
She too stood up and approached the man. "Hindi pa po eh. Humahabol pa po siguro ng pahinga."
She saw Erwin's eyes turn somber before he smiled again at her as if remembering that she was there. "Aalagaan mo ang lolo mo apo ha."
Julie looked the old man. "Of course po. B-bakit, is there something wrong with my lolo po?"
"W-wala naman apo. It's just. We're getting old. Alam mo naman." He chuckled. "Kaya nga maaga namin kayo trinain ni Moses." Muli ay natawa ito at napailing. "And I'd like to say sorry na pinipilit pa namin kayong dalawa. We just thought we saw something in you two. Kaso ayun nga, dahil paulit ulit ang apo ko, may girlfriend nga siya."
Mahinang natawa si Julie. It was sort of a running joke now.
Lolo Erwin then rolled his eyes. "Ewan ko ba dyan kay Elmo, pinagpala ka nang lahat na bata di ka man lang hinintay. Tanga talaga yung apo ko na iyon."
Julie laughed.
Saka naman tinuloy ni Lolo Erwin ang sinasabi na natatawa na din. "Saka di ko malaman bakit ba paulit ulit niyang sinasabi sa sarili na may girlfriend na siya. Di ko alam kung pinapaalala ba niya sa sarili niya o ano. Anyways. Sana hiling naman e bago kami mamatay na kayong dalawa pa rin sa dulo."
"Lolo hindi pa po kayo mamamatay." Sabi naman ni Julie Anne.
"We never know iha." Lolo Erwin shrugged. "I guess there are just some things that we leave up to fate."
Nodding her head, Julie smiled up at Lolo Erwin who then let out a small sigh. "Oh well, kain muna ako ng breakfast apo. You should too. Ang payat mo na."
Natatawang tumango si Julie bago panuorin ang matanda na pumasok sa loob ng bahay. Matapos ay pumasok na din siya sa sariling bahay.
She was happy to see her Lolo Jim already eating at the dining table.
"Good morning lolo!" Bati ni Julie sa kanyang mahal na tumatayong ama. Linapitan niya ito at hinalikan sa pisngi habang yumayakap sa likod.
"Ang lambing ngayon ng apo ko ah. May ginawa ka nanaman ba?" Natatawa pa na sabi sa kanya ni Lolo Jim.
"Grabe lo." Tawa pa ni Julie. "Hindi ba pwede nanlalambing lang?"
Tumawa din si Lolo Jim habang umuupo na siya sa may hapag. "Love you apo. Di bale. Pahihirapan ko si Elmo kasi lagi ka na umiiyak dahil sa kanya."
"Wag naman lo." Tawa ni Julie. "Hayaan mo na iniyakan na din niya ako."
"E kahit na." Himutok ni Lolo Jim na parang bata. "Kung ako lang talaga eh. Well pilit na pilit din naman kasi kami ni Jigs sa inyo eh. Wish namin sana kayo ikakasal kaso hindi na eh."
Julie smiled sadly. Mag best friend nga ang dalawang matanda. Parehong pareho ng sinasabi. "Di bale lolo, siguraduhin ko na magugustuhan mo yung lalaking papakasalan ko. Di naman ako magpapakasal sa hindi mo approve."
"So kay Elmo nga?"
"Lolo..."
"Just kidding apo." Tawa pa ulit ni Lolo Jim.
Umiling na lamang si Julie. Wala na nga diba. Wala na sila pag-asa.
She simply ate from her breakfast and got ready for work. Magsasagupaan nanaman kasi sila ni Elmo.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
No she wasn't dressing to impress. She was dressing for herself. Dahil ngayon ay nakasuot siya ng itim na pencil skirt na hapit na hapit sa magandang kurbada ng kanyang katawan na tinernuhan iya ng puting short sleeved blouse. Iniwan niyang nakabukas ang huling dalawa butones dahil mayayari na ang damit kung isara pa niya.
