Chapter 106

1433 Words
Chapter 106 "Samahan na kitang umuwi sa inyo Estella para kunin natin ang tatay mo. Dumito na rin muna siya habang pinapagawa natin ang magiging tahanan natin." Malambing na sabi ni Tipang sa dalaga. "P-Pero sasabihin ba natin ang tungkol sa mga anak natin?" Ani Estella. "Karina, Ano sa palagay mo? Dapat bang sabihin natin sa ama ni Estella ang tungkol sa mga anak namin? O maging sa totoong katauhan ko?" Tanong ni Tipang. Pumikit naman ang babae at tinignan ang magiging kahihinatnan kung sasabihin nila ang lihim. Dumilat na ito at umiling. "Huwag na ninyong sabihin dahil nakikita ko ba may mapagsasabihan siya na iba at magiging dahilan ng pagkalat ng balita tungkol sa inyong mga anak." Sagot ni Karina. "Narinig mo Estella. Ilihim natin dapat kahit sa ama mo." Tumango naman si Estella kay Tipang. "Pero kung dito siya titira ay baka makita niya ang mga anak niyo?" Sabat naman ni Suting. "Oo nga, Yung maliit na pating ay maaaring itago pero ang batang sirena ay hindi." Saad ni Temyo. "Hindi ba siya pwedeng mabigyan na ng mga paa ngayon palang? Hindi ba sinabi ninyo na pwede siyang magkaroon gamit ng perlas na meron kayo?" Ani Estella kina Karina. "Oo pero paano kung tanungin ng iyong ama kung paano ka nagkaroon ng anak?" Sagot ni Karina. "S-Sabihin mo na anak ito ni Tipang at wala ng ina kaya ako nalang ang kikilalanin. Alam ko naman na mauunawaan iyon ng papa ko dahil lumaki ako na walang ina. Alam niya ang hirap ng pagpapalaki mag-isa sa isang sanggol na walang muwang. Basta sana ay mukha talaga itong tao para naman hindi siya maghinala saka sana ay hindi maging kakaiba ang anak ko pagkalaki. Makakapagsalita ba siya? Kakain ba siya ng parang sa tao? Natatakot ako na makutya o malait siya dahil sa kakaiba siya." Nag-aalalang sabi ni Estella. "Huwag ka mag-alala at lalaki siyang parang tao lalo na at sa lupa siya titira." Ani Karina habang nilabas ang isang perlas at isinuot sa sanggol na sirena. Nagkaroon ito ng mga paa. Natuwa naman si Estella at binuhat ito muli at niyakap ng mahigpit saka hinalikan ang noo nito. "Isa lang ang hindi niya pwedeng gawin ang mabasa ang perlas. Hindi na rin ito pwedeng tanggalin dahil oras na matanggal ito ay tuluyan na siyang magiging sirena." Tugon ulit ni Karina. "Maraming salamat." Naiiyak na sabi ni Estella. Inilapag na niya ito muli sa kama upang sunduin ang ama. "Kami na ang bahala sa kanya teka ano nga pala ang inyong itatawag sa kanya?" Tanong naman ni Yesha. "Ano nga ba ang magandang pangalan?" Napapaisip na sabi ni Tipang. "Huwag kalimutan ang isa pa ninyo anak." Saad naman ni Groco. "Ang gusto kong panglan ng anak natin na sirena ay Espang Samantala ang anak natin na pating ay Estepan. Ayos lang ba sa iyo ang ganun?" Ani Tipang kay Estella. Napakamot naman ng ulo ang dalaga dahil parang ang baduy ang gusto nito. "Gusto ko sana sa babae ay Stephanie. Yung Estepan naman ay Stephen. Mas maganda ang tunog dahil baka mabiro sila ng mga tao. Lalo na ang anak natin na babae." Ani Estella. "Stephanie at Stephen. Maganda nga. Sige 'yun nalang." Nakangiting sabi ni Tipang kay Estella. Napatango naman ang lahat at nagustuhan din ang napili nilang pangalan sa dalawang anak. "Tipang, M-Magsasama na tayo hindi ba? W-Wala ka ba planong magpakasal tayo? Hindi kasi magandang tignan na magkasama tayo sa iisang bahay baka anong isipin ng mga tao saka baka hindi pumayag ang papa ko na walang kasal na namamagitan sa atin. Sa kaharian ninyo ba ay may ganun din?" Tanong ni Estella. "Oo meron. Sige kahit kailan mo gusto magpakasal tayo lalo na may mga anak na tayo ngayon eh kung gusto mo pagsundo natin sa ama mo magpakasal na tayo agad." Masayang sabi ni Tipang. Natawa naman si Estella. "Huwag naman baka mabigla siya pero sasabihin ko sa kanya na may plano na tayo kaya natin siya kukunin." Tumango si Tipang. "Ikaw ang bahala nakahanda akong pakasalan ka anumang oras." Natuwa naman si Estella kaya inaya na itong umalis. Napatingin si Yesha kay Temyo habang nilalaro ng mga ito ang maliit na pating. Siya naman ay nasa tabi ng sanggol. Naisip niya kung sila rin ay magkakaroon na ng anak. Siguro ay maganda rin iyon. Medyo nalungkot siya dahil ramdam niya na parang may balakid sa nararamdaman nito. Naisip niya ang taong sinasabi nito noon. Tulad kay Tipang ay natanggap nito ang totoong pagkatao ng lalake. Kaya naman nakaramdam siya ng selos. Kung noon pa siguro niya inamin ang nararamdaman ay masaya na silang nagsasama sa kaharian. Hindi sana ito mag-iisip na umakyat sa lupa. Nahinto siya sa pag-iiisip ng magsalita si Groco. "Temyo, Kelan tayo babalik sa hospital? Gusto ko na sana makita si Marla muli." Tanong ni Groco. "Oo nga eh, Para matignan din ang kapatid ni Althea. Kung gusto mo pagkarating nila Tipang ay sumaglit tayo para malaman ang kalagayan nila." Sagot ni Temyo saka napatingin kay Karina. "Karina, Pwede ka bang isama sa hospital. Lugar inyon na pinagdadalhan sa may mga sakit. Ipapakita sana namin ang kapatid at ama ng mga kaibigan namin na tao." Tanong ni Temyo. "Oo naman walang problema." Ani ni Karina na napatingin sa anak. "Mabuti kung ganun ilang linggo na rin namomoblema sina Althea at Marla sa mga mahal nilang may sakit." Malungkot na sabi ni Temyo. Tumango si Groco bilang pagsang-ayon. "Tulad ng sinabi mo pagkarating nila Tipang ay pumunta tayo. Isasama ko si Yesha kung maaari." Saad ni Karina. Ramdam niya na malungkot ang anak dahil hindi ito gaano napapansin ni Temyo kahit na magkakasama na isa sa iisang bahay. "Walang problema. Maiwan ka nalang suting para may kasama sila Tipang mamaya rito. Kami nalang ni Groco ang pupunta kasama sila." Saad ni Temyo. "Sige ayos lang." Sagot ni Suting. ------------------------------ Medyo kinakabahan si Estella ng makauwi sila ng bahay. Kumapit sa kamay niya si Tipang ng mapansin na hindi siya mapalagay. "Halika na at sunduin natin siya." Aya nito sa dalaga. "O-Oo." Naabutan nila ang matanda na nagbabasa ng diyaryo sa may sala. Napatayo naman ito ng makita ang anak na may kasamang matipuno at gwapong lalake. "Anak, Nariyan ka na pala. Aba! May kasama ka halikayo at pumasok." Masayang sabi nito kaya medyo nakahinga ng maayos si Tipang. Sobrang kabado rin siya pero pilit na pinapatatag ang sarili. Ngayon may anak na sila ay dapat hindi na siya maduwag. "Pa, Siya po si Tipang." Pagpapakilala nito sa ama. Kumamay naman si Tipang sa matanda at ngumiti. "Kamusta iho? Ako ang ama ni Estella. Ako si Ernesto pero Estong ang tawag sa akin ng mga kakilala ko." Ngumiti naman ulit si Tipang saka tumango. "Ikaw ba ay nanliligaw sa anak ko? O baka ikaw ay kasintahan na niya?" Tanong nito. Nagkatinginan naman ang dalawa. "K-Kami po ay may plano ng magpakasal ni Estella. Kaya po kami narito at para kunin kayo at isama sa bahay. Gagawin na rin po ang magiging sariling bahay namin pero sa ngayon ay sa mga kaibigan ko tayo tutuloy. Kung inyong mamarapatin ay handa ko pong pakasalan ang inyong anak anumang oras. Mahal ko po si Estella." Kinakabahang sabi ni Tipang. Nagulat naman ang ama ni Estella pero nakitang parang naiiyak ang anak habang nakatingin sa lalake. Natouch kasi siya na nagsabi ito na mahal siya nito at handa siyang pakasalan anumang oras. Akala nga niya ay wala itong sasabihin sa ama. "Eh nasa tamang edad naman na ang anak ko. Siya na ang magdedesisyon sa gusto niya. Kahit hindi na ninyo ako isama. Basta huwag mo lang saktan ang aking anak at pakamahalin ay magiging maligaya na ako." Naluluhang sabi ni Mang Estong. Napatingin naman si Estella sa ama at tuluyan naluha. "Pa, Hindi ko po kayo iiwan. Kaya nga po kami narito para kunin kayo at mga gamit natin. Hindi ko po kayo hahayaan na mag-isa. Kaya tara na po." Tumango naman ang ama at nagpunas ng lupa. "Ikaw talaga ginulat mo ako. Teka baka naman buntis ka kaya biglaan ito?" Tanong ni Mang Etong. Hindi naman nakasagot ni Estella. "Pa, H-Hindi po ako buntis pero gusto ko po sanang sabihin na may anak na sanggol si Tipang na kakapanganak lang. W-Wala pong ina d-dahil hindi kinaya ang panganganak. Hindi po sila kasal kaya wala pong magiging problema. W-Wala rin pong kamag-anak ang babae kaya isang mag-ama lang po ang natitira. Gusto ko po sanang ako ang kilalain ina ng bata. Alam ninyo naman po ang hirap ng lumaking walang ina dahil naranasan ko iyon." Saad ni Estella. Itutuloy  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD