Chapter 85 "Diyos ko itay paano na po ngayon? Nanganganib pala ang buhay nila Sir Martin dapat po ay mag-ingat sila." Nag-aalalang sabi ni Nida. "Anak, Mayaman naman sila kaya nila kumuha ng mga bodyguard. Ang totoo mas natatakot ako para sa buhay natin mag-aama. Oo hindi na ako magtatrabaho sa munisipyo at sa kanila na ako pero paano kayong mga anak ko kapag pumasok." Napapailing na sabi ni Mang Troy. "Hindi ba po ay ililipat naman na kami ng eskwelahan? Isa pa po ay baksyon naman na kaya dito lang kami ng mga kapatid ko sa bahay o kaya po ay tutulong ako sa inyo sa paglilinis sa bahay nila para naman po sulit ang pagpaptira nila sa atin." Nakangiting sabi ni Nida. Napaisip naman si Mang Troy. Siguro ay ligtas naman sila dahil tulad ng sabi nito ay bakasyon at mababantayan pa niya ang

