Chapter 80 Maagang nagising si Martin at Selena para daanan si Marla sa Ospital dahil pupunta sila sa Professional Regulation Commission o PRC upang tignan kung nakapasa sila sa bar exam. "Sana ay pasado ka para mapaghandaan na natin agad ang pagkakandidato mo sa pagka mayor ngayon pa lang." Nakangiting sabi ni Selena. "Malaki naman po ang tiwala ko ma na makakapasa ako." Sagot naman ni Martin. Nakita nila na nag-aantay na si Marla at Natalie sa babae ng Ospital. "Natalie? Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka na naka oxygen? Hindi ka na ba nahihirapan huminga?" Sunod sunod na tanong ni Selena sa dalaga. "O-Opo, Mas malulungkot lang po ako kung mag-isa ako at naroon pa sa mismong naging kwarto ni mama. Isa pa ko gusto ko rin makita ng persona lang resulta ng exam. Siyanga po pala maraming s