It wasn't her fault that she had a hefty bosom.
Nagsuot din siya ng puting heels na ipinapakita ang kanyang magandang tindig at mahahabang biyas.
"Good morning Mam Julie!" Bati ng mga katrabaho niya.
"Good morning." She greeted them back as she walked with confidence to her office.
Her heart may be broken but she didn't need to show it to the world.
"Wow...ang ganda ganda niyo po mam Julie!" Bati pa sa kanya ni Bianca.
She smiled back at her assistant as she entered her office. Dumeretso siya ng lakad at nakitang nakaupo na sa likod ng sariling lamesa si Elmo. He was eating what seemed to be a breakfast sandwhich but stopped when he saw her.
Literal na nakanganga ito ngayon matapos tanggalin ang suot na salamin.
Julie smirked. Mga lalaki talaga.
"Good morning Mr. Magalona." Bati niya dito at umupo na sa sariling upuan.
Elmo cleared his throat as if just realizing that she was there before he seemed to adjust something down there.
Umarko ang kilay ni Julie habang pinapanuod ang lalaki pero binalik na rin ang tingin sa hawak na file matapos ang ilang segundo.
A few moments passed when she realized that Elmo was towering over her.
Napatingin siya dito at nakitang naglalapag ito ngayon ng isang tasa ng kape sa harap niya.
"Thank you." She simply said. Ano nanaman ang ginagawa ng hunghang na ito.
Akala niya ay babalik na ang lalaki sa desk nito pero hindi. He stayed there before he moved to sit on one of the chairs in front of her desk.
What was happening?
"Pinuntahan mo ako." Biglang sabi ng lalaki.
Julie looked at him. Her eyes squinted as she was trying to decipher what he was saying.
"Oo sinabi ko na diba..."
"Why?"
Why? Inis na tiningnan ni Julie ito. "Well bullshit Elmo maybe because I love you?!" Hindi niya napigilan. Pucha umagang umaga sinisira araw niya. "Kasi nung time na yon handa na ako ipaglaban ka! Handa na akong subukan ang LDR kahit na pucha takot na takot ako pero ano napala ko? Meron ka na pala Freya!"
Umigting ang panga ni Elmo habang nakatingin sa kanya.
She breathed in and shook her head. "Anyway, it wouldn't have made a difference."
Elmo snapped his head to her. "It would've!"
"It shouldn't!" Sagot pa ni Julie. "Kung mahal mo din talaga ako Elmo, sa akin ka, ganun kasimple!"
"Things are not that simple Julie Anne." Ani pa Elmo.
Julie looked at him. Muhkang at least ubos na luha niya para dito. "I'm selfish that way. I do not want to be a choice. At dahil muhkang mahal na mahal mo naman si Freya, alam ko na hindi din talaga ako ang choice mo."
Elmo opened his mouth to answer when the door suddenly opened.
"Hey Jules! Good mor---"
Natigil silang lahat. Silang tatlo. Si Julie, si Elmo...at si Kiko.
"What are you doing here?" Biglang tanong ni Elmo na nakakunot ang noo.
Napangisi si Kiko sa kanya. "Binibisita ko ang best friend ko!" Saka ito lumapit at yinakap si Julie.
They pulled away with Julie looking a little stunned. What had just happened? "Kiko, I wasn't expecting you."
"Aww that hurts diba lagi tayo may brunch kapag Tuesday?" He said to her.
Si Elmo ay nakaupo pa rin doon na muhkang litong lito.
Julie's eyes widened. Kiko was right!
"O tara na nagugutom na ako!" Sabi pa ni Kiko at hinila patayo si Julie.
"Wait a minute!"
"Mamaya ka na pare." Nakangisi pa rin na sabi ni Kiko bago hilain palabas ng opisina si Julie Anne. He pulled her to the elevators and laughed his ass off.
"What gives Kiko!" Inis na sabi ni Julie at hinampas pa ang balikat ng kaibigan.
