Kaunti na lang at magkakapanic attack na ata si Julie Anne. Iniwan kasi sila doon ni Lolo Erwin at pumasok na sa loob. Tila hinihintay din nito na sumunod sila sa loob.
"s**t s**t oh s**t s**t!"
"Manski calm down!" Elmo said as he placed his hands on her shoulders.
"Calm down?! Anong calm down Elmo! Nakita tayo ng lolo mo na naghahalikan!" Julie hissed as she turned to him.
Mahinang natawa si Elmo. "Halik lang naman eh. Buti hindi sa kama--aray!"
"How could you be joking at a time like this!" Sabi pa ni Julie Anne.
"Ganito..." Elmo said as he placed his hands on her shoulders still. "Hindi ka ba napapagod na pinagpipilitan nila tayo sa isa't isa?"
Nakakunot pa rin ang noo ni Julie na nakatingin din naman kay Elmo. "Siyempre nakakasawa na din."
"Then why don't we pretend?" Elmo said.
Napa-angat ang tingin ni Julie sa sinabi nito. "Pretend that we're together." She stated.
Elmo nodded his head. "Diba? Para matahimik na sila."
Kaya ba siya nito hinalikan kanina? Alam ba nito na parating si Lolo Erwin? Akala pa naman niya...
"There's no falling in love for us right?" Sabi ni Elmo. "I mean, di naman natin gusto ang isa't isa."
Nanahimik si Julie pero maya-maya lamang ay tumango na din siya. "O-oo naman."
"Then we're not at a risk!" Masayang sabi ni Elmo. "We pretend that we're together so that they our lolos and my parents will finally get off our backs!"
Napapaisip pa ulit si Julie. Tama ba itong gagawin nila. "Pretend as in pretend in front of them?" She asked.
Elmo nodded his head. "Kapag nandyan sila, parang tayong dalawa."
"JULIE! ELMO!"
Ayan na at tinatawag na sila.
Elmo turned to her with an expectant look on his face. "What do you say?" He asked and smiled.
Natulala saglit si Julie nang marinig nilang tinatawag nanaman sila.
She turned back to Elmo and could only nod her head. "S-sige na nga!"
"Tara!" Elmo said jovially as he held on to her hand and pulled her back inside the house. Naglakad sila patungo sa pinaka living room ng bahay kung saan nakita nila na hinihintay na nga sila ng lahat.
Seryoso ang muhka ng dalawang lolo habang nanunuod lang naman ang magulang ni Elmo.
"Explain Elmo Moses."
Lolo Erwin said as he eyed Elmo's hand entwined with Julie's.
"L-Lolo." Sabi ni Julie habang nakatingin kay Lolo Jim na matalim din ang tingin sa kanilang dalawa. Parang bigla siyang kinabahan. But she felt Elmo squeezing her hand and somehow she was in ease.
"Lolo Erwin, Lolo Jim, Ma, Pa." Simula ni Elmo habang nakatingin sa kanila. He turned to Julie first before turning back to the elders. "K-Kami na po ni Julie. Nung isang araw pa."
May ilang segundo na lumipas hanggang sa nagsalita si Mona. "Akala ko ba...hindi naman kayo?"
Julie and Elmo turned to each other. Paano ba...
"W-We just didn't want you to make a big deal out of it po." Ani Julie bago napatingin kay Lolo Erwin. "Kaso nakita po kami ni Lolo Erwin."
"E dapat hindi niyo na tinago pa!" Sabi ni Lolo Jim. At nawala na ang kaninang simangot nito sa muhka at napalitan ng ngiti. Saka ito derederetsong pumunta kay Julie at Elmo at sabay na yinakap ang dalawa. "Nako ang saya saya namin ni Jigs!"
Si Errol ay napailing na lamang habang si Mona ay natatawang tumingin nang maki-join sa yakap si Erwin.
Elmo turned to Julie and smiled while the latter chuckled.
Ligalig na ligalig silang lahat simula noon at kahit kakakain pa lang nila ay parang gusto daw magpa-order ng pizza nila Lolo Jim. Pero siyempre hindi naman nila tinuloy iyon.
"O siya mauuna na kami. At napakaganda ng gabi na ito." Nakangiti na sabi ni Lolo Jim at nakipagkamay pa kayla Erwin. He clapped Elmo's shoulder. "Moses, mabuti naman at nakita mo na ang totoo at ang apo ko talaga ang magpapatibok ng puso mo."
Napabuntong hininga si Julie sa likod at patagong napailing.
Elmo chuckled nervously and only nodded his head.
"O...una na kami."
Maglalakad na sana palayo si Julie nang hawakan ni Elmo ang kanyang kamay at hinalikan ang kanyang pisngi. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. Pucha! He was really acting this out for their families.
"Nakakakilig naman mga apo natin." Sabi ni Lolo Erwin kay Lolo Jim.
"Bye Manski." Elmo whispered, his lips slightly pressed against the lobe of her ear.
Siyempre kailangan magaling din siya umarte. Kaya tumingkayad si Julie at hinalikan din ang bandang patilya ng lalaki. "Good night Manski."
They smirked at each other. Let the pretending begin.
That night, Julie settled herself against the cool sheets of her bead, the air conditioning of her room buzzing silently. Pipikit na sana siya dahil pagod ang utak niya sa kakaisip nang makita na may pulang ilaw na tumuturo sa dingding ng kanyang kwarto. Was that a lazer?
Kunot noong napabangon siya sa kama at mabilis na binuksan ang kanyang bedisde lamp.
She followed the laser light which continued dancing around her walls. Tinulak niya palayo ang kanyang kumot at tumayo na bago sumilip sa kanyang bintana.
And there was the culprit. She saw Elmo smiling as he waved at her from his room. Ito pala ang nagmamay-ari ng laser. Saka nito tinuro ang bakuran nila bago mabilis na nawala sa kanyang paningin.
Julie thought for a moment. He wanted her to go down. Gagawin ba niya?
She sighed.
Bumunot lang siya ng jacket sa kanyang cabinet dahil wala na siya suot suot na bra. Tahimik na ang buong bahay dahil siguradong tulog na si Kuya Jerald, pati si Manang Esme at ang kanyang Lolo Jim.
Sinigurado niyang hindi siya gagawa ng ingay hanggang sa nakababa na siya sa bakuran nila.
She saw Elmo standing on his side of the fence.
"Teka." Ani Elmo nang makita siya at mabilis na hinakbang ang bakod dahil kayang kaya naman nito. He landed with a soft thud on the grass. Gaya niya ay nakabihis pantulog na ito. Naka boxers lang ito at nakita niyang wala na itong suot na pantaas sa ilalim ng jacket.
"What is it?" She asked him.
"Are you sure you're up for this?" Elmo suddenly asked. Pareho nilang yakap ang sarili dahil sa lamig ng hangin ng gabi.
Naiinis na tiningnan ni Julie ang lalaki. "Alam mo ang gulo mo, akala ko ba go ka na sa ganito? Ano go ka ba?"
"Naman." Sagot ni Elmo bago napalingon sa bahay nila pabalik sa kanya. "Ikaw kasi iniisip ko."
Julie rolled her eyes. "We can pull this off. Pero hanggang kailan ba ito?" Baka kasi umabot sa punto na pinaplano na ng mga magulang nito at lolo niya ang kasal nila tapos hindi pa rin nila sinasabi ang totoo.
"Maybe we should set some rules?" Suhestyon pa ni Elmo.
Nakakaloka. Saan ba sila dadalhin ng kalokohan na ito?
Umupo na siya sa tanning chair sa tabi ng kanilang pool. Madilim naman at ang tanging ilaw ay galing sa post lamp sa isang gilid kaya hindi naman sila siguro mahuhuli ng lolo niya o kung sino man.
"So, how do we do this?" Tanong pa ni Julie Anne. Her hands were now inside the pockets of her jacket. Ang lamig kasi.
"Ikaw mauna." Sabi pa ni Elmo.
"Fine. bawas ang masyadong PDA."
"Okay." Tango ni Elmo. "Ako naman, hanggang sa kunwaring tayo, pati sa iba kunwari na. At tayong dalawa lang dapat may alam nito."
Julie nodded her head. She thought of another rule. Napatingin ulit siya kay Elmo. Kaya ba talaga nila ito? Paano kung...she shook her head awake. She didn't want to be thinking about that.
"No falling in love." Sabi ni Julie. Mabilis na napatingin sa kanya si Elmo kaya mabilis din naman niyang ipinaliwanag. "I mean, alam ko walang chance na ma-in love tayo sa isa't isa. I just...wanted to let it out there."
Nakita niyang matagal na nakatingin sa kanya si Elmo at tumango. "Okay."
Julie sighed. "Ano ba kasi pumasok sa utak nila lolo..." Napalingon siya sa kalangitan at nakitang maraming bituin sa langit.
Elmo chuckled as he too stared at the stars above. A gentle breeze passed through them. Bahagyang gininaw tuloy si Julie. She shivered when she felt Elmo wrapping one arm around her.
"Malamig?"
"Naman. Kita mong giniginaw ako." Masungit na sabi niya kaya naman natawa lang si Elmo.
"Thanks Manski." Elmo said after a few seconds. He smiled at her and she looked up at him. Gumwapo talaga ito ngayon.
"Hindi ka na nga yung dating nerd na asar talo ko na kalaro no?"
Mahinang natawa si Elmo. "Naman. Tumanda din naman tayo. Ikaw din naman ah. Hindi ka na yung dating nerd na totomboy tomboy."
They found themselves looking at each other.
At si Julie na ang unang nag-iwas ng tingin bago siya mabilis na tumayo. "Uhm...sige tulog na ako. Tawid ka na lang ulit sa inyo." She looked back at him and saw that he was confusedly looking at him too. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin at pumasok sa loob ng sariling bahay.
She made it to her room without making a sound. Napasandal siya sa nakasaradong pinto ng kanyang kwarto. Bakit ganun? Bakit parang siya ang magiging dehado sa deal nila na ito ni Elmo?
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Buong araw kinabukasan ay nagkulong lang si Julie sa kanyang kwarto. Nag computer lang din siya dahil wala naman siya plano para sa araw na iyon.
Halos mag-gagabi na nang maisipan niyang lumabas ng bahay at sakto nakita niya si Tita Mona niya na nasa may front porch ng mga Magalona at muhkang nagpapahangin lang.
Huli na para matakasan niya ito dahil kaagad siyang nakita ng babae.
"Julie iha!" Kaway nito sa kanya.
She quickly waved back and made her way over.
"Good afternoon po tita."
"May pupuntahan ka ba? Saluhan mo muna ako dito."
She had no choice. Kaya naman pumasok sa may gate si Julie at dito siya umupo sa tabi ni Mona na nakita niyang nagmemeryenda din pala.
"Teka ipapakuha din kita ng juice at biscuit." Sabi nito sa kanya at saka naman tinawag ang isa sa mga kasambahay nila.
Maya maya lang ay dinalhan na din siya ng baso at biscuit.
"Thank you po." Sabi ni Julie sa mga kasambahay.
Ngumiti naman si Mona sa kanya. "Julie I like you. I mean mabait ka na bata."
Oh god is this where the part that Mona says she doesn't really want her for Elmo? Handa na siya.
"At sobrang saya ko lang na ikaw ang napili ng anak ko."
Maybe not.
"M-masaya din naman po ako sa kanya." Ngiti din ni Julie Anne.
Tiningnan ulit siya ni Mona bago ito muling napangiti. "Pinaguusapan kasi namin ni Errol, I mean tanggap naman talaga namin kung bakla siya. Masaya lang din kami na ikaw pala ang gusto niya."
Parang naguiguilty tuloy bigla si Julie. Linoloko kasi nila ang mga mahal nila sa buhay.
"I just hope he makes you happy and will take care of you." Sabi pa ni Mona at hinawakan ang kamay niya.
It was all she could do but to smile back and nod her head. "I'll take care of him too, tita." Grabe ang galing na niya umarte.
"Ah manonood ka ba ng game niya mamaya?"
Shit. Oo nga pala. Kailangan mag act na girlfriend.
"Ah opo opo! Actually papunta na po ako sa court kasi maaga daw ngayon."
"O siya sige I won't keep you."
"Bye po tita." Sabi pa ni Julie. At humalik sa pisngi ng babae. She took her trusty bike out. Kahit na may gasgas na ito salamat sa kanyang pesudo boyfriend. She stopped though when she remembered something. Hindi niya alam bakit ginawa niya iyon basta...
Takipsilim na nang makaabot siya sa court and she saw that a game was going on.
Nakita naman niya ang team ni Elmo na nanunuod sa sidelines. Sila kasi ang susunod sa line up.
"M-Manski!" Tawag niya dito nang makalapit siya.
Napalingon si Elmo sa gawi niya pati na ang mga ka-team nito.
"Whooaaaa ayan na si Jules." Pangaasar pa ni Sam.
"Oh. Hey Manski." Bati din naman ni Elmo. One good thing about this deal was they became a little more friendly with each other.
"Nagdala ako ng pamalit mo baka makalimutan mo nanaman." Sabi ni Julie habang hawak hawak ang extra shirt para kay Elmo.
Nagkatinginan sila Sam at James pati na ang ibang team members.
"Ah. Salamat Manski!" Elmo smiled as he took the shirt from her. "Cheer mo ako mamaya ah?"
"Naman." Julie chuckled as she stood right beside him.
"Wait a minute wait a minute." Biglang singit ni James. "Are we missing something???"
"Oo nga eh." Sabi pa ni Sam. Nalilito itong nakatingin sa kanila. "Magugunaw na baa ng mundo?"
"Huh? Pinagsasabi niyo dyan?" Sabi pa ni Elmo.
Pero tameme pa rin sila James at Sam. Hanggang sa nagsalita na din ulit si Elmo.
"Manski teka lang ah. Nagugutom ako eh. Bilhan din kita cheese sticks." At saka ito naglakad palayo.
Ayan nanaman ang mga kaibigan nila.
"Am I in another dimension or something?" Sabi pa ni James.
Inikot na lang ni Julie ang kanyang mata. Mahirap ba paniwalaan na nagkakasundo din naman sila ni Elmo?
"Ito na Manski!" Elmo said after a few moments and gave her the carton of cheese sticks.
"Thanks." She smiled. Hindi rin siya sanay na mabait sila sa isa't isa but it was a start.
Natapos na ang unang game at kaagad na umupo ang team nila Elmo sa bench para makapaghanda.
"Manski dito ka lang ah. Cheer mo ako." Sabi pa ni Elmo at kinidatan pa siya.
Julie rolled her eyes at him. "Ano ba..."
Natatawang nagbihis na ito. Aba at sa harap pa niya talaga naman!
Saka nito hinagis ang hinubad na sando sa kanya na tumama sa muhka niya.
"Manski!"
He laughed at her before proceeding to warm up with his team mates. Some things never change.
Sa wakas ay nagsimula na din ang laro nila.
"Ayan na po mga kaibigan ito nanaman po ang team na puro pogi! Pero di lang pogi ang mga yan! Magagaling din yan maglaro!!!"
"WHOOOOOOO!!!!!"
"Ayan na ayan na nagsdribble na po ng bola ayan na binali ang katawan ayun! Pumatay ng butiki! Sa basket kuya sa basket!"
Tawang tawa talaga si Julie kapag itong kaibigan nilang si John ang commentator.
Ang galing na din talaga maglaro ni Elmo. Sabagayay training din sa varsity nung high school pa sila eh.
"3 points!!! Score for Elmo Magalona! Ui may kasamang kindat!" Sabi pa ni John.
"Wah ang gwapo ni Elmo nakakakilig!"
"Ang laki ng braso sarap kagatin!"
Mga talandi talaga minsan. Julie rolled her eyes. She looked back at the game though and sas that Elmo made another shot. At saka lumingon nanaman sa kanya.
"Para po pala kay Julie ang lahat ng ito nga kaibigan! Taken na pala si Mr. Magalona!!"
Mabilis na binalingan ng tingin ni Julie si John. Pero ngumisi lang ang lalaki sa kanya. Wala naman sila sinasabi na sila na! It was all for show sa pamilya nila!
"TIME OUUUUTTT!"
Uumgong ang buzzer sa gilid banda ni Julie nang mag time out ang kalaban.
"Punas ka muna pawis basang basa ka na." Sabi niya kay Elmo nang makalapit na ito sa kanya.
He smirked at her at bumulong pa sa tainga niya. "Girlfriend na girlfriend ah."
"Naman." She said back to him and whispered. "Galing ko ba umacting?"
Elmo chuckled as he looked at her. "Naman."
"Si Julie saka si Elmo na ba talaga?"
"Oo nga eh. Parang di kapanipaniwala eh no?"
"Kasi diba aso at pusa yang dalawa?"
"Sabi nga nila the more you hate the more you love."
"Baka di naman. Baka nagpapansin lang si Julie."
Itong mga nagbubulungan. Rinig na rinig naman.
Naiinis na si Julie pero ano pa nga ba magagawa niya.
"Manski."
"Huh?" Napatingin si Julie kay Elmo at nagulat nang ilapit nito ang muhka sa kanya.
"Pwedeng kiss for good luck?"
Pero hindi pa siya nakakasagot nang ilapat ni Elmo ang labi sa kanya.
"Tangina pare sabi sayo sila na talaga! May utang ka sa akin!"
That was Sam in the background. Pero wala pake si Julie. All she cared about was Elmo's lips on hers. He kissed her! In front of everyone!
Nakangiti itong tumingin sa kanya. "Mananalo na kami nito!" At saka ito bumalik sa gitna ng court.
Dito na inamin ni Julie na kinilig siya. At dito rin niya inamin sa sarili na siya nga ang dehado sa kanilang dalawa.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Naloloka ako sa deal nila. O diba ako din ang baliw hahaha sa tingin niyo may maidudulot na maganda ang deal? Sino nga ba ang dehado? Wahahaha! Thank you for reading! Comment and vote please! Will update when the numbers are up :)
Mwahugz!
-BundokPuno<3