Chapter 92

1571 Words
Chapter 92 Hindi makapaniwala si Temyo sa narinig na pag-amin mula kay Yesha. Mula pagkabata pa lamang ay pinangarap na niya itong maging asawa pero dahil sa pagiging torpe at mahiyain ay hindi man lang ito malapita at makausap. Biglang pumasok sa isip niya ulit si Althea paano na kapag nagkatagpo ang dalawa? Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin pero nahihiya naman siya sa mga ito dahil sa pagpunta pa ng mga ito sa ilog para lang madamayan siya sa pinagdadaanan na kalungkutan. Napahinga siya ng malalim. Wala naman siguro masama kung patuluyin nga niya ito sa kanila. Mabuti na rin na ngayon palang ay malaman na niya kung ano talaga ang nararamdaman sa dalawang babae. Ayaw niya saktan pareho ang mga ito pero ngayon na umamin si Yesha sa nararamdaman ay hindi naman niya ito basta masasagot lalo na at alam niyang maging si Althea ay may pagtingin din sa kanya. Medyo nalungkot siya dahil ngayon lang ito umamin kasalanan rin niya siguro dahil masya siyang torpe baka hinihintay lang pala siya nitong lumapit. Kung noon siguro ito nagtapat ay baka nagtatalon na siya sa tuwa kaso iba na ang sitwasyon ngayon. Mahihirapan na siya bumalik sa kaharian hindi niya alam ang naghihintay sa kanya sa kamay ng hari. Isa pa ay wala na ang mahiwagang dahon na magbabalik sa dati niyang anyo. Kung ang sirena naman ang titira sa lupa upang samahan siya ay kawawa naman ang ina nito at mga kauri dahil baka pag-initan ng baliw na hari. Pakiramdam niya ay nahahati ang puso niya sa saya at lungkot. "Yesha, Sige kung gusto mo ay dumito ka muna pero hindi ka pwedeng magtagal. Hindi sa ayaw ko na makasama ka nagpapasalamat nga ako dahil handa kang gumawa ng paraan para lang maging tao rin kaya lang mahirap ang sitwasyon baka magalit sa inyo ang hari. Hindi lang sa iyong ina kundi sa mga uri ninyo ayokong may mapahawak dahil lang sa amin." Saad ni Temyo. Napatango nama si Yesha na nagpupunas ng luha. "Oo, Temyo. Ayoko rin naman mawalay kay ina ng matagal at alam ko rin naman ang pwedeng mangyari kapag nalaman ni Haring Agon. Kahit ilang araw lang tapos ay uuwi na ko." Masayang sabi ni Yesha. Lumapit naman si Karina kay Temyo ay inabot ang kamay. "Temyo, Ikaw na muna ang bahala sa aking anak. Dalawang araw mula ngayon ay susunduin ko muli siya rito sa lugar na ito." Saad ni Karina. Inabot ni Temyo ang kamay sa mga pinuno ng mga sirena. "Huwag po kayo mag-alala hindi ko po siya pababayaaan." Sagot nito. Medyo napakunot noo si Karina pero hindi niya pinahalata sa dalawa. Umupo si Yesha sa lupa ay nagkaroon ng mga paa ng hinimas ang nakakwintas na Palor sa leeg. Wala itong saplot kaya hinubad ni Temyo ang suot na Tshirt at ibinigay dito. Sinubukan ni Yesha na tumayo pero dahil hindi sanay maglakad ay natumba ito mabuti nalang ay nasalo ni Temyo kaya hinsi sumubsob sa lupa.  "Bubuhatin nalang kita muna malapit lang naman dito ang bahay." Sabi nito dahil nawawalan ng balanse ang sirena. "Sige Temyo. Ang hirap pala tumayo at maglakad baka mabalian pa ko." Medyo alanganin sabi nito. "Masasanay ka rin huwag ka mag-alala." Nakangiting sabi ni Temyo. Napangiti na rin si Yesha at kumapit sa leeg nito ng buhatin siya ng lalake. "Paano ina. Sunduin na lang po ninyo ako sa araw na sinabi ninyo. Palagi po ako dudungaw doon kung gusto ninyo akong makita." Saad ni Yesha sa ina saka tumuro sa terrace ng bahay. "S-Sige, Mag-iingat ka anak. Mauna na ako." Sagot nito saka lumangoy pailalim. Nalulungkot siya para sa anak dahil kahit naramdaman na may pagtingin din si Temyo rito ay meron pang isang babae na nasa isip nito.  "Tara." Sabi ni Temyo saka nagsimulang maglakad habang buhat siya. Masayang masaya naman si Yesha. Iba man ang itsura nito ay parang lalo siyang nahulog sa lalake dahil mas gwapo ito at mukhang totoong tao. "S-Salamat, Temyo. Nakakahiya ang bigat ko yata." Nahihiyang sabi ni Yesha. Natawa naman si Temyo. "Oo nga eh! Parang nawala ang kinain ko kanina." Napasimangot naman si Yesha at nagkakakwag. "Ah ganun parang sinabi mong ang taba ko ah!" Naiinis na sabi nito. Lalo naman natawa si Temyo. "Biro lang pero alam mo matutuwa ang mga isda." Sagot nito ulit habang natatawa. Napakunot noo naman si Yesha. "Matutuwa? Bakit?"  "Eh kasi may pagkakataon sila na makalangoy ng hindi nanganganib na makain ng matakaw na sirena." Tumatawang sabi nito. Lalo naman nainis si Yesha pero mas hinigpitan ni Temyo ang kapit dito kaya napayakap ang babae sa hubat na katawan nito. "Biro lang Yesha. Narito na tayo sa bahay." Seryoso ng sabi ni Temyo. Hinilig naman ni Yesha ang ulo sa balikat nito sa tumango. -------------------------- Tumulo ang mga luha ni Althea ng makita sina Temyo at Yesha. Hindi siya makapaniwala na may sirenang naroon sa itlog pero mas hindi siya makapaniwala ng maging tao ito at binuhat pauwi ni Temyo. Sasaglit sana siya sa bahay ng mga ito dahil hihingi ng tulong. Kailangan na ni Faye ng brain transplant hindi na kasi kakayanin ng gamot ang kalagayan nito. Hindi niya alam kung kanino hihingi ng tulong kaya naman naisipan niya na puntahan ang mga ito baka sakaling may maisip na paraan.  Kaya lang ay ang tagpong iyon ang nakita. Napagmasdan niya ang sirena para itong diyosa sa ganda lalo ng magkaroon ng mga paa. May hawig sila pero maski siya ay masasabing mas maganda ito at kakaiba ang karisma. Hindi niya masisi si Temyo kung ito noon ang nagustuhan dahil baka kapag nakita rin ito ng ibang tao lalo ng mga kalalakihan pag agawan ito.  Matatalo pa nito ang mga artista at modelo. Bagay na bagay sila ni Temyo lalo na at galing pa sila sa parehong mundo. Hindi namalayan ni Althea na bumabagsak na pala ang mga luha niya sa mga mata. Ano ba ang laban niya sa una at totoo nitong pag-ibig?  Naalala niya ang pagyakap nito sa kanya sa hospital. Akala niya ay may ibig sabihin iyon binigyan pa siya ulit ng bracelet pero dahil lang siguro sa kaibigan ang turing nito sa kanya.  Siya lamang ang nagbibigay ng malisya sa mga pinaparamdam at mga binibigya nito. Ngayon narito na rin sa lupa ang totoo nitong iniibig ay kailangan na niya talagang lumayo rito. Sobrang bigat ng dibdib na umalis siya. Hindi na niya dapat guluhin ang dalawa at maging sagabal sa pag-iibigan ng mga ito. Panahinga siya ng malalim saka tumakbo pabalik sa hospital. ----------------------- Napailing si Matteo ng may bagong kakaibang bagay na nakita. Kung noon ay halimaw at Malaking ahas ang nakita ngayon naman ay mga sirena. Isa sa mga iton ay naging tao pa.  Napailing siya sa mga kakaibang bagay na nakikita mula ng dumating ang mga bago nilang kapit bahay. "Saan ba galing ang mga 'yun?" Nagtataka niyang tanong sa sarili. ---------------------- Nagulat si Suting ng makitang buhat ni Temyo si Yesha pero mas nagulat ito makitang wala na itong buntot bagkus ay may paa na rin ng tao. "Temyo! S-Si Yesha ba 'yan?" Gulat nitong tanong. Ibinaba naman ni Temyo sa sofa ang dalaga saka tumango. "Ako nga ito Suting. Huwag ka mag-alala hindi naman ako narito para hulihin o isumbong kayo sa hari. Gusto ko lang damayan si Temyo sa pagkawala ng magulang niya. Hindi rin ako magtatagal." Nakangiting sabi nito. Napalabas naman sa kwarto sila Groco at Tipang dahil sa narinig. Napababa ang mga ito ng makita si Yesha. "Y-Yesha? T-Tao ka na rin? A-Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Groco. Hindi naman makakibo si Tipang na nag-aalala sa pagdating ng sirena. "Oo pero hindi permanente. Pinahiram ako ni Ina nitong perlas na Palor para pansamantala na magkaroon ng paa. Inuulit ko hindi ako nagpunta para hulihin o isumbong kayo sa hari. Gusto ko lang damayan si Temyo sa pagkawala ng magulang niya. Hindi rin ako magtatagal dahil baka malaman at mapano ang aking ina at mga kauri. Isa pa ay alam na namin ni Ina ang totoo." Nagkatinginan ang apat na lalake. "A-Anong totoo?" Tanong ni Tipang. "Ang totoo na hindi talaga si Suting ang may kasalanan ng pagkamatay ng mga kasama niya. Alam na rin namin ni Ina ang ginawa ninyong paghiling sa bathala para makapunta sa lupa. Ang mali lang ni Temyo ay hindi siya nagpaalam sa magulang kaya inakala na dinukot siya at naghihirap ang kalagayan. Oo nga pala Groco at Tipang mula ng mawala kayo ay palaging mainit ang ulo ni Haring Agon. Napakahigpoit nga niya ngayon kaya natatakot ang ibang kawal o mga normal na nasasakupan na gumawa ng mali." Napapailing na sabi ng dalaga. "Eh ikaw baka malaman na narito ka. Ang lakas ng loob mo baka bigla kang sitahin at pag-initan ni Haring Agon." Saad ni Groco. Malungkot na napangiti ng tipid si Yesha. "Anong magagawa ko. Sinunod ko lang ang puso ko." Lalong nagkatinginan ang apat. "Ha? Anong sinunod ang puso?" Takang tanong ni Suting. "M-Mahal ko si Temyo kaya gusto kong makita at madamaya siya rito. Sana nga ay makabalik na siya sa kaharian." Napatakip sa bibig si Suting at napatingin kay Temyo na napakagat naman sa labi. Sila Groco at Tipang naman ay nagkatinginan. "Ano Yesha? Mahal mo si Temyo?" Tanong ulit ni Suting.  "Oo mahal ko si Temyo. Mahal na mahal ko siya handa akong gawin ang lahat para sa kanya." Sagot ng dalaga. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD