CHAPTER 3

2767 Words
Tulalang nakahiga lamang sa may tanning chair si Julie nang umaga na iyon. Parang nabangag siya sa nangyari. Pagkauwi ay tahimik lang din si Elmo nang magdinner sila kasama ang lolo niya at mga magulang at lolo naman ng lalaki.  Siya ang umiwas at kaagad na nagpaalam na magpapahinga matapos makakain.  Ang tanga tanga mo Julie what was that!? Bakit mo hinalikan yung lalaking yon!?  Baka mas lalo tuloy akalain ng lalaki na may gusto nga siya dito. Pero wala, wala siya gusto dito. Nadala lang talaga siya. He even kissed her back! He kissed her even after the first kiss! Nadala lang din yun Julie.  Sighing, she shook herself awake. Sasabihin na lang niya na walang lang yon. Tama tama. Yun din naman siguro iyon para kay Elmo.  She closed her eyes again and just enjoyed the dun when she heard footsteps from the other side of their backyard fence.  Dahan dahan niya binuksan ang kanyang mga mata at nakita si Elmo na naglalakad. Tumigil ang lalaki nang makita siya.  Her eyes widened when he opened his mouth to talk to her. Kaya ginawa niya ang pinaka kaya niya gawin ng mga panahon na iyon. She ran. Yup. Mabilis siyang tumayo at pumasok ulit sa kanilang bahay.  Naglakad lang naman siya pero hinihingal siya at parang mabilis ang pagtibok ng kanyang puso.  Sakto ay nakita siya ni Kuya Jerald habang ayun at hinihingal pa rin siyang nakasandal sa may dingding ng living room nila.  "Oh Jules, anyare sayo?" Tanong ni Jerald at nalilitong nakatingin pa rin sa kanya. "Nagjogging ka?"  "H-ha? Hindi." "E bakit ka hinihingal?" Tanong pa ulit ni Jerald. "W-wala. Sige una na ako." Ani Julie at mabilis na pumasok sa kanyang kwarto. Umupo siya sa harap ng kanyang MacBook na nakapatong sa kanyang study desk. She breathed in and turned to the left. Sana hindi na lang niya ginawa dahil nakita niya si Elmo na nakaupo sa kwarto nito.  Magkatapat kasi ang bintana ng kwarto nila.  At muhkang naramdaman nito na may nakatingin dahil nag-angat ito ng ulo at napatingin din sa kanya. She quickly looked away and walked over to her bed before burying herself in the sheets.  Ano ba ano ba ano ba. Tatanga tanga ka kasi Julie Anne! Ano pumasok sa isip mo at pinatulan mo yung hamon at hinalikan yan! She covered herself under the sheets and tried thinking of something else. Anything. Para lang mawala sa isip niya ang halik na namagitan sa kanila ni Elmo. Kung gaano kalambot ang labi nito, kung paano ito sumagot sa kanya, kung ano pakiramdam ng mainit nitong kamay sa kanyang pisngi.  You're thinking about it again Julie!  Ibinola niya ang sarili sa loob ng kumot at huminga ng malalim. Kailangan niya maging productive. Kailangan niya kalimutan iyon.  Lumabas siya sa kanyang kwarto at simpleng nagbihis para magbisikleta.  Ilalabas na sana niya yung bisikleta nang dumaan nanaman sa isip niya ang nangyari kagabi.  "Isa pa."  She shook her head awake and looked at her bike. Shet naman o. Mabuti na lang hindi naman nayupi nung tinapon ni Elmo, may kaunting gasgas nga lang. Pero ayun, bawat gamit ba niya sa bisikleta ay maalala niya ang halikang namagitan?  "Manski."  Napalingon siya sa boses na nagsalita at nabuntong hininga nang makita si Elmo na nakatayo sa labas ng kanilang gate. Sinusundan ba talaga siya ng lalaki? Kanina nung nasa bakuran siya nandoon ito, nung nasa kwarto siya nandoon din ito. Ngayon naman... "Are you following me?"  Elmo sighed as he held on to the large metal bars of their garage gate. "Gusto ko lang makausap ka."  Julie sighed. Kailangan din naman nila magusap. She can't hide from it forever. Kaya maingat niyang ibinalik sa bike stand ang kanyang bisikleta at naglakad papunta kay Elmo na lumayo sa gate para salbungin siya sa kanyang paglabas.  She crossed her arms as she looked at him. Kahit na mas matangkad ito sa kanya ay parang nanliliit sa tingin niya ang lalaki. "A-about the kiss..." "Can we just forget about it Manski?" Sabi ni Julie habang nakatingin pa rin sa lalaki. "I mean, wala lang naman yon sa ating dalawa diba? Ikaw kasi hinamon mo ako so...ayun." Elmo breathed a sigh of relief before smiling her way. "Yeah, saka...masarap ka naman talaga humalik."  Namula nang tuluyan ang muhka ni Julie at mabilis niyang sinapak ang braso ni Elmo. "Alam mo ang dapat mo gawin ipaayos mo yung bike! Caveman lang? Bakit may paghagis?!"  Natatawang inilayo ni Elmo ang braso mula sa pagkakahampas niya. "E sabi sayo masarap ka nga kasi humalik. Nagp-praktis ka sa unan no!?"  "Hindi ah!" Ani pa Julie. "Basta ipaayos mo yung bike ko ah!"  Elmo smiled at her. "Sige."  Oh s**t. Bakit kinilig siya doon sa ngiti na iyon?  Stop. Stop it Julie.  "O Elmo!"  They both looked up at the voice and saw Lolo Jim walking down from the porch stairs as he looked at them. "Nanliligaw ka na ba sa apo ko?"  "Lolo!" Saway pa ni Julie sa kanyang lolo kaya napatawa lang ang matanda.  "Hay. Pangarap na lang ata namin ni Erwin na magkatuluyan nga kayo ni Elmo." He waved to them again before proceeding to go inside. "O siya manunuod lang muna ako ng basketball sa loob."  Pinanuod nilang maglakad papasok si Jim at sabay pa silang nagkatinginan.  "I don't know why they have this crazy notion na us ang magkakatuluyan." Sabi ni Julie at napailing na lang. Elmo just looked at her and shrugged his shoulders. "Probably because they're best friends."  "Luma na yung ganyan." Sabi pa ni Julie Anne habang nakatingin kay Elmo. "We're not in those damn teleseryes. Hindi na uso mga arranged marriage."  At ang loko. Tiningnan lang siya. Lintik na lalaki. Pucha nakakalahata na ba ito na medyo natutunaw na panty niya kapag tumititig ito ng ganon? "Dyan ka na nga. Yung bike ko ah!" Paalala niya dito bago siya naglakad pabalik sa loob ng kanilang bahay. The upside to all of this was that she and Elmo got that kiss out of the way.  Ang siste, parang nalilito siya? God she needed her best friend.  "Kuya Jerald!"  "OMG bes pakiulit nga yung sinabi mo!" Yun ang bumungad kay Julie nang makapasok sila ni Maqui sa loob ng bahay ng huli. Dali dali kasi siya nagpahatid sa bahay nito kay Kuya Jerald. It was just an emergency. Emergency sa feelings.  "W-we kissed." Tila nahihirapan na sabi ni Julie at napahilamos pa ng muhka.  Nganga. Yun ang ginawa ni Maqui. Saka ito dali dali na tumabi kay Julie na nakaupo sa kama.  "Bading ka hindi na virgin yang lips mo?!"  Julie quietly shook her head.  At hindi napigilan ni Maqui ang mapatili ng kaunti. "Yiiii dalaga ka na bes!"  "It was just a kiss!"  "Ay gusto mo kaagad pasukin niya si p***y? Grabe ka bes."  Napahilamos sa muhka si Julie. Minsan talaga gusto niya na lang talaga busalan si Maqui eh.  "I shouldn't have done it. God I shouldn't have done it." Sabi ni Julie habang napapahilamos na lamang sa sariling muhka.  "Bakit, hindi ba masarap?" Intriga pa din sa kanya ni Maqui. Napaisip si Julie. "Masarap--este ano ba! Maq! That's not the f*****g point!"  "Importante yon!"  "Oo masarap pero wala naman kami gusto sa isa't isa! I hate that guy!" Sabi pa ni Julie. Parang bigla niya naalala yung una nilang meeting.  "Babae ka ba talaga?"  Nanggagalaiti talaga siya kapag naalala niya iyon.  But then again... "Nakabike lang ako pero pwede mo gamitin yung raincoat ko..."  "HOY HULYETA!!"  "H-Ha? Ano yon?"  "Hay nako. Wag mo muna imaginin at baka mabasa kama ko kapag na-wet ka."  "Bastos!" Julie said at tinulak pa ang muhka ni Maqui.  Tumawa lang ang huli. "E kangama ka kasi kanina pa kita kausap tapos nakatingin ka lang sa sahig. Ganda ng carpet ng kwarto ko no?"  Julie groaned and lied back down on Maqui's bed. "Hay nako. Bakit ko ba kasi hinalikan."  "Madali lang yan bes." Sabi ni Maqui at nahiga sa tabi ni Julie Anne. "E diba wala lang sa inyo yon. Edi move on! Muhkang wala lang din naman para kay Elmo kasi diba nginitian ka lang nung sinabi mo na kalimutan niyo na lang yung halik. O edi solved! Parang wala lang."  Tama. Tama.  "Pero wala talaga bes?"  Nakakainis naman itong best friend niya eh. Okay na sana ang pagiisip niya tapos lilinya pa ng ganun.  "Pano mo ba alam?" "Edi kapag hindi mo tinitigilan ng pagiisip." Maqui said as she looked at Julie as they lied down on the bed side by side, their hands on their stomachs. Saka ito ngumiti sa kanya. "Kagaya niyang nangyayari sayo ngayon."  Julie groaned and placed her hands on her face before breathing in as she looked at Maqui. "Kasi naman Maq, biglang gwapo! Nagka-abs pa!"  "Hay nako bading, malay mo ganun din siya sayo. Although dati ka pa naman talaga maganda, kaso glow up ang best friend ko! Sabay boobs at pwet pa!" At di natiis ni Maqui na bigla na lamang pinindot ang boobs niya.  "Maqui!"  "Lalaki pa yan bes." Tawa pa ni Maqui.  Julie sighed as she breathed in. "Pero ewan, infatuation lang siguro ito no?"  "Pwede bes." Maqui smiled. "Saka let it be okay? Kung ayaw mo, tapusin mo na kaagad. Wag mo na simulan."  Julie was right. Lalayuan na lang niya si Elmo.  Pero paano ba niya gagawin iyon kung ang mga pamilya ata nila ang pilit silang pinaglalapit? Dahil ito ngayon at nasa bahay siya ng mga Magalona dahil may kainan doon. "Ang ganda ganda mo lalo ngayon Julie!" Sabi ni Mona na nanay ni Elmo habang tinitingnan si Julie. Naka dress siya ngayon because it was a sort of formal sit down dinner. Kahit na sila sila lang naman ang nandoon. Gaya niya ay only child lang din si Elmo. Their house was too big for teens such as them. "So...liniligawan ka na ba ng anak ko?" Natatawa na tanong ni Errol na tatay naman ni Elmo. Nasa may living room pa kasi sila habang hinahanda pa lamang ang kanilang pagkain. Namula naman si Julie sa tanong nito. "Kayo po talaga. Hindi po kami ganun ni Elmo." "Hay nako sayang naman." Sabi pa ni Lolo Erwin na katabi ngayon sa sofa si Lolo Jim. Ang cute nga eh nagmumuhka nang twins ang dalawa dahil sa sobrang laging magkasama. "Frustrated kasi yan sila dad." Tawa ni Errol habang nakaakbay kay Mona. "Gusto nila dati ipagkasundo ang mga anak nila. Kaso pareho kami lalaki ni Abel at, hindi naman ako nainlab sa kanya." Mahinang tumawa si Julie. Sometimes it made her happy whenever they talked about her dad or her mom. Minsan kasi sa ganoong paraan ay parang kasama pa rin nila ito. Wala kasi naging babae na anak ang lolo niya. Ang dad niya at ang tito Cedric niya ang anak nito.  "Asan na ba si Elmo kanina ko pa pinapababa eh." Sabi ni Errol. "Julie okay lang ba ikaw na ang kumatok?" Sabi pa ni Mona sa kanya. Ano pa nga ba ang magagawa niya at napatango na lamang na tumayo mula sa sofa. This wasn't her firs time inside the Magalona household though. Ilang beses na nga siya dinala doon para sa mga play date kuno nung mas bata pa sila. Kaya alam naman na niya ang daan patungo sa kwarto ni Elmo. Her feet padded along the stairs until she came up to his bedroom door. Tatlong munting katok ang ginawad niya sa pintuan. "Just a minute!" Sigaw pa ng lalaki mula sa loob. Lumingon lingon si Julie sa paligid at saktong bumukas na ang pinto pagkaharap niya. Oh wow. Anim. "Hey Manski." Elmo smirked at her. Kunwari ay hindi siya apektado. Kahit na gusto niya magpaalam kay Elmo na kung pwede ay hawakan niya ang abs nito. "Baba ka na daw doon. Bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong niya habang nakataas ang kilay. Tumawa si Elmo. "Sorry naman. Tinapos ko lang yung isang laro kaya na-late ako ng ligo. Bakit? Miss mo na ako?" "Asa naman." Sabi pa ni Julie at mabilis tumalikod. Baka hindi niya na talaga matiis at bigla na lang pindutin ang abs ng lalaki. Ano ba Julie? You hate him remember? Well, hindi naman na hate ngayon. Kailangan lang niya layuan. Baka mayari siya eh. "O asan na siya iha?" Tanong pa ni Mona sa kanya. "Right here!" Elmo said even before Julie could say something. Nakabihis na ito ng simpleng pulang button down na polo at pants. Nagmano muna ito sa mga lolo bago humalik sa nanay at sa tatay. "Sakto iho handa na daw ang pagkain." Tumayo ang dalawang lolo at tinulungan pa ni Julie si Jim papuntang kusina. Masaya silang nagsalo salo sa masarap na pot roast na linuto ng kanilang mga kasambahay habang nagtsitsismisan ang matatanda. Siyempre si Julie ay nananahimik lang sa isang tabi. She wanted to head on home para makalayo kay Elmo. Ang gwapo gwapo kasi ng itsura nito at gusto na niya matunaw sa kinauupuan. "Well hindi ko naman pipilitin ang mga bata." Biglang sabi ni Erwin. Nako. Sila nanaman ang topic. "Of course. What they want, we want too." Sabi ni Jim. "Yeah pero..." Simula ni Errol at napatingin pa kay Elmo. "Anak, umamin ka...bakla ka ba?" Julie almost spewed her juice. Tawang tawa kasi siya sa sinasabi ni Errol. "Dad!" Elmo whined. "E wala ka pa kasi girlfriend!" Tawa ulit ni Errol. "Ako nga kasing tanda mo nay first kiss na eh." Oh s**t. Nag-iwas ng tingin si Julie. Paano ba naman, talagang tiningnan pa siya ni Elmo. Kaya patay malisya siyang uminom muli ng juice. "Hindi ako bakla dad. Okay?" Sabi pa ni Elmo. Errol merely shrugged his shoulders. "If you say so." "Hayaan niyo sila." Sabi pa ni Mona. "Bata pa naman yang mga yan. They should be worrying about their college degrees." "Sabay silang papasok sa business ad." Errol said. "Para bantayan ni Julie ang anak natin malay mo magkatuluyan nga sila." Hindi pa rin pala tapos yon. Dessert came at siyempre ang mga matatanda ay nagtsismisan pa. Naglakad lakad muna sa paligid si Julie at nakita si Elmo doon sa bakuran nila. He was just shuffling cards while he sat by a small round table. Maglalakad na sana siya palayo nang tawagin siya ng lalaki. "Manski!" Napapikit saglit si Julie. Gusto niya tumakas pero masyado naman halata. Baka magtaka pa ito at akalain na apektado pa siya sa halik. Kaya hayun at hinarap niya ito bago naglakad hanggang sa nakaupo na siya sa tabi ng lalaki. "What?" Elmo didn't speak first. He kept shuffling the cards. Pinanuod lang ito ni Julie hanggang sa wakas ay nagsalita na nga ito.  "Bakit ganon no? Pinipilit nila magkagirlfriend o di kaya boyfriend na tayo? Tapos kung wala bakla kaagad ako?" Julie scoffed. "Ikaw naman. Wag ka magpapadala sa dad mo." "E baka paghinalaan talaga pa ako eh." Sabi pa ni Elmo. "Lalaki naman ako. Tinatayuan naman ako sa baba--" "Didn't really need to know that." Elmo laughed as he looked at her. Matagal silang nagkatinginan lang. Ang ganda pala ng mata ni Elmo. At aminado na talaga si Julie na gwapo na talaga ang lalaki. Malayo sa nerd na kalaro niya at kaaway niya dati. "Gumanda ka lalo no." Parang wala sa sarili na sabi ni Elmo habang nakatingin pa rin sa kanya. She blinked while he didn't. Hypnotized na ba ito? She flinched slightly when she felt his hand caressing her face but didn't move away. "Saka sumexy ka." Ani Elmo. Medyk bumaba pa lalo ang boses nito habang nakatingin sa kanya. His face was getting closer and it was all she could do but just stare at him as he moved. Napapikit na ang mata niya nang maramdaman niyang lumapat na ang labi ni Elmo sa labi niya. It was soft, very different from the previous kiss they shared. She gasped when he pulled her closer. Magkalapit lang naman kasi ang inuuouan nilang bangko. Napapikit na siya habang linalasap ang halik ng lalaki. "ELMO MOSES MAGALONA!" What the-- They quickly pulled away from each other as they saw Lolo Erwin standing at the back porch stairs. Nakapamaywang ito habang nakatingin sa kanilang dalawa. Busted. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: Hala nahuli na sila ni Lolo Erwin! Ano na gagawin ng magManski na mahaharot?! Hahaha lemme know whacha think! Comment kayo guys para alam ko nararamdaman niyo haha! And votes too please kasi don ako nakabase kung maguupdate ako o hindi hihihihi! Thanks for reading! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD