Chapter 83 Mabilis nakarating si Mang Troy sa subdivision at natanaw ang bahay ng mga Rosario. Pumayag naman ang mga guard na papasukin siya dahil sinabi kunwari na may mahalangang sasabihin mula sa munisipyo. Pagkararing sa harap ng gate ayy tinawag na nito si Martin. Narinig naman ng dalawa ang lalake kaya napasilip sila kung sino ang tumatawag. Napalabas si Martin ng makita ang ama ni Nida sa labas. Tinakbo nito ang gate upang pagbuksan ito. "Mang Troy, Ano po ang sadya ninyo? Halika po sa loob." Aya nito sa matanda. Pawis na pawis ito at halata ang pagod sa itsura. "S-Sir Martin, May dapat po kayong malaman." Hinihingal nitong sabi. Nagtaka naman si Martin kung ano ang sinasabi nito. "Sa loob na lamang po tayo mag-usap at mainit po rito sa labas." Inakbayan pa nito ang matanda a

