Chapter 35 Tinignan muna ni Groco kung walang iba na nasa paligid bago lumapit ng dahan dahan sa tinutuluyan nila Sudon at Amira. Kinakabahan man na mahuli ay itinuloy niya ang balak na imbestigahan ang dalawa kung meron man ang mga ito na tinatago sa kanila. Hindi niya kasi alam kung dapat ba paniwalaan si Saha o baka gumagawa lang ito ng ikakatakot niya o ng hari. Kilala pa naman niya itong napakatuso at taksil ewan nga niya kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa ito samantalang hindi nga ito tumulong noong panahon na sumugod ang mga Serpionan sa kanila. Kasama ng ibang ahas ay nagsitaguan lang mga ito at hindi nagpakita. Lumabas lamang noong tapos na ang mga kaguluhan sa kaharian nila. Hindi rin naman masama ang tingin niya kila Sudon at Amira sa katunayan ay mataas ang pagtin

