Chapter 97

1681 Words
Chapter 97 "Kakalabas palang po noon ng itlog nila Reyna Amira nagkataon na nagpapalit din po sila ng balat iniwan nila ang kanilang bagong silang na itlog kaso sa hindi po inaasahan ay may dumating na mga tao at kinuha ito. Hindi naman na po nila nagawang mahabol dahil sa takot din si Haring Sudon noon na makapanakit ng mga tao. Nalaman po ng ampon niya na kapatid na si Serpio ang pagkawala no Prinsipe Adon nilinlang niya ang mga nasasakupan sa kaharian ng Sudonia upang patalsikin sa pwesto ang mag-asawa nagtagumpay naman po siya at napatapon sa Kaharian ng Laringan ang mga ito kasama na sila dating Reyna Amihan at Haring Gaston. Mabuti po ay nagkasundo na ang dalawa bago pa mangyari iyon dahil nakuha rin ng mga tao si Haring Agon ngunit nabawi ni Haring Sudon at naibalik ng ligtas bilang utang na loob naman ay tinanggap sila ng buo. Naging malungkutin sila Reyna Amira maski sila Reyna Amihan ng mawala ang dapat sana na tagapag mana ng trono. Ibinigay nalang nila kay Haring Agon ang lahat dahil sa kawalan ng pag-asa. Isa 'yun sa pagkakamali dahil ngayon ay meron na silang bagong supling na aking itinatago." Saad ni Karina. Nagulat naman sila Groco ng marinig ito. "Ha? Meron na rin bagong itlog sila Amira at Sudon?" Gulat nitong tanong. Tumango ang sirena at lumingon kay Larry. "Mahal na Haring Laringan maaari po ba na bumalik na kayo sa kaharian? H-Hindi po maganda ang aking pangitain. Magkakaron po ng malaking gulo dahil... dahil hindi totoong anak nila Reyna Talepia at Hari Dragoda si Prinsipe Agen." Malungkot na sabi ni Karina. Lalo naman hindi makapaniwala sila Groco sa narinig. Nanlaki ang mga mata nila sa isang katotoohan na nalaman. "K-Karina, Kung hindi anak nila Reyna Talepia si Prinsipe Agen bakit kamuka nila ng lumabas sa itlog? Sila Haring Dragoda lang naman ang may itsurang dragon hindi ba ?" Tanong naman ni Tipang. "Nililinlang lang kayo ng inyong paningin. Ginamitan ko lang ng salamangka upang ang makita ng mga nasasakupan ay maging kamuka nila dahil ang totoo ay patay na talaga ang nasa sinapupunan nito noon pa man una itong nagpatingin sa akin. I-Ipinagpalit namin ang anak nila Sorena sa kanya. Pinalabas nalang namin na patay ang anak nila upang hindi magkaroon ng malaking gulo. Nakita ko kasi sa aking pangitain na hindi matatanggap ni Reyna Talepia ang katotohanan. Pag-iinitan nila ang mga bagong supling nila Haring Sudon. Magkakaroon ng malaking kaguluhan dahil gugustuhin ng mga nasasakupan na paghiwalayin nalang ulit ang mga trono at gawing pinuno ang bagong itlog ng mag-asawa kung mangyari man iyon ay walang matitira na tauhan si Haring Agon dahil sa kasamaan nito ng ugali at pagpapatayin ang mga nasasakupan niya. Isa sa mga nakikitang pag-asa ay bumalik si Prinsipe Adon dahil higit siyang mas malakas kesa sa kaninoman." Saad muli ni Karina. "Haring Laringan, Hindi po ba ay matagal na kayo rito sa lupa? Hindi po na ninyo siya nararamdaman na narito? Lalo at nagpupunta kayo sa ilog? Ang narinig ko na kwento noon ni Haring Sudon ay madalas sila nagtutungo rito upang masilayan ang kanilang anak dahil nagpunta minsan dito ang babae dala si Prinsipe Adon." Tanong naman ni Groco. Napailing naman si Larry maski ang kanang kamay na si Horio. "Hindi, Maski na nagpupunta kami ay hindi wala naman ako alam sa mga nangyayari sa katunayan kadalasan ay hindi kami tumatagal ng oras sa paghinto rito ni Horio pero kung malakas nga siya sa lahat ay malamang kaya niyang itago ang kakayaha upang hindi siya matagpuan." Sagot ni Larry. "Ngunit sana naman ay alam na niya ngayon na hindi siya tao talaga at may mga magulang siya na totoo. Sobrang nangungulila ang mga iyon sa kanya. Kahit na may bago na silang supling ay hindi pa rin nawawala sa isip nila Reyna Amira ang nawalang anak. Umaasa silang isang araw ay uuwi ito at magkakasama na sila." Sabat ni Yesha. "Saan po pala kayo nakatira ngayon Haring Laringan?" Tanong naman ni Temyo. "Sa susunod na subdivison lang mula rito. Nais ko rin na sana lumipat dito kaya pinapaayos ko ang isang bahay na nabili ko." Sagot ni Larry. "Naku ganun po ba magkakakitaan pa rin po pala na tayo palagi kung dito na rin po kayo titira." Masayang sabi ni Temyo. "Oo ganun na nga. Sandali ano ang pinagkukunan ninyo ng pera? May mga negosyo ba kayo? Teka huwag ninyo sabihin na puro sa perlas na dala lang ninyo kayo umaasa?" Saad ni Larry. Napakamot ng mga ulo ang grupo ni Temyo. "Mabilis mabuos ang pera rito sa lupa kung talagang nagtatago kayo sa hari ay hindi kayo dapat masyadong umasa na makakakuha pa ng mga perlas dahil tiyak ay mahuhuli niya kayo." Napapailing na sabi nito. "Ano po ba ang pwedeng gawin? Haring Laringan? Nasa banko po ang pera namin at ito lang ang amin dala kung may gustong bilhin." Sagot ni Temyo habang pakita ng atm card. "Hindi lahat ng tao ay tumatanggap ng atm card. 'Yun iba ay pera agad malamang ay wala rin kayo ideya sa pera at kung maapo mag compute ng sukli at dapat ibayad." Napatango sila Temyo. "Ako ay may mga ipinatayong mga bahay at mga commerical space na pinapauhan ko sa mga tao. Doon ay mas nadadagdagan ang aking pera upang kahit mawalan na ako ng perlas ay hindi ako maghirap. Kumuha rin ako ng magtuturo sa amin na magbasa at magsulat. Naturuan na rin si Horio kaya pati pagmamaneho ay marunong kami. Mahalaga ang may sasakyan na sarili lalo at hindi pa tayo ganun kapamilya sa mga lugar dito. Marami pa kayong dapat matutunan kung nais ninyo na talagang dito na manatili at tumira rito sa lupa. Mahirap mahing mangmang o ignorante sa mga bagay bagay dahil maloloko kayo at pagtatawanan. Siya nga pala Larry nalang ang itawag ninyo sa akin mas nasay na ako tawagin doon." Mahabang sabi ni Larry. "Sir Larry nalang po tulad ng tawag sa inyo ni Horio." Pag-galang na sabi ni Temyo. "Sandali maiba ako ano ba ang problema at ako ay iyong ipinatawag Yesha?" Tanong ni Karina. Lumapit naman ang dalaga at hinawakan sa kamay ang ina. "Ina, Bago ko po sabihin ay pakiusap dumito ka na kasama ko. Mapanganib na ang kaharian para sa atin. Magiging maayos naman ang ating buhay dito kasama nila." Sagot nito. "Anak, Nasa akin pa ang mga supling nila Reyna Amira at Haring Sudon hindi pa oras na ilabas sila." Nag-aalalang sabi ni Karina. "Wala na po akong pakielam ina. Ang tangi ko na lamang po na gusto ay magkamasama tayo ay mamuhay na walang inisip na trahedya. Kaya pakiusap po ina dumito na po kayo." Naiiyak na sabi ni Yesha. Napahinga naman ng