CHAPTER 2

2563 Words
Julie Anne and Elmo at 15 turning 16 years old. Sa mga lumipas na taon ay naging okay na din naman si Julie kay Elmo. Hindi pa rin niya ito lagi kasama at minsan ay talagang gusto niya sakalin ang lalaki pero hindi naman niya tinutuloy.  She hadn't seen him in a while though. Ang unang dalawang linggo kasi ng summer bago siya mag-college at mag 16 years old ay sa best friend niya siya nakitulog.  "Bes! Laki na talaga ng dyoga mo!"  Julie rolled her eyes as she looked at her best friend, Maqui.  Nandoon sila sa bahay ng babae at nakatambay lang sa pool. They were in their swimsuits and would be swimming later.  Pero ngayon ay nakabilad muna sila sa araw.  Julie would say she turned up well. Tinanggal na ang braces niya at miminsan ay nakacontact lenses na lamang siya kaysa suot ang kanyang salamin.  Medyo nawala na din ang kanyang baby fats.  "Sira ulo ka talaga bes." Tawa ni Julie at nagstretch pa sa hinihigaan na tanning chair. "Ayan sige arko mo pa!"  Julie laughed and straightened up as she sat while looking at her best friend.  "Flat pa ang tiyan edi ikaw na." Tawa pa ni Maqui.  "Tigilan mo nga ako Frencheska Farr." Sabi ni Julie na ginagamit na ang buong pangalan ng kaibigan. "Sexy ka din naman ah!" "Alam ko gusto ko lang marinig din." Tawa pa ni Maqui.  Julie laughed along with her best friend. Namiss niya ito. Medyo hindi sila masyado nagkita dahil nga lumipat siya sa kanyang lolo. Dati kasi ay katabing bahay niya ito. Pero hindi din naman ganun kalayo ang lipat mga ilang minutong drive lamang din. But now, magsasama na sila dahil pagpasok ng school year ay sa iisang university na sila mag-aaral.  "Wala ka pa boyfriend bading?" Tanong ni Maqui sa kanya.  Julie chuckled as she rolled her eyes. "Ha? Wala ako panahon sa ganyan!"  "Bagal naman nito." Tawa ni Maqui.  Julie scrunched up her face as she looked at her best friend. "Yabang o, palibhasa going strong kayo ni Phil." Si Phil ay kalaro din nila noon na siyang naging boyfriend na ni Maqui ngayon.  "Ganun talaga, gwapo kaya ni Phil." Kinikilig na sabi ni Maqui at mahinang natawa na lamang si Julie.  Wala naman kasi talaga sa kanya ang pagboboyfriend sa ngayon. Bale, wala pa nagkakamali.  "E diba meron pinapartner si Lolo Jim sayo?" Natatawang sabi pa ni Maqui.  Napasimangot nanaman si Julie. "That nerd? Yuck."  Humagalpak ng tawa si Maqui habang nakatingin sa kanya. "Gaga ka, nerd ka din wag kang feeling!"  "E mas nerd siya!"  "Kahit na captain ball ng basketball team?"  Muli ay napasimangot si Julie. Wala na ba siya gagawin kundi sumimangot? Yeah, simula nung nag first year sila hanggang sa ngayon na naka-graduate ay naging sikat na player na ng basketball si Elmo.  Sino magaakalang yung nerd na hayop na yon ay magaling din pala sa sports? Pinakyaw na ata ang lahat. Pero di ito gwapo. "Nerd pa rin siya, even if he's the basketball team captain." Sabi pa ni Julie Anne.  "Bagay pa naman kayo." Nangiinis na sabi ni Maqui.  Julie scoffed at that. "Ew! Maq naman!"  "Wag ka nagiinarte dyan! Marami may type doon ah!" Natatawa na sabi ni Maqui. "Anyways, diba magiging kasama din natin yon sa SAU?" Julie simply nodded her head. Paano, Business Administration din ang kukunin nitong course. Hinahanda na kasi silang dalawa na magtrabaho para sa mga kompanya ng kanilang lolo.  "Tapos pipilitin kayo ipakasal sa isa't isa." Natatawa ulit na sabi ni Maqui.  Tiningnan ni Julie ang kaibigan at natawa na lamang. "Ano tayo? Nasa teleserye?! Joke lang lahat nila lolo iyon no."  "Ang cute, kaya siya magiging first kiss mo and everything....mygahd bes! Di ka pa pala nakakaranas ng halik! Try mo minsan masarap siya!" "Jusko Maq, hindi mo nanaman nainom yung gamot mo no? Halika papainumin na kita."  =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Hapon na nang makabalik si Julie sa bahay nila ng kanyang lolo. Si Kuya Jerald ang muling nagsundo sa kanya.  "Thanks Kuya." Sabi niyia dito anng maihatid na siya sa bahay nila. She had on her back pack and immediately placed it on their sofa. Saka siya dumeretso sa wedding picture ng mama at papa niya na nakapatong sa taas ng piano ng kanilang bahay.  "Hi Ma, Pa." She smiled and kissed the picture. Nakagaiwan niyang gawin yon kapag umuuwi.  "Lieanne?"  Napa-angat siya ng tingin sa tawag ng kanyang lolo. Muhkang nasa study ito. Kaagad siyang pumunta dito at napangiti nang makita na nagrerelax ito at nakikinig ng music habang nagbabasa ng libro.  "Hi Lolo!" Bati niya at yumakap dito.  "Kamusta doon kayla Maqui? May saltik pa din ba ang batang yon?" Natatawa na sabi ni Lolo Jim.  Julie laughed back. So confirmed na alam ng lahat na may sapak sa utak ang kanyang kaibigan. "Yes lolo, still the same. I had fun naman. I missed her talaga."  "Well that's good, kumain ka na ba? Magpapaluto ako kay Manang Esme."  "No it's okay lolo. Di pa po ako gutom." Julie smiled. "Gusto ko lang po muna magpahinga."  "O sige, I'll call you if it's time for dinner."  "Ok po lolo." Julie smiled at malambing na yinakap ang lolo at hinalikan ang pisngi nito. Umakyat na siya sa kanyang kwarto at nagwash up bago nagbihis ng sando at shorts. Saka siya bumaba at tumambay sa bakuran ng kanilang mini mansion. She happily sat down on the tanning chair with her book and was about to start reading when she heard music from the neighboring house.  Ang ingay ah.  Sa inis ay napatayo siya at inilapag ang libro sa tanning chair bago sumilip sa wooden fence na hinaharangan ang Magalona household.  Sisigawan na sana niya ang kung sino mang nag-iingay nang matigilan sa nakita. Shet ang ganda naman ng back muscles ng lalaking ito. Muntik nang pahirin ni Julie ang gilid ng labi baka kasi naglalaway na pala siya.  Pero tumigil ang paglalaway niya nang tumayo ang lalaki mula sa pagpupush up at humarap sa kanya.  "IKAW?!"  "Naman! Sinisilipan mo ba ako Manski?" Nangiinis na tanong sa kanya ni Elmo. Nagpunas ulit ito ng pawis bago naupo sa may bench press na nandoon. He was just in his basketball shorts and had no shirt on. "H-Hindi! I just wanted to tell you to turn your music down! Hindi lang ikaw ang tao dito!" Tumalikod na siya at narinig pa niyang tumatawa si Elmo habang hinihinaan naman ang music. In fair akala niya makikipagaway pa siya para hinaan nito ang music eh. Pero hindi siya makapaniwala. Si Elmo na ba talaga iyon!? Bakit ganun?! Bakit lumaki katawan nito?!  Pareho na silang nagpatanggal ng braces din. Gwapo pala ito...  No No. Stop it Julie. You hate that guy remember? She shook her head awake and just returned to her book. Humiga na ulit siya sa tanning bed at nagsimula magbasa. Marahil ay ang init ng panahon o napagod din siya sa byahe kaya naman hinid niya pansin na nakatulog na pala.  She woke up when a spot of the afternoon sun passed through her lids. She moaned as she stretched her lithe body and opened her eyes. "Ah! What the f**k Elmo!" Tila nagulat din si Elmo na nagising na pala siya. "Tangina nito anong ginagawa mo dyan?! Pinaplano mo ba ako patayin?!" Inis na sabi ni Julie. Muntik na kasi talaga siya atakihin sa puso. Kaso muhkang tameme pa rin si Elmo habang nakatayo sa kabilang banda ng bakod. "Si Julie ka ba talaga?" Bigla na lamang na tanong nito. Sinimangutan ulit ni Julie ang lalaki at dumeretso ng upo. She leaned forward. "Muhka ba akong hindi si Julie?!" "Fuck." Mahinang sabi ni Elmo at bigla na lang naglakad palayo. "M-magbra ka nga!" Kaagad na napatingin si Julie sa sarili. s**t. Her cleavage was showing. Inangat ulit niya ang tingin pero nakita na wala na doon si Elmo. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Dumating ang gabi at napagpasyahan ni Julie na magbisikleta sa paligid ng kanilang village. Masarap kasi magbisikleta kapag gabi dahil malamig ang hangin. She circled around the whole village hanggang sa marinig niya ang hiyawan ng mga tao at ang tunog ng isang buzzer. May liga? She rounded the corner to their village basketball court and saw that there was indeed a game going on. "Ayan na po ayan na po ayan na po mga kaibigan! Inaatake na ako dito ng gamu-gamo pero ang totoo ay nakascore po si Elmo Magalona! Whoop virgin pa daw yan mga kababaihan ibig sabihin ko sa basket! 3 poiiiinnnttsss!" Julie quietly laughed to herself as she watched their friend John being the commentator for the game. Bumaba na siya sa bisikleta at tumayo sa may gilid ng court nang marinig na nagsalita ulit si John sa may microphone.  "At hayan na nga po mga kaibigan! Ito na ito na talaga ito na! Nandyan na po! Nandyan na po si Ms. Beautiful! Palakpakan po para kay Julie Anne San Jose!!!!"  Umiling si Julie at umambang susuntukin pa si John.  "O! Swatted away! Na-distract ata si Kuya mong Elmo!"  Napailing si Julie nang makita na na-steal ng kalaban ang bola mula kay Elmo. She made her way to the committee table.  "Oi paupuin niyo si Julie bilis!" Sabi ni John.  "Thanks guys." Sabi ni Julie at umupo sa monoblock na medyo malapit sa bench nila Elmo.  Tahimik na nanuod lang si Julie sa laro since wala naman siyang ginagawa. Aminado siya, magaling nga maglaro si Elmo kahit nayayamot siya doon. Kaya ang dami fans eh.  Yung mga kabataan, yung mga siguro 3 - 4 years ang bata sa kanila ay cheer ng cheer habang patuloy na naglalaro si Elmo.  At sa dulo, ay nanalo din naman ang team ni Elmo.  "Inspired si gago!" Sabi ni Sam na kaibigan nila.  "Nandito kasi si Julie." Tawa pa ni James.  Saka naman luminya si Elmo. "Ha? Walang epekto sa akin yan ah."  Umismid si Julie. "Kahit na nanakawan ka ng bola kasi nakatingin ka sa akin?"  "Whoaaaaaaaaaa."  Wagi. Julie smiled as she slid down from the chair and fixed herself. Saka ito bumaling kay John at ngumiti.  "Una na ako." Sabi niya pa at nagsimula na maglakad palayo. Akala ni Elmo papatalo siya? Siyempre hindi.  Sakto ay nakaabot na siya sa kanyang bisikleta nang marinig na tinatawag siya ni Elmo.  "Manski!"  "Walang epekto pero may tawagan, baliw talaga yan si Elmo no?"  "Oo tanga din."  Di na lang pinansin ni Julie ang sinasabi ng mga kasama. Pinanuod niyang tumatakbo papunta sa kanya ni Elmo. Ay? Kailangan walang pantaas? "M-Mag shirt ka nga!" Nautal na sabi niya. Paano ba naman kumakaway ang abs nito sa kanya. Bakit ngayon lang niya nakitang ganito na ito? Di na talaga nerd! Pero nagkibit balikat lang si Elmo at isinampay ang jersey sa balikat. "Basa yung jersey eh."  "Tapos wala ka dala na pamalit?" Tanong ni Julie na para bang nanay na pinapagalitan ang anak.  "Naman." Elmo laughed.  "O ano bakit mo ako tinawag?" "Sabay na tayo. May dinner daw sa inyo mamaya yinaya kami ni Lolo Jim." Sabi ni Elmo. "Nakabike ako." Sabi pa ni Julie. "Maglakad ka mag-isa mo." "Samahan mo na ako."  "Ayoko nga."  Sasakay na sana si Julie nang hilain ni Elmo ang biskleta at sinimulang maglakad habang tulak tulak ito.  "Manski!" Tawag ni Julie pero deretso pa rin sa paglakad si Elmo. "Ugh!" She grumbled before giving a little jog so that she could catch up to him. "Nakakainis ka alam mo yon!" Sabya palo niya sa braso nito. Ay ang tigas. Elmo smirked at her. "O edi hindi ka nakasakay."  "Alam mo sayang ka sa resources eh. May bike naman ako! Edi umangkas ka na lang sa akin." "Ang laki laki ko kapag ako umangkas. Ako na lang mag drive tapos ikaw umangkas."  "My bike. Ako ang magd-drive." Pilit pa ni Julie.  "O sige tara lakad na lang tayo." Sabi ulit ni Elmo at binilisan pa ang lakad.  Ay dahil matigas ang ulo niya ay mas ginusto pa niyang maglakad kaysa magpatalo at hayaang si Elmo ang mag drive ng bike niya.  Isang ikot lang naman at dalawang kanto ang layo ng mga bahay nila. O diba. Pinagod pa ang mga sarili. "Kita mo yung three points ko kanina? Ang layo non " Sabi bigla ni Elmo. "Galing ko diba?" Julie laughed. Pakayabang talaga. Kaya siyempre babasagin niya ito. "Ha? Hindi eh. Nadistract ako sa sinabi ni John na virgin ka pa daw." Nawala ang ngiti sa muhka ni Elmo at ngayon ay nakasimangot na sa kanya. "Dapat proud ka na virgin pa ako no! Kaunti na lang ganun sa mga lalaki ngayon. Malamang ikaw virgin pa?"  "Naman!" Sagot ni Julie. Hindi niya alam bakit ito usapan nila pero kampante naman siya sa lalaki kahit na minsan gusto niya ito ipasagasa kay Kuya Jerald nang pabalik balik.  "E first kiss wala ka pa?" Biglang tanong ni Elmo na patuloy na tinutulak ang bisikleta.  Muli ay tumingin si Julie sa lalaki. "Bakit ba obsessed ka sa nangyayari sa akin? Crush mo ako no?"  "Heh. Asa ka, Manski."  "Bakit ako aasa ayaw ko naman sayo. Bakit ikaw may first ka na?" Hamon pa ni Julie.  "Naman." Sabi pa ni Elmo. Biglang nakaramdam ng kirot si Julie sa puso. Nako ano ba 'to baka kailangan na niya magpacheck up. "First kiss ko don sa aso ng pinsan ko na si Leo, si Juju, sayo ko pinangalan yon! Gift ko sa kanya."  At saka kinurot ni Julie ang braso ng lalaki. "Hayop ka talaga!" "Mabangis kasi si Juju kaya sayo ko pinangalan." Tawa pa ulit ni Elmo.  "O e ano, magaling humalik yung aso?"  "Oo, may kasamang dila." Asar pa ni Elmo. Nagtawanan silang dalawa ni Julie habang patuloy na naglalakd.  "O ano, talo ka pala ng aso eh." Tudyo pa ni Elmo.  "Huh. Baka mas magaling pa ako sa aso na yon humalik." Galing mo talaga magpadala Julie.  "Ows?" "Naman." Mayabang na sabi ni Julie. Kahit na hindi pa siya nakakalahalik ever.  "Muhkang di naman." Asar ulit ni Elmo at pinatuloy ang pagbisikleta. "I mean ikaw? Diba hindi ka nga babae." Naglakad na ito palayo.  And Julie was never to back down from a challenge. Hinabol niya si Elmo at pinatigil ito sa paglalakad. Nalilitong tumingin sa kanya ang lalaki habang nakahawak pa rin sa bisikleta at siya naman ay nakatayo sa kabilang gilid ng sinasabing bisikleta.  "Wha--"  She cut him off by pulling him forward and planting her lips firmly on his. Sinara niya ang kanyang mga mata at hindi natiis na igalaw ang mga labi lalo na nang naramdaman niyang sumagot si Elmo sa halik.  They pulled away from each other, both catching their breath. Nakatingin sila ngayon sa isa't isa na parehong gulat na gulat.  "M-Manski..." Julie stuttered when Elmo pulled her face again.  "Isa pa." Ani ng lakaki at tinulak nito palayo ang bisikleta ni Julie na narinig nilang kumalampag sa kalsada. Saka nito hinila ulit palapit si Julie at marahas na hinalikan.  =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o AN: ahahaha kamusta ang second chap? Kamusta ang malalandot? Handa naba kayo sa magbabalik? Ay haha! anywhoo nagsisimula ako magsulat kapag naka...basta kapag marami rami na ang votes and comments haha! Para masaya ang life hehehe! Thank you so much for reading! Hope you vote and comment!  Mwahugz! -BundokPuno<3 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD