Chapter 37

3001 Words
 Chapter 37 "Bakit Groco anong problema? May nais ka bang ipagamot? May karamdaman ka ba?" Tanong ni Dragoda dito hindi naman malaman ng buwaya ang sasabihin sa mga ito dahil wala naman talaga siyang pakay kay Karina talaga. Pumagitna naman na si Haring Agon at tumatawang umakbay kay Groco na hindi makatingin kay Dragoda. "Ako na ang magsasabi at alam kong nahihiya ka. Kasi ama ay may napupusuan na daw siyang isang magandang sirena pero mukhang ayaw sa kaniya nadurog tuloy ang puso nitong si Groco kaya pagsasabihan ko lang si Karina na huwag naman hayaan manakit ng kalooban ng mga nasasakupan ko ang mga sirena nilang kasamahan. Ngayon na nga lang nagkaroon ng interes si Groco sa babae ay naunsyami pa."  Natatawang sabi ni Haring Agon.  Natawa na rin sila Dragoda at Talepia sa sinabi ng anak. Hiyang hiya naman si Groco hindi niya akalain na ang naisip na idahilan para pagtakpan ang totoo ay makakarating pa sa iba. Baka pati sa ibang nasasakupan ay may  makaalam pa. Napahawak siya sa noo sa inis.  "Talaga ba Groco? May napupusuan ka na? Sino sa magagandang sirena ang iyong natipuan? Gusto ko siyang makilatis ng husto. Sa tagal natin magkakasama ay hindi nga kita nakitaan na may nakasama na sinuman" Masayang tanong ni Talepia.  Lalo naman nahiya si Groco. Totoong magaganda ang mga sirena at maski si Karina kahit masasabing may edad ay maganda pa rin at nakakahalina ang anyo. Napaisip tuloy siya kung sino ang pwedeng ituro sa mga iyon. "W-Wala" Natawa naman lalo sa kanya ang mga ito. "Huwag ka na mahiya at norma lang naman  iyan. Sino ba sa mga iyon? Hulaan ko si Rana ba na maypulang buntot? O baka si Yarina na parang bughaw ang buhok? Pwede rin si Doria na puro berde? Naku siguro ay si Yesha? Ang magandang anak ni Karina" Kinikilig na tanong ulit ni Talepia. Hinawakan naman ito ni Dragoda sa balikat dahil nakitang sobrang nahihiya na si Groco. "Talepia, Hayaan mong si Groco ang magsabi sa atin kung sino ang napupusuan niya saka isa pa ay sabi ni Agon ay sinaktan ang puso niya baka ayaw na niyang ipaalam kung sino ang sirena na iyon." Napapailing na sabi ni Dragoda pero nakangiti. Napatango naman si Groco. "Oo huwag na natin pag-usapan hindi na kailangan sabihin pa kay Karina. Ayos lang naman na ako" Umiling ang hari. "Ah basta nakita kitang umiiyak hindi ka ayos" Pagpupumilit nito. Lalo naman nainis si Groco.  Parang gusto na niya umuwi dahil sa hiya. "Pero bakit ka naman aayawan ng mga Sirena? Wala naman batas dito sa kaharian na hindi pwedeng magkaroon ng pag-iibigan ang isang buwaya at tulad nila. Mas maganda naman ang katangian nitong si Groco kesa sa mga syokoy na nandito. Kaya ni Groco makipaglaban sa kahit na sinuman. Takot nga ang mga taga Sudonia sa kanya noon at kahit ngayon ay hindi sila masyado makalapit sa kanya. Siya pa ang kanang kamay ng hari" Sabi ulit ni Talepia. "Ina, kaya nga naisip kong puntahan na si Karina upang masabihan hindi lang ang sirenang iyon kundi lahat ng mga kauri nila. Nasa iisang kaharian na lamang tayong lahat ngayon. Libre na ang mga magkakaibang uri na magkamabutihan o magmahalan. Ayoko din naman na may makikita pang umiiyak dahil sa hindi magandang pagpapakita ng asal. Walang tumirang sirena sa Laringan noon sa takot pero iba naman na ngayon malaya na silang makakapili ng magugustuhan" Sagot naman ni Haring Agon. "Tama ka Anak, Patas naman na dapat ang mga turingan sa nasasakupan mo. Humayo na tayo at pumunta na kay Karina" sabi ni Dragoda na nauna nang lumangoy. Wala naman ng nagawa si Groco kundi sumunod sa mga ito. Gusto niya sanang umatras dahil wala naman siyang maituturo sa mga sirena at baka sabihan pa siyang sinungaling ng mga ito kung sakali. "Kainis naman! Bakit kasi 'yun pa ang dinahilan ko dapat nag isip na lang ako ng ibang maidadahilan. Paano na ngayon" Himutok na sabi niya sa isip saka lumangoy na rin ng mabilis pasunod sa mga ito. ----------------- "Yesha? Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Karina sa anak. Lumabas ito sa tinataguan at tumabi sa ina. "O-Opo ina, Pasensya na po at hindi pa po ako nakakalayo ay narinig ko na ang usapan ninyo kaya napabalik ako at nagtago upang makinig. Totoo po ba ang narinig ko ina? May itlog na naman na isisilang si Reyna Amira?" Masaya nitong tanong. Sinaway naman agad ito ni Karina at tinakpan pa ang bibig. "Huwag kang maingay Yesha! Hindi mo ba narinig na sinabi kong ilihim at huwag ipag sabi sa kahit na sinuman ang tungkol doon? Isa pa ay masamang nakikinig ng mga usapan hindi tamang asal iyan paano kung may nakigaya sa iyong ibang sirena ipinapahamak mo lalo ako. Huwag mo na iyan uulitin naiintindihan mo?" Tumango naman na ang anak kaya inalis na nito ang kamay sa bibig nito. "P-Pasensya na po ina. Hindi ko talaga sadya masyado lang po umiral ang aking pagiging mausisa. Ina bakit po ninyo sinabi na huwag ipaalam sa kahit kanino? Alam natin na matagal ng pangarap 'yun nila Reyna Amira at Haring Sudon ang magkasupling ulit hindi ba? Tapos ay nawala pa si Prinsipe Adon sa kanila. Ngayon ay pagkakataon na nilang maranasan na maging magulang. Bakit naman po kailangan pa ilihim ina? Ano ang kadahilan na nakita ninyo sa inyong premonisyon?" Napabuntong hininga naman si Karina. "Makinig ka Yesha, Una sa lahat ay huwag mo ng tawagin na hari at reyna sila dahil iba na ang namumuno sa atin lahat baka masamain pa ni Haring Agon at mga magulang niya kung maririnig na ganun pa rin ang tawag natin sa mga dati nating pinuno. Hindi dapat maging masama ang tingin ng mga bagong namumuno sa ating lahi. Alam mo ang Laringan noon kung gaano sila kababangis hindi sila magdadalawang isip na kumitil noon ng buhay. Oo maski ako ay hindi maiwasan na ganun ang itawag kila Sudon at Amira pero masanay na tayo na normal na nasasakupan na lamang sila kesa mapahawak tayo sa hindi pagsunod baka isipin na hindi natin ginagalang ang mga bagong namumuno dito. Lalo na at pinag-isa nalang ang dalawang kaharian. Wala tayong mapupuntahan kapag pinalayas tayo" Tumango naman si Yesha. "Naiintindihan ko ina pero matanong mo lamang po sa nakita ninyo po sa premonisyon ninyo? May problema po bang nakita tungkol sa bago nilang itlog?" Tanong nito ulit. Napapikit si Karina at napailing. "Basta ibakasi ang pakiramdam ko hindi maganda ang kahihinatnan ng pagkakaroon nila ng panibagong itlog. Parang nagbabadya ito ng panganib para sa kanila. Alam mo naman ang hirap na dinanas natin ng mawala sila at ang kapatid nitong si Serpio ang pumalit para mamuno." Napatango naman ang anak. Noong panahon kasi na si Serpio ang namumuno ay halos hindi sila lumalabas sa kanilang pugad lalo ang mga sirena na masasabing magaganda talaga dahil ginagawa silang taga aliw ni Soren noon kaya naman takot na takot sila at halos hindi malaman ang gagawin pag pinupuntahan sila nito kasama ang mga tauhan upang mamili ng paglalaruan.  Wala rin magawa noon si Karina para maipagtanggol sila. Dahil kahit ito ay ginusto noon ni Haring Serpio na makuha. Pinagselosan pa nga ito ni Sorena. Hindi sila makatanggi dahil kamatayan ang sasapitin nila sa oras na tumanggi sa gusto ng mga ito. Marami na rin sirena ang namatay noong tumanggi na sumama sa dating prinsipe. Pinagtataga ang mga ito at Pinagpipira piraso ang katawan sala pinapakita sa lahat ang kaya nitong gawin oras na galitin ito ng mga nasasakupan. "Magpasalamat na lamang tayo at hindi ganun sila Haring Agon at mga mga tauhan niya pati si Haring Dragoda kahit halos ngayon lalo nila napamunuan kundi ay hindi ko na alam kung paano ko kayo ililigtas lalo ka na anak" Napapailing ito tuwing maiisip sa mga masasamang pinagdaan sa kamay noon nila Serpio. Matapos siya makuha ni Serpio at Soren ay ginusto rin ng mga nito na makuha si Yesha ma na noon ay bata pa pero nakiusap si Karina na siya na lamang at ibang sirena. Pumayag naman ang mga ito. Masakit man na mas pinili niyang mapakuha ang ibang sirenaat sarili kesa sa sariling anak. "Sana nga po ina. Akala ko nga po ay hindi na kayo makakauwi ng kinuha kayo ng hayop na si Serpio. Eh ina may tanong pa ako. B-Bakit hindi ninyo po sinabi na kaya ninyo tumingin ng hinaharap o mga pwedeng mangyari? Sino po ba ang tinutukoy ninyo na dapat nilang pag-ingatan? Sino ang gustong pumatay ng kanilang mga supling? Sobra naman yata kung ang walang muwang na mga sanggol ay papatayin. Sino po ang nakikita ninyo sa premonisyon ninyo ina?" Hindi naman na nasagot ni Karina ang anak dahil nakita nilang papalapit si Haring Agon kasama ang magulang at kanang kamay na malaking buwaya. "Ina! Hindi ba sila Haring Agon iyon?" Pabulong na sigaw ni Yesha sa ina. Agad naman yumukod ang dalawa at nagbigay galang sa mga hindi inaasahang panauhin na dumating. "M-Magandang araw po Mahal na Haring Agon,  A-Ano po ang maipapaglilingkod namin sa inyo?"  Tanong ni Karina. Napansin naman ni Yesha na parang hindi palagay ang ina sa mga ito. Pilit lang ang ngiti ng ina. "Ikaw pala si Karina pasensya ka na at ngayon lamang kami napunta rito sa mga pugad ninyong mga sirena at siyokoy. Natanggap ko ang mga niregalo ninyo noong ginawaran ako na maging hari. Maraming salamat. Magaganda at nakakaginhawa ang mga tunog ng kabibe sa aking pagtulog." Masayang sabi ni Haring Agon. Ngumiti naman ang dalawang sirena pero ramdam ni Yesha na parang hindi mapakali ang ina. "A-Ano po pala ang pakay ninyo dito mahal na hari? Ano po ang maipapaglilingkod namin?" Napatingin naman sa paligid si Haring Agon nakita niya ang magagandang sirena sa 'di kalayuan saka nagbalik ng tingin sa mag-ina mas tumagal ang tingin niya kay Yesha na nahihiyang yumuko ulit. Tinignan naman niya si Groco na seryoso lamang at malayo ang tingin. "Karina, Matanong ko lamang noon ba sa Sudonia ay nagkaroon na ng pagkakataon na nagkaroon ng pag-iibigan ang isang sirenang tulad ninyo at tulad naman ni Groco na isang buwaya?" Nagkatinginan naman ang mag-ina sa tanong nito saka parehong umiling na nagtataka parang nasamid naman ang buwaya at medyo lumayo. "W-Wala pa po mahal na hari. Kami lang pong mga sirena at mga syokoy ang madalas na magkakasama maski noong unang panahon pa lamang. Hindi ko po alam kung meron nang pangyayari na ganoon" Napatawa naman si Haring Agon sa sagot nito.  "Kaya pala. Hindi rin kasi nagkaroon ng mga sirena sa Laringan dati pero gusto ko lamang sabihin na walang masama kung umibig kayo sa hindi inyo kapareho ng uri wala naman pinipili ang puso. Kapag tumibok kasi ito ay hindi naman natin mapipili kung kanino" napatingin si Groco sa sinabi ng hari. Walang masama kung umibig kayo sa hindi ninyo kapareho wala naman pinipili ang puso. Kapag tumibok kasi ito ay hindi naman natin mapipili kung kanino. Naisip niya si Marla. Maaari nga kayang magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng ugnayan ang isang tao sa tulad nila? Maaari nga bang maging iisa ang t***k ng kanilang mga puso? Napailing siya mukhang malayong mangyari. Naalala niya ang ina nitong takot na takot na tinakbo palayo sa kanya ang minamahal dahil sa takot ng makita siya. Kung sa mga halimaw lang na kasama niya ay mas kilala ng tao ang buwaya, ahas, pating, pugita o mga pirana. Takot ang unang umiiral sa mga ito tuwing nakikita sila. Mapanganib din dahil gusto agad sila patayin sa pag-aakalang mananakit sila.  Ang hindi alam ng mga ito ay hindi naman sila mananakit kung hindi lang sila ang unang sinaktan o makaramdam ng panganib. Kaya kung susumahin ay mga halimaw din ang mga tao. Mas nakakatakot na uri. "Mahal na hari hindi ko po binabawalan ang mga sirena at syokoy na umibig sa ibang uri. Kung mangyari man po na magkaroon ng ganung ugnayan ay suportado ako at hindi ko sila pipigilan. Tama naman po kayo na hindi natin malalaman kung kanino tayo magkakagusto at iibig" Tumango si Haring Agon saka tumingin kay Groco na nakayuko lamang. "Ano ang inyong sikreto bakit ang gaganda ninyo?" Sabi naman mo Talepia. Kanina pa ito titig na titig sa mag-ina. Tunay na nakakahalina ang mga Sirena. Napangiti naman ang mag-ina at nilabas ang isang kabibe saka inabot dito. "Mahal na reyna ipahid laman ninyo po sa inyo mukha ang puting likido na lumalabas at makakatulong ito sa pagpigil ng pagtanda ninyo" nakayukong inabot ito ni Karina. Masaya naman nitong kinuha ang kabibe. "Salamat. Sana ay makatulong nga ito upang ako ay bumata. May gusto pa sana akong itanong kung maaari Karina" umupo si Talepia sa tabi ng Sirena. "Ano po iyon?" Tanong nito. "Balita ko ay isa ka rin magaling na manggagamot noon sa Sudonia. Gusto ko sana malaman kung m-maari pa kaya akong magkaroon ulit ng itlog? May magagawa ka ba upang muling makabuo kami ng aking asawa?" Malungkot na sabi nito. Napatingin naman si Karina kay Dragoda na tumango. "Kung inyong mamarapatin maaari ko po bang hawakan ang inyong kamay?" Agad naman inabot ng babae ang kamay nito. Pumikit naman si Karina at nakakita ng isang masamang pangitain pero pinilit na ikalma ang sarili dahil hindi ordinaryong mga nasasakupan lamang ang nasa harapan. Buhay nilang mag-ina at mga sirena ang nakataya sa anumang susunod niyang sasabihin. Dumilat siya at pinilit ngumiti. "Mahal na reyna hindi na po ninyo kailangan ng gamot dahil kayo po ay nasa unang panahon na ng pagkakaroon ng itlog. Maaaring hindi pa ninyo ramdam ang mga pagbabago pero sa mga susunod na araw at magsisimula ninyo ng maramdaman. Nauna lang kayo na magtanong bago ang mga sensyales" Nakayukong sabi ni Karina. Hindi naman makapaniwala si Talepia. Gayundin si Dragoda at Haring Agon na agad lumapit sa ina. "Totoo ba ang inyong sinasabi? M-Mangingitlog ulit ako?" Naiiyak na sabi nito. Tumango lang ang nakayuko pa rin na si Karina. Hinawakan naman ni Yesha ang kamay ng ina dahil iba ang nararamdaman niya dito. "Napakasayang balita nito Talepia! May bago na pala tayong itlog! Kanina lamang ay nag-iisip tayo kung may paraan pa" Sigaw ni Dragoda. "Oo nga ama! Magpupugay tayo sa magandang balita! Magpapahanda ako sa buong kaharian. Hindi ito dapat ipagpaliban pa magsasaya ngayon araw ang lahat" Masaya rin na sabi ni Haring Agon. Umiiyak naman si Talepia at halos hindi na makapagsalita. "S-Sandali lamang po." Napatingin naman sila kay Karina.  "Ano iyon?" Tanong ni Dragoda. "Mahal na reyna naramdaman ko po na m-medyo mahina ang inyong itlog kaya kung maaari lamang ay kapag lumabas na ito ay iwan ninyo sa amin muna dahil kung inyong makikita ay maraming gamot na narito m-mabibigyan ko siya ng hustong nutrisyon" Tumango naman ang naiiyak na si Talepia. "Oo sige iiwan ko dito pagkalabas alam kong mahina ang mga nagiging itlog ko noon bukod kay Agon. Pakiusap sana ay lumakas siya dito at mabiyak ng ligtas" Niyakap pa nito si Karina. "S-Sige po mahal na reyna." napatingin ulit si Yesha sa ina. "Ang mabuti pa ay ipagkalat na ang mabuting balita!" Sigaw ni Dragoda.  "Oo ama. Lahat ng sirena at mga syokoy ay magpuntahan na din sa harap ng aming trono upang makisaya" Sabi ng hari sa mag-ina na tumango. Masayang nag-alisan ang mga ito matapos magpaalaam. "Sabihin mo ina. Ano ang inyong nakita?" Kinakabahang tanong ni Yesha. "Totoong may itlog siya pero patay na ang nasa loob ng itlog ni Reyna Talepia." Mahinang sabi nito. Napatakip naman ng bibig si Yesha sa narinig. "Bakit hindi po ninyo sinabi ina ang totoo sa kanila? Magsasaya pa man din ngayon ang buong kaharian?" Tumalikod naman si Karina binuksan ang isang baul saka inilabas ang isang bilog na kristal. "Manood ka, Ito ang pwedeng mangyari Yesha" Umilaw ang bolang kristal nasilaw siya pero ibinalik ulit ang tingin dito. Nakita niyang nagwawala si Reyna Telapia ng malaman na patay ang laman ng itlog. Nakita nito na may bitbit naman na mga anak si Amira. Kasusuklaman niya ito sa inggit at sasabihan ang anak na hari na ipapapatay ang mga ito dahil lahat ng nasasakupan ay mamahalin at sasabihin na ito dapat ang pinuno ng Sudonia kung hindi pinag-isa ang mga kaharian. Magkakaroon ng matinding kaguluhan dahil marami pa rin ang kakampi kila Sudon. Masisira ang buong kaharian at isang mahiwahang nilalang na hindi makita sa sobrang liwanag ang darating. Biglang na rin nawala ang nakikita sa bolang kristal. Sobrang kinabahan si Yesha sa nakita. "I-Ina, pero paano na po? A-Anong gagawin natin?" Naiiyak na sabi ni Yesha nakita rin kasi niya na naubos sa pakikipaglaban ang mga sirena meron mga namatay dahil sa pagkalat ng apoy sa buong paligid. "Isa lamang ang pwede kong gawin at isaalang-alang. Dalawa ang laman ng itlog ni Reyna Amira. Papalitan ko ang patay ng isa sa mga 'yun. Hindi ko pa alam kung tama pero 'yun ang paraan na aking naiisip upang maiwasan ang darating na trahedya" Napailing naman si Yesha. "Ina? Paano kung malaman nila Haring Sudon at Reyna Amira? Kung Papalabasin na patay ang isa? Saka hindi ba mapapansin na hindi kamuka nila Reyna Talepia ang ipapalit?" Tumango si Karina. "Naisip ko 'yan kaya gagamitan ko sila ng salamangka." Nanlaki naman ang mga mata ni Yesha sa sinabi nito. "Mababawasan po ang inyong buhay kung gagamit kayo ng inyong salamangka ina! Baka po hindi agad bumalik ang inyong sigla kapag ginawa po ninyo!" Mas naiiyak na sabi nito. "Alam ko anak pero kung iyon lang ang paraan upang hindi masira ang buong kaharian. Anak, matagal na rin naman ako nabubuhay ilang daan taon na rin. Malapit ko ng ipasa sa iyo ang mahiwagang kabibe ng buhay" Napayakap naman si Yesha dito. "Ayoko pa po ina. Gusto ko pa po kayo makasama ng matagal" Niyakap din ito ni Karina. "Iyon din naman ang gusto ko ayokong mapahamak tayo o mga kapwa natin kaya kahit mali ay gagawa ako ang paraan upang humaba pa ang ating buhay dito" Tumango nalang si Yesha. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD