Chapter 91

715 Words
Chapter 91 "Ina! Ayun po si Temyo naroon po siya sa bago nilang tahanan!" Masayang sabi ni Yesha saka kumaway sa lalake. Nawala naman ito sa terrace ng bahay nang makita ang pagkaway niya. Napahinga ng malalim si Karina habang tinitignan ang anak. Umiibig na nga ito talaga. Hindi naman niya ito mapipigilan sa nararamdaman. Hinintay nilang makapunta sa malapit sa kanila si Temyo. Nagulat pa si Karina dahil tao na ang itsura nito talaga at malayo sa totoo nitong anyo noong nasa kaharian pa sila. "T-Temyo? Ikaw na nga ba 'yan?" Tanong ni Karina. "Ako nga po. Ano po ang inyong ginagawa rito? M-May nangyari na naman po ba? Kamusta po ang kapatid ko na si Terio?" Kinakabahan naman na sagot ni Temyo. "Ayos naman si Terio. Nagluluksa sa pagkawala ng mga magulang ninyo pero maayos naman siya at tuloy lang ang buhay. Narito ako para samahan si Yesha sobra kasi ang pag-aalala niya sa iyo Temyo mula ng ipaalam sa inyo ang nangyari hindi na siya mapakali gusto kang damayan. Gusto na nga niya pumunta sa bathala upang humiling din na maging tao pero pinahiram ko nalang sa kanya ang perlas na Parlor sa mga sirena lamang ito nagkakabisa upang magkaroon ng mga paa." Saad ni Karina. Nahihiya naman na tumingin si Yesha sa lalake. "G-Gusto mo rin maging tao Yesha?" Hindi makapaniwalang sabi ni Temyo. Alam niyang hindi simpleng bagay ang gagawin nito lalo na at amg espesyal pa pala na perlas ng mga sirena ang gagimitin nito para magkaroon lang ng paa. "N-Nag-aalala kasi ako sa'yo. Alam kong malungkot ka. Gusto sana kitang damayan. Hindi ka naman kasi makabalik pa sa kaharian kaya ako na lang ang pupunta rito para samahan ka." Napayukong sabi ni Yesha. Hindi naman agad nakasagot si Temyo. Natutuwa siya effort nito pero bigla nitong naisip si Althea. Paano pag nalaman nito na nasa lupa na rin ang sirenang sinasabi niya na dating napusuan.  Napailing tuloy siya kung noon siguro naging ganito si Yesha ay baka hindi na niya pinangarap magpunta sa lupa. "Temyo, Ginagawa lahat ng anak ko para lang sa iyo. Ito nga pala ang mga sisidlan nagdala kami ng mga perlas nasabi mo raw na kailangan ito para mabuhay dito ng maayos. Ayoko naman maging pabigat o mahirapan ang aking anak habang narito sa lupa. Gusto ko ay maging komportable pa rin siya tulad ng paninirahan niya sa kaharian kasama ko." Saad naman ni Karin na inilapag sa paanan ni Temyo ang mga sisilad na puno ng mga perlas. "Ina, Paano po babalik nalang po ako agad sa kaharian upang walang maghinala." Paalam ni Yesha sa ina habang hinawakan ang kwintas na Parol at akmang aakyat na sa lupa. "T-Teka sandali lamang, A-Ayos naman ako Yesha. Hindi mo na kailangan magpunta dahil baka pati kayo ay madamay kung maghiganti ang hari sa mga taga kaharian na nagpunta sa lupa. Ayoko naman na pati kayo ay masira aa hari dahil lang sa pagtulong sa akin baka madamay pa ang uri ninyo. Salamat sa pagsuporta pero kaya ko naman na ang sakit at unti unti nang tinatanggap ang mapait na katotoohan. Alam kong darating ang araw at mapapatawad ko rin ang aking sarili sa nangyari." Awat ni Temyo sa sirena na mukhang nabigla. "A-Ayaw mo ba na makasama ako rito sa lupa?H-Hindi naman ako mangggulo. Malungkot na sabi ni Yesha na napayuko bigla. Napatingin naman si Karina kay Temyo na parang nabalisa. "Temyo, Hindi hihiling si Yesha na magkapaa kung hindi dahil sa'yo." Seryosong sabi ni Karina. "Hindi naman po sa ayaw ko siyang makasama rito. Masaya nga po ako na gumagawa pa siya ng paara pero iniisip ko lang po ang magiging  kahihinatnat nito." Sagot ni Temyo. "Yesha, Umuwi na tayo. Mukhang maayos naman na si Temyo rito sa lupa isa pa tama naman siya dahil baka may makaalam nito at isumbong pa tayo sa hari." Aya ni Karina. Napailing naman si Yesha sa ina at may luha sa mga mata na tumingin kay Temyo. "Temyo, Mahal kita. Matagal na rin kita na napupusuan talaga pero nahihiya ako. Gusto kitang makasama at makita araw araw hindi na ako nakakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip sa iyo." Naiiyak nitong sabi. Parehong natulala si Karina at Temyo sa pag-amin nito sa totoong nararamdaman para sa lalake. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD