Chapter 1

2323 Words
Julie Anne and Elmo at 13 years old. Tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan si Julie habang tinitingnan ang mga kotse at bulding na linalampasan nila. She was at the back seat while Kuya Jerald continued driving. Kung titingnan siya sa panlabas ay muhkang simpleng dalagita lamang siya. Hindi mo maiisip na ulila na ito sa magulang. She had shed so many tears that she was dried out. Her mother died giving birth to her. While her dad, loved her dearly but had recently died, losing to his fight against diabetes. So she was all alone now. Well, not really. Sa lolo niya siya ngayon titira. At least she knew her grandfather. She loved her Lolo Jim dearly and was greatful that he was taking her in. Pero magiging malaking adjustment ito para sa kanya. "Jules, nandito na tayo." Nakatulog na pala siya. Bumangon si Julie Anne sa pagkakahiga sa likod ng kotse. Gulo gulo pa ang buhok niya na kanyang inayos. She stepped out of the car as Jerald helped her. "Thanks Kuya." Sabi ni Julie dito. Matagal na rin nilang driver si Jerald. Ang tatay nito dati ang nagmamaneho para sa kanilang pamilya pero nang medyo tumanda na ay si Jerald na ang sumalo sa trabaho nito. Julie looked up at the large house in front of her. Hindi pa siya nakakapunta sa bahay ng lolo niya dahil ito usually ang pumupunta na lamang sa kanila. It was a modern styled house. O pwede rin sabihin na mini mansion. Pansin ni Julie na ang pinasukan nilang subdivision ay puros malalaki ang bahay. Binuksan ni Jerald and pintuan ng bahay at narinig ni Julie ang halakhak ng kanyang lolo sa may study. Muhkang may kausap. "Deretso na na Jules doon sa lolo mo hinihintay ka na non." Nakangiti na sabi ni Jerald. Julie quietly walked to the study and gave a ready smile before she knocked on the door. Saka niya binuksan ang pintuan at bumungad sa kanya si Lolo Jim na nakaupo sa sofa. "Lieanne!" Nakangiting sabi ni Jim at mabilis na tumayo para yakapin siya. Julie hugged her grandfather back and squeezed hard. Tinitiis niyang umiyak pero sobrang saya lang siya na kasama niya ngayon ang kanyang lolo. Jim pulled back slightly as he looked at her. "Ang ganda ganda talaga ng apo ko." Julie chuckled. "Bolero ka talaga lolo!" She laughed. Mahal lang talaga siya ng lolo niya dahil hindi naman siya maganda. Simple lang siya, kaka palagay pa nga lang niya ng braces eh saka para tapusin ang pagka-geek niya ay may suot siyang salamin dahil mas malabo pa sa relasyon ng magjowang laging nag-aaway ang kanyang mga mata. "Ang ganda nga ng apo mo Jigs." Gulat na napaikot si Julie at naalalang hindi nga lang pala sila ng lolo niya ang nandoon. There was another lolo and may kasama itong batang lalaki na muhkang kasing tanda lang din niya. "Diba Jigs?" Sang ayon pa ng lolo niya sa sinabi ng matanda. At saka niya naramdaman na hinawakan siya sa balikat ng kanyang Lolo Jim. "Lieanne, ito nga pala ang kaibigan ko, si Erwin, at ito ang kanyang apo, si Elmo." Elmo? Tiniis ni Julie ang tumawa. Ano namang pangalan yon. Dito niya tiningnan ng mabuti ang bata. Maputi ito, medyo kulot buhok at kagaya niya ay nakasuot ng salamin. "Bakit hindi kayo maglaro dalawa muna." Sabi ni Jim kay Julie. "May paguusapan lang kami nito ni JIgs tapos kain tayo nagpaluto ako kay manang ng pagkain." Saka naman napatingin si Julie kay Elmo na tumingin din sa lolo niya. At hindi man lang nito tinago ang pagngiwi ng muhka. "Lolo do I have to?" Tanong nito kay Erwin. Ah, naka braces din pala ito. "Ano ba Elmo, sige na, magka-age naman kayo ni Julie Anne, I'm sure you two will have fun." "I set up the game room." Sabi ni Jim sa kanila. "Bumili ako nung bagong Play Station at naglagay ako ng games doon sige na laro muna kayo." Parang ayaw na tuloy ni Julie. E kung ayaw din naman ni Elmo bakit pa niya pipilitin? Kaso wala na siya nagawa dahil dinala na sila ni Manang Esme na mayordoma ni Lolo Jim sa loob ng playroom. Pumasok na sila sa loob kung saan may big screen TV at nandoon na din ang sinasabing Play Station ni Lolo Jim. "Sige laro na muna kayo dyan. Kayo namang mga kabataan alam na ang gagawin sa mga gadyet gadyet na yan." Ngiti ni manang Esme bago naglakad palabas ng kwarto. Julie turned to Elmo. Tama ba talaga ang narinig niyang pangalan nito? "Uhm, ano ulit pangalan mo?" Tanong niya. Baka sakali iba kasi ang rinig niya. "Elmo." Mahinang sabi ng lalaki. Marunong ba ito magsalita? "Ah...Julie." Pagpapakilala niya habang tinuturo ang sarili. At simpleng tumango lang naman si Elmo. "G-gusto mo ba maglaro?" Julie asked. Nakita niyang naka-stack sa isang cabinet ang mga bala na sinasabi ng lolo niya. Mayabang na ngumisi sa kanya si Elmo. "Marunong ka ba niyan?" Bahagyang napasimangot si Julie sa sinabi nito. "Oo naman. Tekken pa tayo eh." Elmo chuckled and neared the console. "O# sige let's go." Sumunod na si Julie at binunot ang isang controller habang binubuksan ni Elmo ang game console. Saka sila simulang naglaro. Magaling din nga si Elmo pero mahilig din kasi siya sa video games kaya...natalo niya ito. "s**t naman!" Frustrated na sabi ni Elmo at napanguso pa. Julie smiled victoriously. "Mahilig din ako maglaro niyan no." Elmo scratched the back of his head. "Babae ka ba talaga?" Inis pa rin ito. Julie raised an eyebrow. "Naman!Bakit? Muhka ba akong hindi babae?" "E tingnan mo nga yang suot mo, nakatokong ka saka shirt. Saka...di ka ganun kaganda." Umakyat ang inis sa sistema ni Julie. "Bakit? Porket ba di ako maganda di na ako babae? E tingnan mo nga sarili mo! Patpatin na nerd!" "Muhka ka din naman nerd ah!" Balik pa ni Elmo. Bago pa sila magpatayan doon, ay sakto naman na bumukas na ang pinto at sumilip ang dalawang lolo. "O tapos na pala kayo maglaro eh! Halika na kayo kain na tayo!" Mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa si Elmo at pumunta sa lolo nito. "Lolo after this uwi na po ba tayo?" Di naman halatang gusto na nito makalayo ano? Sumimangot ulit si Julie. "Ayaw ko din naman sayo!" "Lieanne!" Saway pa ni Jim. Julie merely shrugged her shoulders. "E ayaw niya naman po sa akin lolo edi ayaw ko din sa kanya." "Oo buti alam mo." Simangot pa na sabi ni Elmo. Pero natawa lang ang dalawang matanda. "Haay mga kabataan talaga e no?" Sabi pa ni Erwin. Tumawa din si Jim. "Kokontratahin pa naman sana namin na kayong dalawa na lang ang ikasal para mag merge ang kompanya." Nanlaki ang mata ni Julie at Elmo kaya muling tumawa ang dalawa. "O joke lang!" Julie sighed. Basta. Wala siyang amor para dito sa Elmo na ito. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= Julie settled in to living with her lolo. It's only been a few days. Okay naman siya doon. Nakakainis lang na nakatira pala sa kabilang bahay yung Elmo na yon. Kaya ginagawa na lang niya ang lahat para iwasan ito. Yabang eh. Akala mo naman kung sinong gwapo. Ang mahirap lang ay nagseset ng play date ata talaga ang mga lolo nila. Play date e ang laki na nila! Meron na siyang menstruation at lahat eh! Ngayon ay papasok siya sa kanilang school kahit na tinatamad siya. Ang lakas kasi ng ulan. Malapit lang din ang inenrollan na school ng lolo niya para sa kanya sa kabilang side lang din ng village nila. Kung lalakarin nga ay pwede eh pero pinili na lamang niyang sumakay ng bike. Nakaka exercise pa siya. Ito at kakastart pa lang ng pasukan pero matinding ulan na ang bumungad sa kanila. Pero dahil malakas ngayon ang ulan, hiniram muna niya si Kuya Jerald sa lolo niya at sabay na sila pumasok dahil ito naman ay deretso sa San Jose Industries. Her lolo maybe aging but was still strong as a horse. "Bye lolo!" She said as she kissed her lolo goodbye and entered the school. Sa kadulo-dulohan talaga ang kanilang classroom yung tipong hindi na nakikita ng araw. She hauled her large bag with her as she made her way over to their classroom. Tipikal na itsura kapag umaga, magulo, maingay. "Jules!" Napangiti si Julie sa tumawag at umupo na sa kanyang upuan na katabi ng sa isa sa naging close niya kaagad sa eskwela. "Hi Naddie!" Bati niya sa kaibigang si Nadine. "Ang lakas ng ulan no?" Julie said as she placed her bag on the back of her seat. Napalingon siya at saktong nakita si Elmo na tahimik na naglalaro sa gameboy nito. Oo. Kaklase niya din ito. Kamalasmalasan. Kagagawan nanaman ata ng mga lolo nila ito eh. Pero as long as he stayed away from her then she was okay. "Hi Elmoooo." Julie turned at the voice and saw some of their classmates waving at Elmo. Their girl classmates.  Ewan ba niya bakit dami may crush kay Elmo. Pero hindi naman pinansin ni Elmo ang mga babae at nagtuloy lamang sa paglalaro. Dito na napatingin si Julie kay Nadine. "Bakit ba ang dami may crush dyan? E muhka namang nerd." Natawa si Nadine. "E mysterious kasi siya. Kaya ayun. Pero ako mas bet ko si James." Saka sila napatingin sa grupo ng lalaking nagiingay sa isang gilid at nangunguna doon ang sinasabi ni Nadine na si James. Julie shook her head. Wala siya panahon sa mga crush crush na yan. The day went by gloomily. Napakalakas naman kasi ng ulan. "Jules una na ako ah!" Sabi ni Nadine sa kanya nang dumating na ang uwian. Sasakay na kasi ito sa service. Julie nodded her head and waved goodbye to her friend. Nasa waiting shed kasi siya ng school at hinihintay lang na sunduin siya ni Kuya Jerald. Medyo malakas pa din ang ulan sa labas at dumidilim na din sa paligid. "Julie?" Napa-angat siya ng tingin nang makita si Elmo na lumalabas mula sa gate papunta sa kanya. Nakasuot ito ng basketball uniform. "Naglalaro ka pala ng basketball?" Tanong ni Julie. "Akala ko lampa ka." Sumimangot sa kanya si Elmo. "Kakatry out ko lang." "So...di ka nakuha?" Nakangisi na sabi ni Julie. "Next week pa malalaman." Sagot na lang ni Elmo. Hindi na nagsalita pa si Julie. Dahil mas gusto nga niyang minimal lang ang usapan nila ng lalaking ito. Narinig niyang naglakad na palayo si Elmo habang tinitingnan niya muli ang kanyang telepono. Hindi pa rin siya tinatawagan ni Kuya Jerald kahit naka-ilang text na siya dito. Lumakas pa ang buhos ng ulan at nagulat siya nang makitang bumalik si Elmo papunta sa kanya. "Bakit?" She asked once he was standing in front of her. "Di ka pa ba uuwi?" Elmo asked. Bahagyang nag-iwas ng tingin si Julie. Ayaw niya ipahalata na natatakot na siya sa lakas ng ulan. May trauma kasi siya sa kulog at kidlat. "Wala pa si Kuya Jerald eh." Tanging sagot na lang niya. "So dakila ka na niyan? Hintayin mo na lang siya hanggang sa magsarado na dito?" Elmo asked. "Naman." Julie shrugged. "Dadating naman iyon." Pagkasabi niya ay siya namang lakas pa ng kulog. Hindi niya sinasadyang mapapitlag. Elmo sighed. "Tara na. Sama ka na sa akin. Naka bike lang ako pero pwede mo gamitin yung raincoat ko." Nagtatakang napatingin si Julie dito. "Inutusan ka ng lolo mo no?" Elmo chuckled. "Naman. May iba pa ba dahilan?" Julie shook her head. Figures. Akala pa naman niya... "Joke lang. Di naman alam ni lolo na stranded ka dito eh." Elmo laughed. "Tara na. Ang dilim na o." Then he took her hand and pulled her to the school bike stands. "Suot mo ito." Ani Elmo at mabilis na pinatong sa kanya ang rain coat. "Akin na yang bag mo." Saka nito linagay sa basket ng bisikleta. The rain poured down around them but that wasn't what was bothering Julie. Why was he being so nice to her though? "Asan yung tunay na Elmo? Sinaniban ka no?" She asked him. Elmo just smirked her way before wheeling the bike out. "T-teka mababasa ka!" "Naman!" Elmo teased. Hilig niya kasi gamitin yun. "Saglit lang naman. Saka magshower na lang ako kaagad pauwi. Tara na ang dilim na o!" At saka na umangkas si Julie. Sobrang lakas ng ulan kaya binilisan na lamang ni Elmo ang pagbike. Basang basa na ito kaya medyo nag-alala na din si Julie. Pero in just a few minutes they'd already reached home. "Julie! Elmo nako mga bata kayo! Basang basa na kayo!" Sabi ni Manang Esme nang makita sila. "Pasok na sa loob!" Sabi ni Elmo kay Julie kahit na halos hindi na ito makasalita dahil sa buhos ng ulan. Julie quickly grabbed her bag and went inside. "Bye Manski!" Sabi ni Elmo at ngumisi. Julie looked at him from the safety of her porch. "Anong Manski ka dyan?!" She yelled back. Ang ingay kasi ng ulan. "Manski! Short for Namanski! Hilig mo kasi banatan ako ng naman!" Tawa pa ni Elmo. At marunong pala ito tumawa kahit na wala na makita dahil basang basa na ang salamin. At pinanuod ito ni Julie na ipasok ang bike sa katabing bahay. It was then she realized she was still wearing his rain coat. Manski. Napailing na lang siya. Taba ng utak ng lalaki eh. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: Hey guys! Magsimula na tayo sa kwentong Manski! Hahaha! O diba. Sorry ngayon lang nakapagudpate. Ang tindi din ng tao eh no, lakas na ng ulan at lahat nakakaya pa pumunta sa ospital ahahaha! Thanks for reading! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD