Dali daling pumunta si Julie Anne sa pinaka emergency room ng ospital kung saan dinala ang kanyang lolo. Nakasunod naman sa kanya si Elmo. "Kuya Jerald!" Tawag niya sa kanilang butihing driver. Napalingon sa kanila si Jerald at tila nabunutan ng tinik nang makita na papalapit silang dalawa ni Elmo. Pero linagpasan din ni Julie ito dahil nakita na niya ang kanyang lolo na natutulog sa hospital bed. Agad na lumapit sa kanya ang isang doctor. "Ma'am kayo po ba ang kamag-anak ni sir?" Tanong nito. "Opo doc, apo po niya ako. What happened?" "Ah, Doc Paterno po." Pagpapakilala muna nito bago muling nagsalita. "Your lolo suffered a mild stroke. For now he is stabilized but we advise that he be admitted so that we can further monitor his condition. May doctor po ba siya dito?" Iili

