Chapter 90 "Sasama po ba kayo sa akin ina sa lupa? Meron din po ba kayo ganito?" Tanong ni Yesha sa ina. Umiling naman ito. "Ihahatid lang kita pero hindi ako pwedeng sumama sa lupa dahil siguradong hahanapin tayo ng hari lalo na kung may mangailangan ng tulong na magpapagamot." Sagot nito. "Ganun po ba sige po pero hindi naman po ako magtatagal doon." "Kelan mo ba balak pumunta sa lupa? Dapat ay may plano ka kung pupunta roon. Hindi 'yun pabigla bigla lang." Tanong ni Karina sa anak. "Opo, Bago po ako umakyat sa lupa ay kailangan matanaw ko muna si Temyo upang matulungan niya ako at may matuluyan." Saad nito. "Basta Yesha umuwi ka agad ayokong maghinala sa iyo ang hari baka pag-initan tayo. Isipin na kinukunsinte natin ang mga nasasakupan na nagpupunta sa lupa. Ayokong maging masam

