Chapter 76 Hindi malaman ng apat ang gagawin pero napahinga ng malalim si Temyo saka inaya ang mga ito na sa ibang lugar mag-usap. Pumunta sila sa isang sulok kung saan wala gaano tao na makakarinig ng kanilang pag-uusap. "Alteya, Makinig ka at sana ay maniwala ka sa sasabihin namin saiyo." Kinakabahang sabi ni Temyo. Hindi naman umiimik ang tatlo na lalake at nakayuko lang. "Magsalita ka makikinig ako." Seryosong sabi ni Althea. Ninenerbyos siya sa malalaman pero mas maganda ng ngayon pa lang ay masabi na ng mga ito kesa tumagal pa lalo at may nararamdaman siya kay Temyo. "H-Hindi talaga kami mga totoong tao." Napailing naman si Althea sa sinabi ni Temyo. "Temyo naman huwag ninyo na ako lokohin. Sabihin ninyo na ang totoo talaga." Medyo inis na sabi niya. "Pero 'yun ang totoo. Galin