Natatawa pa rin na hinarap siya ni Kiko. "Jules, man, that guy still has it hard for you."
Julie looked at him with a weirded out expression on her face. "Anong pinagsasabi mo dyan? He has a girlfriend remember?" Nai-share na din kasi niya dito sa mga chat conversation nila ang pangyayari.
"E ano ngayon?" Balik pa ni Kiko. "Bakit pa nanlilisik mata niya kanina? Nagseselos yon!"
Natigilan si Julie. Gusto sana niya umasa pero tama na ang pagiging tanga. "Sira, diba asar lang talaga yon kahit dati pa sayo. Alam mo, sige na kumain na tayo."
Kiko was still chuckling as they boarded the elevators. "Sabi ko sayo may gusto pa rin sayo. Pustahan 5000 pesos."
"Tseh."
"Sige na! Yaman yaman mo eh!"
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Buong araw ay iniwasan ni Julie si Elmo. Mabuti na lang at marami talaga silang meeting na aattendan at hindi naman siya ma-corner ng lalaki lalo na pagdating sa work.
Pero wala siya takas nang magyaya si Maqui sa bar ni Iñigo. At siyempre dahil tropa din si Elmo, ay kasama ito.
"Isasama ba ni Magalona jowa niya?" Tanong sa kanya ni Maqui nang magkita sila sa loob ng mismong bar.
Inunahan nanaman niya ang lalaki at maagang umalis ng opisina matapos ang huling meeting.
Julie shrugged her shoulders as she took a sip from her beer bottle.
"Hey guys!" Pasok naman si Maris. Naging close na din ito kayla Maqui at sa iba pa na katropa.
"Hi Maris! Di mo pa rin sinasagot si Iñigo?" Bungad pa ni Maqui kaya natawa na din si Julie.
It's been a few years. Seryoso naman daw si Iñigo sa panliligaw pero si Maris talaga ang may ayaw eh.
"Friends nga lang kami." Balik pa ni Maris.
"Pero Papapeh pa rin talaga ang tawag mo sa akin?" Balik naman ni Iñigo na nakangisi.
At sumimangot lang din pabalik si Maris. "Tseh!"
"Hey guys!" Siyang pasok naman nila James at Nadine. Buti pa itong dalawa eh. Oo, sila ang magkarelasyon ngayon.
Pa minsan minsan ay nagkikita din naman talaga silang tropa pero sa ngayon ay madalang nga at minsan lang din mabuo.
Hirap talaga maging adult eh.
"James makahawak ka naman sa bewang ni Nadine!"
"O hon nangaaway ka nanaman." Tawa ni Phil na umuupo ngayon sa kabilang side ni Maqui.
"Hay nako, pakibuksan na nga lang ang karaoke nang makakanta na tayo." Sabi pa ni Maqui.
Tumayo naman si Iñigo at inabot ang malaking remote para mag-play na.
"Can we not let Julie sing?" Biglang sabi ni James. "She can sing when we're all done."
"Oo nga nakakahiya kumanta after mo gurl." Sabi pa ni Maris.
"Grabe naman--"
"Sige ituloy mo yan at sabihin di ka magalin gugupitan ko yang blonde mo na buhok." Asik pa ni Maqui kaya nagtawanan nanaman ang iba.
"Phil yang jowa mo pakicontrol." Natatawa din na sabi ni Julie.
Tumawa lang si Phil at hinalikan naman sa pisngi si Maqui.
Si Iñigo na ang nagvolunteer at sinimulan na ang pagkanta nang may pumasok sa loob ng kanilang VIP booth.
Pakiramdam ni Julie e nanlamig ang kanyang dugo. Because Elmo was here with Freya.
"Hi guys."
"ELMO!!!!" Masayang bati ng tropa. Siyempre ngayon lang ulit nila nakita ang lalaki.
Dinumog ito ng mga kaibigan habang si Julie ay nanatiling sumisismsim sa kanyang inumin.
