Chapter 96 "Narito po sila sa lupa dahil tinakasan nila si Haring Agon." Nakayukong sabi ni Yesha. Nagkatinginan naman sila Larry at Horio dahil sa sinabi nitong dahilan. "Sandali lang isa kang sirena hindi ba? Kamukha mo ksi si Karina ang kaibigan kong sirena noon na taga kabilang kaharian." Tanong ni Larry. Napatango naman si Yesha at napangiti ng bahagya. "Opo mahal na hari. Ako po si Yesha. Anak po niya ako." Sagot nito. "Talaga anak ka niya? Kaya pala kasing ganda mo siya. Masaya akong makita ka Yesha. Kamusta naman siya? Teka bakit ka narito sa lupa? At sino si Haring Agon na tinatakasan ninyo? Nasaan ang anak kong si Dragoda?" Saad ni Larry. "Anak po ni Haring Dragoda si Haring Agon. Ako ko nga po pala si Groco dati po akong kanang kamay ni Haring Agon. H-Hindi po maganda ang

