Chapter 33 Ilang buntong hininga ang pinakawalan ni Selena bago nagkalakas ng loob na pumasok sa kwarto nila ng asawa. Yakap pa rin nito ang jar ng abo nito at ayaw ilapag. "N-Nasa bahay na tayo Miguel" pumatak ang luha nito sa mga mata habang nakatingin sa malaking picture na nakasabit sa dingding. Portrait ito noong kinasal sila. Napatingin siya sa side table at nakitang umilaw ang isang bulb. Si Matteo. Mukhang tinatawag siya. Isa kasi sa mga sign na gusto siya nitong makita o makausap ay papailawin nito ang switch na konektado sa kwarto nito para umilaw ang bulb na nasa tabi ng higaan nila. Lalong nalungkot si Selena mas naaalala niya ang asawa dahil kay Matteo pero lumabas pa rin para puntahan ang anak. Dala pa rin nito ang jar ng abo. Nakita naman niya si Martin na nasa labas l

