Chapter 84

1632 Words
 Chapter 84 Walang nagawa si Natalie kaya palihim lang ang pagsimangot nito habang tinitignan si Martin na kausap ang opisina sa subdivison upang kuhaan ng taxi ang matanda. Inis na inis siya kung sino si ba Nida. Hindi siya papayag na may umagaw sa lalake lalo ngayon na ulila na siya ay ang pamilya nalang nito ang pag-asa niya para hindi maghirap. Akala niya noon ay si Marla ang makakatapat niya ngunit meron pa pala siya mas dapat bantayan. Ayaw niyang magtrabaho dahil alam naman niya na hindi niya kayang pangatawan ang pagiging abogado lalo na at halos dinaya lang niya talaga ang exam kaya nakapasa. Kung sakali rin naman na magtatrabaho siya ay hindi naman ganun kalaki ang sasahurin at kulang pa sa mga luho niya sa buhay. Maya maya ay dumating na ang taxi at sinundo ang matanda para magpaalam sa munisipyo at umuwi upang kunin ang mga anak. Ilang oras din ang inantay nila Martin bago nakarating sila Mang Troy pabalik sa kanila kasama sila Nida. Nagulat pa si Natalie ng makita na dalagita pa pala ito at malaki ang agwat ng edad nila kesa rito kaya ang inis ay medyo nawala pero hindi pa rin siya papakasiguro dahil may itsura ito kahit masasabi na hindi pa lubos nagdadalaga. Nahihiya si Nida na naupo sa sofa katabi ng ama at mga kapatid habang binibigyan ng meryenda ni Martin. Nagulat sila kanina ng sabihin ng ama na hihinto na ito sa pagtatrabaho sa munisipyo at kila Martin na magtatrabaho. Lilipat na rin sila ng bahay upang makalayo sa panganib. Hindi gaano pinaliwanag ng ama ang mga nangyayari pero wala naman sila magawa kundi sumunod lang dito. "Kumain muna kayo Nida." Nakangiting sabi nito sabay aboy ng platito na may cupcake at mga macaroons. "S-Salamat po." Nahihiya nitong sabi.  "Ano ang sabi sa Munisipyo Mang Troy?" Tanong ni Selena. "Naku nagulat po sila ang sabi ko ho kunwari ay talagang hindi ko na kaya magtrabaho dahil sa maraming sumasakit sa akin." Saad nito.  "Ayos lang ho 'yan huwag kayo mag alala kung ano ang sahod niyo doon at dodoblehin ko sa magiging sahod po niyo ngayon." Nakangiting sabi ni Selena "Ma, Alam ninyo po bang halos 15 years old lang si Nida pero 4th year highschool na. Consistent po siyang honor student at nilalaban sa mga paligsahan ng talino sa iba't ibang school. Scholar po siya sa pinapasukan pero dahil itong munisipyo ay walang tulong a mga tulad niya ay hindi siya lalo nahahasa. Kaya nga isa sa mga gusto ko na gawin ay tulungan ang mga tulad niyang may angkin talino. Ganun din po ang mga kapatid niya." Nakangiting sabi ni Martin habang nakatitig kay Nida na hindi makakain ng maayos. "Talaga? Naku iha dapat ay sa almga advance school kayo mag-aral ng mga kapatid mo." Nakangiti rin na sabi ni Selena. "Naku kahit saan naman po ay ayos lang basta makapag-aral po at makapagtapos kaming magkakapatid." Nahihiya nitong sagot kay Selena. Medyo nanliliit siya sa yaman ng mga ito.  Medyo nalulungkot siya dahil napakalayo ng agwat nila ni Martin. Napatingin siya kay Natalie. Palihim na umirap ito sa kanya. Hindi niya alam kung kaano ano ng mga ito ang babae pero ramdam niya na mabigat ang loob niyo sa kanya. "Paano tara at puntahan na natin ang lilipatan ninyong bahay?" Excited na sabi ni Martin na nauna ng tumayo. Nagsisunuran naman na ang mga ito maging si Natalie. Manghang mangha sila Nida ng makita ang up and down na town house na bago nilang titirhan ng pamilya. Hindi siya makapaniwala na makakatira sa ganitong kagandang bahay.  Sampung magkakamukha at magkakadikit na town house ang naroon. Nasa pinakaunahan sila. "Mula ngayon ay dito na kayo titira. Libre ang upa. Yung tubig at kuryente nalang ang babayaran pero kaya na 'yun dahil sa amin naman na magtatrabaho ang tatay ninyo. Kaya kayong magkakapatid ang gagawin lang ay mag-arap mabuti." Saad ni Selena habang natutuwa sa mga bata dahil halos nagsisisikan na nakaupo sa isang sulok. Masaya rin pinagmamasdan ni Martin ang mga ito. Sa isip niya at simula pa lang ito sa pagtulong sa pamilya ng babaeng minahal. "Kumplet na po ang gamit dito kaya wala kayong po-problemahin. May Isang kwarto rito sa baba para sa iyo Mang Troy hindi kayo mahirapan akyat panaog yung tatlo naman sa itaas ay paghatian ninyong magkakapatid. Mababait naman ang mga nasa kanilang town house ninyo basta huwag lang maingay masyado para maiwasan ang alam ninyo na. Ito nga pala konting tulong habang hindi pa po kayo sumasahod." Patuloy na saad ni Selena saka inabot ang isang envelope kay Mang Troy na abut abot namanang pasasalamat. "Palala ko lang bukod sa bawal ang maingay at bawal ang dugyot dito baka magkalat kayo ng basura sa labas. Bawal din ang ugali at asal iskwater iwan ninyo doon sa pinanggalinan ninyo ang mga ganun. Mapalayas kayo ng homes owner association." Sarcastic naman na sabat ni Natalie. "Natalie, Hindi naman sila ganun." Medyo inis na sabi ni Martin dahil napansin na para pang napahiya ang mga ito dahil nagsiyukuan maging ang ama na si Mang Tony. "Kilala ninyo si Marla hindi ba? Balak ko na dito na sila sa katabi ninyong town house tumira para hindi na sila bumalik sa probinsya." Saad ni Selena. Napatango at ngumiti si Mang Troy dito.  "Oo nga pala Natalie. Malapit na ang inyo rito ihahatid ka na rin namin pauwi." Sabi naman ni Martin. Tumango si Selena dahil medyo hindi rin nito nagustuhan ang sinabi ng dalaga. Ayaw pa naman niya sa mga mapanghusga sa kapwa lalo at wala rin naman ibibuga. "P-Pero hindi po ba ako ang campaign manager mo? Hindi pa nga tayo nakakapag usap kung ano na ang gagawin dahil sa mga 'to." Duro nito sa pamilya ni Nida. Mahinang hampas namas sa daliri nito ang ginawa ni Selena. "Saka na tayo mag-usap tungkol doon Natalie. Sa ngayon ay magpahinga muna. Huwag ka mag-alala at simula naman ngayon araw ay bayad na ang serbisyo mo bilang campaign manager ni Martin." Saad ni Selena na sumeryoso na. "Pero Tita Selena. Hindi po ba ako sa inyo muna titira? H-Hindi ko pa po kasi kayang unuwi sa amin dahil naaalala ko sila papa at mama." Nagdadramang sabi ni Natalie. "Natalie, Hindi kasi talaga kami sanay na may ibang tao sa bahay. Kung gusto mo ay tito ka na rin sa town house habang wala sila Marla." Alok nito. Napailing naman si Natalie ayaw niya makita sila Nida lalong ayaw maging kapit bahay. "Hindi na po. Pipilitin ko nalang po sa amin umuwi." Kuyom ang mga palad na sabi nito.  "O sige. Siya paano na Mang Troy bukas ay magpunta ka sa amin para masabi ko ang mga gagawin mo sa bahay. Halika na Martin." Nauna na itong lumabas pagkatapos magpasalamat ng pamilya ni Mang Troy. Humuling sulyap naman si Martin kay Nida bago lumabas ng bahay. "Natalie, Next time huwag kang ganun sa mga tao. Paano ka mangangampanya sa mga mahihirap kung ganun ang trato mo sa mga katulad nila? Isa pa baka nakalimutan mo ano ang tulong na nagawa para amin ni Mang Troy." Seryosong sabi ni Selena habang nakasakay sila ng kotse. Lihim naman na napangiti si Martin. "S-Sorry po." Pilit na pinipigilan ni Natalie ang inis. Lalong nadagdagan ang asar niya kay Nida. "Mahirap ang uunahin ni Martin na tulungan at latagan ng plataporman niya. Kung isa sa kanila ay hindi masayahan sa mga ipinapakita ay tiyak iisipin na plastik lang ang mga gagawin ng anak ko tulong sa kanila. Sinabi na nga ni Mang Troy na sisirain ang pangalan namin.kung ganyan ang makikita nilang ugali ng mga nakapaligid kay Martin ay sasama rin ang tingin nila sa amin." Tinignan pa ito ng seryoso ni Selena kaya lalo itong napahiya. "S-Sorry po talaga." Nag-iyak iyakan ito para maawa at matigil na ang pagsesermon sa kanya. "Hindi naman ako galit. Hindi lang talaga maganda ang napakita mo sa pamilya ng taong tumulong sa amin." Hindi tinablan ng drama ni Natalie si Selena kaya hinto na nito ang pag-iiyak iyakan. Huminto sila sa harap ng bahay nila. Dumukot ng ulit sampung libo sa bag si Selena at inabot sa dalaga. Malungkot na bumaba si Natalie. "Bayad na ang kuryente at tubig mo hanggang sa susunod na buwan kaya pagkain nalang ang bilhin mo." Hindi na nito inantay ang sagot nito at sinabi kay Martin na umalis na sila. Isang impit na sigaw ang pinakawalan ni Natalie pagpasok sa loob. Totoong naiyak na siya ng makita ulit ang bahay. Makalat, madumi at malungkot. Napaupo siya at tulungan humagulgol ng iyak. ----------- "Tay, Bakit po ba tayo talaga biglang napunta dito? Bakit po kayo nagresign sa trabaho? May problema po ba?" Tanong ni Nida habang magkatulong silang naglilinis ng bagong bahay. Napahinga naman ng malalim si Mang Troy at inaya si Nida sa likod ng bahay upang hindi marinig ng mga kapatid o ninoman. "Nida, Hindi ka naman na bata at alam kong may isip ka na. Narinig ko kasi na dahil sa balak na pagtakbo ni Martin sa magiging mayor ay pinagtatangkaan ni Mayor So ang buhay nila balak silang patayin kung magiging kalaban sa politika. Hindi ko naman kaya na hindi sabihin sa kanila dahil sa kaunting panahon na nakilala natin ay naging mabuti sila sa atin. Sinabi ni Ma'am Selena na magresign na ako dahil baka ngayon palang daw ay may nagtitiktik ng buhay nila baka raw nakita na ako kaya para ron sa kaigtasan at eto nga narito na tayo at bukas sa kanila na ako magtatrabaho. Balita ko sila pa ang gumagastos sa hospital ng tatay ni Ate Marla mo. Doon palang ay napatunayan ko na matulungin sila talaga." Saad nito. Nagulat naman si Nida sa narinig. Nag-alala siya sa buhay ng ama at ni Martin. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD