Chapter 95 "Sir Larry, Narito na po tayo sa Ilog Sigpa." Magalang na anunsyo ng driver sa amo nitong nakaupo sa passenger seat ng magarang sasakyan. Napadilat naman ito ng marinig ang driver at tumanaw sa buong paligid. "Nakaidlip pala ako masyado ako abala kahapon kaya kulang sa tulog. O siya sige dito ka muna sa sasakyan Horio at bababa muna ako." Sagot niya sa driver. "Samahan ko na po kayo sir." Sagot ng driver na mabilis bumaba upang pagbuksan ito ng pinto. Napahinga ng malalim ang lalakeng masasabi na nasa pagitan ng trenta hanggang kwarenta ang edad. Maganda ang katawan at mukhang adonis sa kagwapuhan. Idagdag pa mukha ito talagang mayaman sa pustura. Lumapit sila malapit sa pinakailog at tahimik lang na tumanaw sa malayo ang lalake. Isang beses sa isang linggo ay pumumunta siy

