Chapter 38 Masaya na si Groco at nakaiwas na siya sa mga panunukso ng pamilya ni Haring Agon dahil sa sobrang kaligayahan sa balitang may bagong itlog na ulit sila Talepia nakalimutan na ng mga ito ang tungkol sa inaakala niyang problema sa pag ibig niya sa isang sirena. Sisiguraduhin na lamang niya na hindi magpakita ng anuman emosyon sa harap ng hari upang hindi na ulit ito mag-isip ng anuman. "Mga nasasakupan! Makinig ang lahat! Magsilabas kayo sa inyong mga tahanan at may magandang balita ang ating mahal na hari!" Sigaw ni Groco sa mga nadadaanan nila. Lahat naman ng mga nakarinig ay agad nagsilabasan sa mga bahay at nagtipon tipon sa gitna upang mapakinggan ang magandang balita na sinasabi nito. "Kayo ay lumabas lahat dahil may iaanunsyo ang mahal na Haring Agon!" Patuloy na siga

