Chapter 34 "Martin! Tumigil ka! Huwag ka nga magsalita ng ganyan! W-Walang may gusto ng nangyari sa papa ninyo! Walang may gusto na mamatay siya." Saway ni Selena sa sinabi nito. Matagal na panahon na kasi na pinagbawal niya ang pagsasabi sa salitang halimaw kahit noon nabubuhay pa si Miguel napag- usapan nilang mag-asawa na hindi sila magbabanggit ng ganun lalo at naririnig ni Matteo. Ayaw niya kasi masaktan si Matteo o masiip na halimaw ito talaga. Hindi nga niya ito pinapatingin sa salamin dahil baka matakot ito sa sarili o panghinaan ng loob. Tanggap naman na nito na kakaiba ito at kailangan itago sa mga tao upang maiwasan nila na mahusgahan o mapag-usapan. Hindi ito kailanman lumabas at palagi lang nakatanaw sa secret window nila upang makakita lang ng mga nangyayari sa labas o i

