Chapter 107 Hindi naman agad nakakibo ang ama ni Estella. Wala naman problema sa kanya na mag-asawa na ito dahil na sa tamang edad na ang dalaga pero parang hindi yata siya masyadon sigurado na magpapalaki ang anak ng batang hindi naman galing sa sinapupunan nito. "Estella, Sigurado ka ba na kaya mong magpalaki ng bata na hindi galing sa'yo? Oo, Alam ko na mahirap ang walang ina dahil ganun ka rin pero iba naman ang sitwasyon mo sa anak nitong nobyo mo hindi kaya dumating ang oras naman na magtalo kayo tungkol sa anak niya sa iba? Ako naman ay nag-aalala lang." Saad ni Mang Estong. "Pa, Sigurado po ako. Hindi naman po ako papayag na maging kami kung hindi ko tanggap. Sana po ay matanggap din ninyo." Tugon ni Estella. "Wala naman ako magagawa anak basta kung ano ang pasya mo ay susuport