"Ang gwapo mo pa rin Moe pakiss nga!"
"Naks! Sanay ka na sa hangin ng Amerika no!"
Elmo chuckled as he looked at them but stopped when Freya slightly pulled on his sleeve.
"Oh uh...guys, girlfriend ko nga pala, si Freya."
Medyo natahimik ang iba at si Iñigo ay napabaling pa ang tingin kay Julie pero mabilis naman itong siniko ni Maris.
"Hi Freya." Bati ni Nadine. Ito na ang nauna dahil nanahimik ang iba.
"Hello. Nice to meet you guys."
Parang gusto na lang ni Julie umuwi. Bwisit na. Sinama pa kasi.
"Ilang taon na kayo ni Elmo?" Biglang bungad ni Maqui.
"Uh...malapit na rin mag two years." Nakangiti na sagot naman ni Freya.
"Aaaahhhh." Tanging nasabi ni Maqui habang tinitingnan ang babae. Halatang di komprtable si Freya dahil napagalaw ito sa kinauupuan sa couch.
Mahinang kinurot ni Julie ang pinakamatalik na kaibigan na hindi naman nagpatinag. Tila ginigisa nito sa Freya.
Hinarap bigla siya ni Maqui. "Bes, si Kiko nga pala?"
Natigilan si Julie. Ramdam niya kasi ang talim ng tingin sa kanya ngayon ni Elmo. "Ha? Busy daw siya eh."
"Grabe naalala ko lang nung one time sa court e no? Yung nag away ito si Elmo saka si Kiko e no? Magsaspakan na eh! Ganda mo kasi Julie!" Biglang sabi ni Maqui.
Kaagad na kinurot nanaman ni Julie ang kaibigan. Nakita niya kasi na napaiwas bigla ng tingin si Freya. She may not like the girl pero kung ilalagay niya ang sarili sa sapatos nito ay ayaw naman niya ng ganun.
"Uhm...Moe kanta ka na lang o!" Biglang change topic ni Phil habang si Maqui ay napapaikot ang mga mata.
"Ay oo magaling kumanta to si Babe." Nakangiti na sabi ni Freya sa kanila. "Lagi niya ako kinakantahan din noon."
Julie looked away at pasimpleng uminom na lang sa kanyang inumin. Kaunti na lang lasing na siya pero wala siya pake.
Elmo sighed and chose a song before it played.
I believe
We shouldn't let the moment pass us by
Life's too short
We shouldn't wait for the water to run dry
Think about it
'Cause we only have one shot at destiny
All I'm asking
Could it possibly be you and me?
So if you'd still go, I'll understand
Would you give me something just to hold on to?
And if you'd stay, I'll hold your hand
'Cause I'm truly, madly, crazily in love with you
Time has come
For us to go our separate ways
God forbid
But my mind is going crazy today
I feel so cold
Feel so numb I'm having nightmares but I'm awake
Help me Lord
Fight this loneliness, take this pain away
So if you'd still go, I'll understand
Would you give me something just to hold on to?
And if you'd stay, I'll hold your hand
'Cause I'm truly, madly, crazily in love with you
So if you'd still go, I'll understand
Would you give me something just to hold on to?
And if you'd stay, I'll hold your hand
'Cause I'm truly, madly, crazily in love with you
Now that you're gone, I'm all alone
I'm still hoping that you would come back home
Don't care how long, but I'm willing to wait
'Cause I'm truly, madly, crazily in love with you
"Naks pare ganda na ng boses natin ah!" Tawa pa ni Iñigo.
"Dati it's not like that naman." Asar din ni James kaya tumawa lang din si Elmo.
Kinikilig na tiningnan sila ni Freya. "Galing niya no? Para sa akin ba yun Babe?"
"Tunog lost love yung kanta eh no." Singit ni Nadine bigla.
Tumango naman si Maris. "Oo, willing to wait daw eh."
"So pano naging para sayo yon Freya e kayo naman?" Maqui laughed.
Natahimik naman si Freya na medyo napahiya.
"Maq." Saway ni Elmo.
"Nagjojoke lang ako guys! Have some fun!" Sabi pa ni Maqui.
"Uhm...CR lang ako excuse me." Sabi naman ni Freya.
Napailing si Julie. Good going Maq.
Pinanuod nilang umalis si Freya at maya maya lang ay sinundan naman ito ni Elmo.
"Maq." Saway din ni Julie sa kaibigan.
"O bakit?" Inosenteng sabi ni Maqui. "Totoo naman eh. Hindi para sa kanya kanta ni Elmo no. It's for you."
"Actually sang ayon ako." Sabi pa ni Maris.
Ang mga lalaki ay napailing lang din.
Hindi alam ni Julie pero she felt bad. Siyempre ay napahiya na si Freya tapos kung ano ano pa sinasabi ni Maqui.
Wala sa sarili na sinundan niya ito. Tanga lang ba talaga siya pero gusto niya mag sorry.
Pero sana pala hindi na lang siya sumunod.
"They don't like me."
Tumigil siya sa isang bahagi ng dingding nang marinig ang usapan ni Elmo at Freya na nakatayo sa corridor.
"Babe di naman ganun." Alo pa ni Elmo.
"I'm trying naman." Naiiyak na sabi ni Freya. "Kaso anong gagawin ko kung hindi naman ako ang gusto nila para sayo?" At tuluyan na itong humikbi.
Sumilip si Julie nang pasimple at nakita niya lang na yinayakap ni Elmo ang babae na umiiyak ngayon sa dibdib nito.
"Uwi na lang tayo? Sige na para makapahinga ka." Sabi pa ni Elmo.
Kaagad na binilisan ni Julie ang lakad pabalik. Baka makita pa siya ng mga ito at sabihin na nang tsitsismis siya.
Kakapasok lang ulit niya sa kanilang VIP room nang nagsimulang tumunog ang kanyang telepono sa loob ng bag.
"Jules, kanina pa yan. Di lang namin sinasagot, kasi baka personal." Sabi pa ni Nadine.
Kaagad naman linabas ni Julie ang telepono at saktong pumasok si Elmo at si Freya.
She ignored them and answered the call. Unknown number kasi.
"Hello?"
"Hello good evening, is this Miss Julie Anne San Jose?"
Kumabog ang dibdib ni Julie at napatingin siya sa mga kaibigan na hinihintay langd in ang nangyayari.
"Julie..." Simula ni Elmo pero Julie ignored him again.
"Ah yes, this is she."
"Mam deretso po kayo PortMed, si Mr. Jim San Jose po tinakbo dito."
Muntik na mabitawan ni Julie ang hawak na telepono. Natulala siya sa narinig at mahinang umoo na lamang sa kabikang linya bago ito patayin.
"Bes what happened?" Nagaalala na tanong ni Maqui. Lahat sila ngayon ay nakatingin.
"S-si Lolo! He was rushed to the hospital!" Naiiyak na sabi niya.
Nagulat na lamang siya nang hilain siya ni Elmo palabas ng booth.
"E-Elmo."
"Saang ospital?" Elmo asked as he pulled her while they walked.
Hindi pa rin maka function ng maigi si Julie pero naisagot naman niya dito. "PortMed."
Elmo said nothing as he led her to his car. "Get in. Quick."
And Julie didn't say anything either. Umiiyak lang siya na pumasok sa loob ng kotse habang si Elmo ay sumunod.
He then drove on, his hands holding hers tightly while she cried and prayed.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
AN: humigad ano na ang nangyayari?! Saan na tayo dadalhin ng mga kaganapan?! In fair natuwa ako sa votes niyo! Salamat ahaha! Sana ganun lagi. :p sana lang naman haha!
Anyways thanks for reading everyone!
Mwahugz!
-BundokPuno<3