malalim si Karina. "Sige, Pero dapat ko muna sabihin kila Reyna Amira na sila na ang magtago ng kanilang mga supling." Sagot ni Karina. "Salamat po ina! Oo nga po pala kailanga namin ng gamot para po kabigan nila Temyo. Isa po ay wala daw malay dahil nahulog at nagkaroon ng problema sa ulo. Ang isa naman po ay tao na dating naging biktima ni Soren noon hindi po nakakapagsalita at parang nawala sa katinuan." Napatango naman si Karina. "Sige madali naman na siguro sila magagamot oras na makita ko sila ng personal dito na rin ako gagawa ng pang gamot sa kanila. Aalis na ako para sabihin kila Reyna Amira na kunin na ang kanilang mga supling. Mamayang gabi ay babalik ako at aahon tulad mo na may paa." Masaya naman yumakap si Yesha sa ina dahil pumayag na itong makasama niya sa lupa. "P-Pwede po bang isama na ninyo si Terio?Gusto ko rin po siyang makasama sana rito sa lupa wala naman na rin siyang pamilya roon baka mas makakabuti na magbagong buhay na rin siya." Malungkot na sabi ni Temyo. "Susubukan ko siyang kumbinsihin pero hindi ko siya mabibigyan ng tulad sa dahon na galing sa bathla. Iba kaming mga sirena dahil paa lang ng tao ang aming kailangan ay para na rin kaming hindi iba sa kanina." Sagot dito ni Karina. "Salamat, Sana ay pumayag siya at sana ay pagbigyan din siya ng bathala na magkaroon ng bagong buhay kasama ko." Napahinga ng malalim si Temyo. "Aalis na ako para makabalik agad." Pamamaalam ni Karina lihim muna itong sumulyap kay Larry bago pumailalim ng langoy. Hindi niya akalain na magkikita pa sila muli ng lalake. Ang nag-iisang lalake na nagpatibok ng kanyang puso. Ang ama ni Yesha. Matagal niyang itinago sa lahat na ito ang ama ng anak. Pinalabas niya na solo niya itong ginawa dahil maaari naman talaga na magsolo ang matataas na uri ng sirena upang makabuo ng sariling anak kesa sa mga normal na sirena na kailangan pa magkaroon ng asawang siyokoy. Alam niya na ang kaibigan na si Amihan ang gusto nito siya pa ang kinaibigan nito rati upang maging tulay sana ng dalawa ngunit dahil ng panahon na iyon ay ang ama ni Amihan ang hari at hindi pa payag ang lahat na magkaisa ang dalawang kaharian ay hindi pinansin ni Amihan ang pagpaparamdam ng hari ng kabilang trono. Imbes na si Amihan ang mahulog sa pag-ibig nito ay siya ang nagkaroon ng lihim na pagtingin kay Haring Laringan. Noong magkaroon ng katipan ang babae ay sobrang nalungkot si Larry at si Karina ang naging sandalan nito dahil ito ang saksi ng pag-ibig na nasayang. Nagkaroon sila ng isang gabi na magkasama alam niyang nadala lang ito ng sobrang sabik at hinagpis kaya may nangyari sa kanila. Bigla itong nawala ng malaman nito na magpapakasal na ang babaeng minamahal kasabay ng pagkawala ni Larry sa kaharian ay ang pagkamatay din ng puso niya lalo at nagbunga ang minsan nilang pagsasamang dalawa. Dumireto na siya sa sariling tahan pero nakita si Terio na nakaayos na pangkawal ng hari. "Terio?" Gulat niyang tawag dito. Napatingin naman ito at ngumiti sa kanya saka lumapit. "Karina." "B-Bakit ka nakasuot ng pangkawal? Hindi ba nagbitiw ka na noon sa iyong tungkulin at nais na lamang maging normal na nasasakupan?" Tanong nito kay Terio. Itutuloy  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD