Chapter 81 Nasa mall sila Estella at Tipang habang masayang naghahanap ng makakainan. Ipinaalam siya nito sa manager at sinabi nila kunwari na may titignan silang lupa. Ayaw din kasi ng dalaga na tuluyan mag resign sa trabaho dahil baka bigla silang maghiwalay ng lalake. Mahihirapan na siyang makapag apply muli lalo at hindi naman siya tapos ng pag-aaral. Natutuwa naman siya dahil kita sa mga babaeng nakakasalubong nila ang hanga at inggit dahil sa kasamang lalake. Nagturo si Tipang ng isang kainan na madalas nilang puntahan nila Temyo at tumuro ng maraming pagkain. Nagulat naman ang dalaga dahil dalawa lang naman silang kakain pero parang pang limang tao ang order nito. "Ang dami naman nito Tipang baka hindi natin maubos." Saad niya habang tinitignan ang mga pagkain na nasa lamesa.

