Chapter 32

310 Words
Chapter 32 Manghang mangha naman sila Marla sa bahay nila Martin. Nakakapasyal na sila dito pero hindi naman nalilibot dahil hanggang sala o sa bakuran lamang. "Dito po kayo tumuloy. Dalawa po ang kama dito na pwedeng paghatian. May sarili na rin pong banyo para hindi na ninyo kailangan pa lumabas. May personal ref nga po pala sa gilid nung isang kama na may mga mineral water. Magsabi lang din po kayo sa akin kung may kailangan pa po kayo" ipinasok sila ni Martin sa isa sa mga guestroom sa mansyon ng mga ito. "Maraming salamat iho. Ang laking abala nito sa inyo" nahihiyang sabi ni Lidette. "Wala po 'yun Tita Lidette, bukas po ay ipapahatid namin kayo sa hospital para matignan na ng maayos si Tito Pio. Magpahinga muna po kayo ngayon." Nakangiting sabi ng binata saka iniwan ang mga ito. "Amg yaman pala talaga nila ano?" Sabi naman ni Marla na nag-aayos ng mga gamit sa cabinet. "Sinabi mo pa. Mayaman naman kasi pareho ang pinagmulan nilang angkan kaya hindi na nakakapagtaka tapos pareho pang maganda ang mga trabaho nila lalo silang yumaman" sagot ni Lidette habang pinupunasan ng bimpo si Pio na mukhang nakatulog na. "Eh Ano po kaya 'yung ahas na sinasabi nung gwardya kanina? Nakakatakot naman halos ilang pulagada rin ang bitak nung sira mukhang dambuhala nga! Tapos sa harap pa ng bahay nila buti hindi nakapasok duto sa loob wala pa man din yata tao kasi diba sabi kanina ni Martin na on call ang mga katulong o kaya naman ay uwian" Kinapa pa nito ang mga balahibo sa takot. "Malapit kasi ito sa ilog maraming mga ganun talaga na maliligaw lalo at medyo malayo ito sa kapit bahay pero parang imposible naman na ganung kalaking ahas baka sinubukan lang hulihin kaya nagkanda sira ang kalsada" sagot ng ina. Tumango naman si Marla at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD