Chapter 77 "M-Milyon? Itong kwintas na bigay niya? M-Milyon ang halaga?" Gulat na gulat na tanong ni Estella. Napatango ang ang alahero at ibinalik sa dalaga ang perlas na kwintas. "Ingatan mo dahil baka lolohin ka ng iba at ibigay sa iyo sa murang halaga lang. Ang uri niyan ay bihira kaya milyon aabot ang halaga." Halos matulala naman si Estella habang tinatago sa bag ang kwintas. Alam niyang mayaman ang mga bumili ng bahay ng kapamilya ng mga Rosario siguro nga ay milyonaryo talaga ang mga ito kaya maski si Althea ay talagang binabakuran ang isa sa mga iyon. Napangiti siya ng malaki. Hindi na niya kailangan pa magpakahirap maghanap ng bibili ng mga lupa at bahay. Makakaahon na siya sa hirap. Mabibili ang lahat ng gusto at makakaranas na ng karangyaan sa buhay. Nagpaalam na siya at m

