Chapter 93

1706 Words
Chapter 93 "Mahal mo si Temyo? Eh paano 'yan wala na ang mahiwagang dahon para makabalik siya sa kaharian. Hindi nga namin alam kung ano na ang mangyayari ngayon sa kanya dahil nalunok niya iyon ng hindi namamalayan. Wala naman paraan para makausap ang bathala upang maitanong ang pwedeng maging solusyon." Saad ni Suting. "Hindi naman magtatagal si Yesha rito sa lupa dahil baka malaman ni Haring Agon na pati siya ay naririto at magalit sa kanila ng kanyang ina. Susunduin din siya ni Karina paglipas ng dalawang araw." Sagot ni Temyo. Napatango naman ang tatlo. "O-Oo, Aalis rin naman ako gusto ko lang siya talaga makasama. Ayos lang naman ba sa inyo kung dumito muna ako kasama ninyo?" Nahihiyang sabi ng sirena. "Siyempre naman ayos lang." Halos sabay sabay na sabi ng apat na lalake. Napangiti naman si Yesha sa pag sang-ayon ng mga ito. "Saan ka pala matutulog? Sa tabi ba ni Temyo?" Sabat ni Tipang na natatawa. Namula naman si Temyo at Yesha na napaiwas ng tingin sa isa’t isa. Napailing agad ang lalake. "Hindi ah! Ano ba kayo. May isang kwarto pa naman na bakante. Doon na muna siya tumuloy. Pahihiramin ko muna rin siya ng damit bilhan nalang natin bukas para may magamit siya habang narito." Sagot ni Temyo. Inaya na nito ang dalaga na magpahinga. Binuhat niya ito paakyat ng hagdanan pero napahinto ng makitang natulala ang tatlo sa ginawa niya. "H-Hindi pa kasi niya kayang maglakad ng maayos kaya bubuhatin ko siya baka mahulog pa sa hagdanan. M-Matututo rin siya maglakad sa mga paa niya sa mga susunod na araw." Hindi na hinintay ni Temyo ang sagot ng tatlo at mabilis na ipinasok ang dalaga sa isang kwarto. Ibinaba nito si Yesha sa kama. Namangha naman ito sa lambot nito kaya inalog alog ang katawan. "Anong uri ito ng higaan Temyo? Napakalambot nama." Masaya nitong sabi habang nagpapagulong gulong. Napangiti naman si Temyo. "Kama ang tawag diyan. Dito natutulog ang mga tao para mahing komportable ang higa." Sagot nito. Napatingin naman si Yesha sa buong kawarto kakaiba ito sa tinitirhan nila sa kaharian pero masasabi niya na maganda. Bigla siyang nilamig sa paligid napansin naman ito ni Temyo kaya hininaan ang aircon. "Malamig ba? Hinaan ko. Kakaiba ang lamig ng aircon kesa sa lamig ng tubig." Napatango si Yesha. Inabutan ni Temyo ang dalaga ng extrang damit. "Yesha, Dito sa lupa ay kailangan ng damit. Ito na muna ang gamitin mo bukas ay bibili tayo para may magamit ka. Saka pala subukan mo maglakad lakad para masanay ka hindi kasi maganda tignan sa mata ng tao na binubuhat ng lalake ang isang babae." Napatango ulit si Yesha. "Nagugutom ka ba? Kakaiba ang mga pagkain dito pero masarap naman tignan mo yung tatlo 'yun ang isa sa mga paboritong gawin dito." Napapailing na sabi ni Temyo. "Hindi pa ako nagugutom masyado akong nasabik na makapunta sa lupa at makita ka kaya hindi ako nakakaramdam ng gutom. Medyo kinakabahan din ako na makipag salamuha sa mga tao na narito pero nandiyan ka naman alam kong hindi mo ako papabayaan. Hindi ba?" Nakangiting sabi ni Yesha. Ngumiti na rin si Temyo rito at tumango. "Oo naman hindi kita papabayaan. Sige na magbihis ka na ah pwede ka nga pala maligo rito." Tinuro nito ang banyo sa loob ng kwarto. "Naku ang sabi ni ina kapag nabasa itong kwintas ko na Palor ay babalik ang buntot ko." Nag-aalalang sabi nito. "Ha? Eh kung hubarin mo nalang muna itang kwintas?" Suhestiyon ni Temyo. Sinubukan nga tanggalin ni Yesha ang kwintas pero parang humigpit ito sa leeg niya. "A-Ayaw. Masakit na." Tinigilan na nito ang pagtanggal dahil parang masasakal na siya. "Kung ganoon ay pwede ka naman maligo kahit may buntot ka may bathtub naman at saka kapag natuyo ka malamang ay babalik ang mga paa mo." Saad ulit ni Temyo. "Siguro nga sige susubukan ko." Nagulat si Temyo ng nagpilit ito tumayo at biglang hinubad ang lahat ng saplot sa katawan. Napayuko naman si Temyo at hinila ang isang tuwalya saka inabot sa dalaga. "Y-Yesha, T-Takpan mo ang katawan mo." Namumulang sabi nito. Napakunot noo naman si Yesha na kinuha ito saka itinakip sa kahubaraan. "Nakatakip na." Saad ng dalaga. Napahinga ng malalim si Temyo bago ulit tumingin dito saka napailing. "P-Pilitin mo maglakad para masanay ka." Nagpilit naman si Yesha na ihakbang ang mga paa. Medyo nawawalan pa ito ng balanse pero mas nakakaya ng gamitin ang mga paa. Nakarating sila sa Banyo. Inalalayan na ito ni Temyo papasok sa bathtub dahil baka madulas. Pinuno niya ng tubig ang loob nito. Nang umabot sa dibdib nito ang tubig at nabasa ang kwintas ay biglang lumabas ulit ang buntot ng dalaga. "Temyo! Bumalik ang buntot ko." Nag-aalalang sabi ni Yesha. "Sige lang hayaan mo na maligo ka at kapag tapos ka na ay tawagin mo ako tutulungan kita na magpatuyo." Sagot ni Temyo. Ibinilin muna nito ang pag gamot ng shampoo at body wash sa dalaga maging ang tooth brush at toothpaste. Ilang minuto rin ang tinagal nito bago siya tinawag para buhatin pabalik sa kama. Kumuha mg extrang mga towel si Temyo para sa buntot at para naman sa pag itaas na katawan nito. Biglang napalayo si Temyo dahil habang pinupunasan ang buntot nito ay bumalik sa pagiging paa. Pinasuot niya ito agad ng damit para matakpan ang kaselanan nito. "Yesha, Huwag kang lalabas na walang saplot dito sa kwarto maski kilala mo sila Suting ay hindi maganda tignan lalo at nasa katawang tao ka na rin. Sige na magpahinga ka na. Tawagin mo lang ako kung meron kang kailangan." Hinawakan naman ni Yesha ang kamay nito. "Hindi ba pwedeng dito ka na matulog? W-Wala naman malisya gusto ko lang makasama ka. Baka kasi hindi rin ako makatulog dito. Unang gabi ko ngayon sa lupa. Unang gabi rin na wala ako sa tabi ni ina sa kaharian mamamahay ako." Malungkot nitong sabi. "Yesha, Sinabi ko naman kasi sa iyo na ayos lang ako at hindi mo kailangan na magpunta rito sa lupa para lang sa akin. Hindi sa ayaw kita makasama natatakot akong maging dahilan na pahirapan kayo ng hari. Sabi ninyo nga ay alam na ninyo ang totoo. Alam na niyo kung gaano siya kabaliw at kawalang puso. Kaya ka niya saktan o ang ina mo. Wala ako roon para maligtas kayo kung sakali." Napaiyak naman si Yesha. "Mahal kasi talaga kita. Kung hindi nga lang nawala ang sinasabi ninyong dahon na bigay ng bathala ay inaya na kitang bumalik sa kaharian upang mas madalas na makasama. Gusto kong pahintuin ang oras Temyo. Ngayon palang ay ang bigat na sa dibdib kapag naiisip ko na babalik ako sa kaharian na hindi ka kasama pabalik." Napayakap ito ng tuluyan kay Temyo. Tinapik naman ng binata ang balikat nito. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya malaman kung ano ang dapat isagot dito. Meron pa siyang nararamdaman sa dalaga hindi naman nawala iyon kahit noon pa pero naging espesyal na rin sa kanya si Althea mula ng maging katawang tao kaya naguguluhan siya sa kung ano ang dapat gawin. "T-Temyo, G-Gusto mo rin ba ako? M-May pagtingin ka rin ba sa akin?" Lumuluhang tanong ni Yesha. "Yesha, Aamin ko meron akong pagtingin sa iyo mula pagkabata nartin kaso sobrang hiya ang nararamdaman ko tuwing nakikita ka. Umiiwas na lamang ako kahit gusto kitang lapitan at kausapin. Parang ang hirap mo kasi abutin noon. Ngayon nasa lupa na ako at hindi na alam kung kelan makakabalik ay isa ang nararamdaman ko sa iyo ang pilit kong tinatanggap na hindi na pwedeng mangyari. May isang babaeng tao ako na nakilala dito. Alam niya ang totoong pinagmulan ko. Natanggap naman niya pero dahil hindi pa rin naman sigurado na tuluyan na akong magiging tao ay hindi ko alam kung tama ba na may maramdaman din ako sa kanya. Naguguluhan ako sa totoo lang Yesha. P-Pareho kayong malapit sa puso ko." Napayukong sagot nito. Bakas naman ang lungkot sa mukha ng dalaga sa narinig. "G-Gusto mo rin ang babaeng tao na sinasabi mo? Pero Temyo hindi kayo maaari dahil magkaiba kayo ng mundo." Saad ni Yesha. "Yesha, Ngayon naman na nawala ang dahon ko at nasa lupa na ay magkaiba na rin tayo ng mundo. Ang hindi ko lang sigurado kung makakabalik pa ba ako sa dati o tuluyan na magiging isang tao." Lalong nalungkot si Yesha. Muli itong yumakay kay Temyo at humahugulgol ng iyak. "Temyo, Mahal na mahal kita. Kung hindi ka na talaga makakabalik sa kaharian ay hindi na rin ako babalik doon." Seryosong sabi nito. "Paano naman ang iyong ina? Paano pag tinanong ng hari kung nasaan ka? Baka kapag nalaman ay pag-initan siya o saktan. Kaya niyang pumatay ng mga sa tingin niya ay traydor sa pamumuno niya hindi ko naman gusto na mangyari iyon dahil lang sa gusto mo akong makasama." Seryoso rin na sabi ni Temyo. "Papapuntahin ko na lamang si Ina dito sa lupa ngayon sinabi mo na may iba ka pang napupusuan ay lalo akong hindi mapapalagay pag bumalik ako sa kaharian. B-Baka ikamatay ko rin mag matinding kalungkutan sa sobrang pag-iisip sa iyo." Napaailing naman si Temyo at tumayo. "Yesha, Wala pa naman sa isip ko ang pag-ibig ako ay nagluluksa pa rin hanggang ngayon. Sana nga ay pati si Terio ay dumito na kasama ko dahil nag-aalala rin ako sa kanyang kalagayan. Nag-iisa na lang siya at wala ng katuwang sa buhay." Napaisip naman si Yesha. "Sige mag-uutos ako sa mga isda na sabihin kay ina na pinapatawag ko siya at isama si Terio baka mabigyan din siya ni Ina ng anumang magagamit para maging katawang tao. Tama ka dapat ay magkasama kayo kesa nag-iisip kayo pareho sa kalagayan ng bawat isa."  Saad ni Yesha. "Hindi ba delikado ang iniisip mo? Ikaw na ang nagsabi noon na huwag magtiwala sa kahit na sino baka magsumbong ang mga isda o kaya may makakakita sa ina at kay Terio na paparito. Alam mong galit na ngayon ang hari dahil maski si Groco ay hindi na rin bumalik sa tungkulin." "Hayaan mo ang hari. Mas susundin ko ang puso ko kesa pairalin ang takot. Pipilitin ko si Ina na tumira kasama natin at si Terio." Itutuloy  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD