Chapter 42 Madilim pa ay lumabas na si Suting sa tinutuluyan at naghintay nalang sa pagdating ni Temyo sa pagtatagpuan nila. Handang handa na siya para pumunta sa lupa kahit may takot sa puso sa mga pwedeng mangyari sa kanila. Napag-isipan niya na hindi rin naman magiging ligtas kung mananatili pa siya sa kaharian dahil sabi nga ng bathala sa kanya ay kamatayan ang naghihintay oras na aminin niya ang utos ng hari baka mas mabuti pa na magpunta sa lugar na walang nakakakilala sa kanya at magkaroon ng bagong simula. Hindi naman agad makaalis si Temyo. Naluluha kasi siya habang nakatingin sa pamilya. Hindi niya kasi sigurado na isang araw lamang siya doon dahil malamang ay kailangan niya samahan si Suting upang makahanap muna ng bagong matitiran o maging maayos muna ang kalalagyan. Isang

