CHAPTER 6

1721 Words
"GUSTO kita Aaliyah." na bingi ako sa na rinig. "I don't know when did I start liking you, but I know. I do like you." seryoso netong sabi. Totoo ba itong na ririnig ko sa kaniya? Gusto niya ako? Gusto niya talaga ako? Hindi ko alam sa sarili ko pero sobrang saya ko ng marinig ko yung mga katagang iyon. Hindi lang sense of responsibility sa employee ang pag aalala niya sa akin. Hindi lang ilusyon. Kundi totoo talaga. "You don-" "I like you too sir." pag putol ko sa sasabihin niya. "Matagal na po kitang gusto. Hindi lang po ako nag lalakas loob dahil, ano ba naman po ako sa inyo." sinabi ko na ikinakunot ng nuo nito. "Kasi po iyan na kayo sir eh, ako eto lang. Empleyado niyo. Kumbaga langit ka lupa ako, na ang pinaka malapit lang para makuha ka ay mangarap." naiiyak kong sambit. Since growing up life has always shown me the worst side of being poor. Laging ipinapamukha sa akin ng tadhana na mahirap ako, sa maraming paraan. Nang magkasakip ako dati ay halos hindi na pumikit ang magulang ko makahanap lang ng perang pambayad sa hospital. Habang nasa loob ng delivery si mama dati ay kaylangan pang pumasada ni papa para lang may pandagdag bayad sa hospital. May mga araw na isang beses lang kumain para lang mapag-aral kami. Ang pag hinto ko bawat taon sa kolehiyo para mag trabaho at mag ipon ng pang projects ko para lang matamo ang pangarap ko. At nung akala namin na aahon na kami sa hirap ay lalo naman kaming ibinaon ng tadhana sa lupa, nawala si Papa. Parang pinaasa lang kami ng tadhana at nung nakitang masaya kami ay kinuha naman si Papa bilang kapalit. Ang akala kong pangarap na makapagtapos na sa pag do-doctor ay isinama ng itay sa hukay. "WHY would you even say that." lapit ni Axel kay Aaliyah. "Hindi ka 'lang' lang. You are worth something." sabi nito at tumabi sa babae. "Kasi matagal ng ipinamukha sa kin ng mundo na ang pangarp ay pangarap lang." malungkot na sabi nito pero may maliit na ngiti na kala mo'y nag sasabi na okay lang ang pinagdaanan. "Lahat ng pangarap ko, pangarap ko parin kasi ngayon. Wala ni isang na tupad. Kaya nung sinabi mo na gusto mo ako feeling ko yun na yung pambawi ng mundo sa akin." "Hey. You are worthy, okay? Whether of things, dreams or me, you are worthy of having it." pag aalo ng lalaki. "You don't need to be rich or anything to have things. You just need to be you, and that's what made me like you. I'm gonna prove that to you." Iyak lang ang naging sagot ni Aaliyah dito, dahil ngayon lang naman kasi niya narinig ang mga katagang iyon. Napag uusapan nila ni Venuz ang mga bagay na iyon pero hindi sila umabot na may mag sasabi sakanilang sapat na sila. Dahil pareho lang naman silang dalawa na hindi nakaranas ng rangya. All Axel did was to comfort and reassure Aaliyah that she's enough and worthy. Matapos ng gabing iyon ay naging mas komportable na sila sa isa't isa. Napagkasunduan ng dalawang ito na kilalanin muna nila ang isa't isa habang nililigaw siya ni Axel. Si Aaliyah unti-unti ng nailalabas ang kakulitan sa lalaki. "Sir Axel hindi po ba talaga kayo kakain. May dala po ako oh." sabi nito sa lalaki. "Ali busog pa ako." insist ng lalaki pero kumbinsido si Aaliyah dahil ang kinain lang naman nito mula ng dumating ito ay isang piraso ng biscuit and kape. Kaya lumapit si Aaliyah dito at hinila niya ito papalabas ng opisina. "Ang kulit talaga." rinig naman niyang sabi ng lalaki na ikisakusilap niya lang. "Leo kakain lang kami sa lounge, tawagan mo nalang ako pag may kailangan ka." masiglang sigaw nito nang napadaan sila sa cubicle ni Leo. "Copy." Sa loob ng 3 buwan na pagliligawan nila ay naging ritwal na ata ng dalawa na magbangayan pag magaaya na ang isa sa kanila na kumain. Madalas ay si Aaliyah ang na ngungulit dito dahil sa habit ng lalaking mag palipas ng gutom matapos lang ang trinatrabaho. Minsan naman ay si Axel ang nag aaya kapag napansin nitong hindi pa tumatayo sa kinauupuan ang babae kahit lagpas na ang oras sa kinasanayang pang kukulit nito. "Ali, let's go out. We need to eat." pag aaya neto. "Mauna na po kayo sir. Kaylangan na po kasi ng Marketing itong pinapasuyo nila sa akin mamaya." nakadukdok parin sa lamesa nitong sabi. "No." Malalim na sabi nito at ipinatong ang kamay sa papeles na binabasa ni Aaliyah. "That can wait, but not your hunger. Your health matters more than that favor." sambit nito na hindi na inangalan ng babae ng hinila na nito ang kanyang kamay. "YOU came!" rinig niyang sigaw ni Zane, inaya kasi siya nito sa opening ng Resto niya. Kasama kasi talaga dapat niya si Axel pero may business trip naman itong na isa tapat sa araw na ito. "Syempre, sabi mo libre eh." natatawa kong sabi sa kaniya na tinawanan niya rin naman. "We should settle you down now." sabi nito at iginaya siya sa four seater na table. "Darating mamaya yung date ko. Papakilala ko siya sayo." nakangiti nitong banggit. "Wow naman, may date ka? Ikaw? Buti naman kinaya ng sistema mo na umamin sa kaniya." nang aasar ngunit nakangiti kong sabi. Dahil aminin ko man o hind ay nag alala ako nung tumamlay siya bigla nitong mga nakaraang taon. Hindi na kasi siya sumasabay sa sigla ng mga kaibigan pag mag kakasama ang mga ito. Laging ang lalim ng iniisip, at kala moy pasan pasan ang buong poblema ng mundo. "Yes naman." Malaking ngiti nito. "Maganda yun, sigurado akong mag kakasundo kayo kasi parehas kayong makulit." "Aasahan ko yan ah." sabi ko sakaniya at nag paalam naman siya para mag entertain din ng ibang bisita. Habang nag hinihintay itong bumalik ay kinuha ko ang telepono para imessage si Axel pero mukhang naunahan niya ako. 'Hey Ali, are you there now? Sorry I can't come, dad ask me this favor months ago pa kasi.' 'It's okay. Nandito naman si Zane. He's taking care of me.' 'Good. But don't get to close to him. I might book a flight if he did.' 'Ano ka ba. Na aactivate nanaman yang pagiging seloso mo.' 'Basta ikaw ang nasa usapan at may naisasamang lalaki, kahit sino pa yan ay mag seselos talaga ako. ' 'I gotta go. Nandito na lahat ng board members. Enjoy the evening.' 'You too.' "Wow, nawala lang ako nag karuon ka na ng text mate na seloso." Rinig ko sa pamilyar na boses. Hindi ako pwedeng mag kamali, alam ko ang boses na yun. Na rinig ko na lahat ng iyak at hagalpak neto na kahit gano pa kalayo iyon ay makikilala ko kung sino yun. At tama nga ang hinala ko nung nilingon ko. "Venuz? Oh my gosh ikaw nga!" natutuwa kong sigaw at niyakap siya. "Miss mo naman ako masyado." pabiro nitong sabi pero ibinalik rin ang yakap. "Hindi rin. Ngayon lang kasi kita ulit nakita simula nung nag paalam kang aalis." sabi ko at humiwalay na sakaniya. "Pano ka pala na padpad dito?" "Oh you know each other?" rinig kong boses ni Zane. "Hello babe. You should have called me when you arrived." sabi nito kay Venuz at hinalikan niya ito sa pisngi. "Babe?" nanlalaking mata kong tanong. "Teh? Babe?" "What? Gwapo naman siya ah." sabi ni Venuz at niyakap si Zane. "Bakit siya!?" gulat ko paring tanong. "Hoy Aaliyah nakakasakit ka na ah." Angal naman ni Zane sa sinabi ko. "Pinag hirapan ko kayo ito." Nguso niyang iniyakap lalo ang sarili sa kaibigan ko. "Pwede ba kayong dalawa. Umupo muna kaya muna tayo bago kayo mag batuhan ng question and answer jan." sabi niya at umupo sa tapat kung upuan. Sa buong gabi siguro naman duon ay kwento kung paano sila nabuo ang pinag usapan namin, hanggang sa dumating at natapos ang pa dinner ni Zane ay yun parin ang pinag uusapan namin. "Teka nga, puro kami ang topic natin. Ikaw sino yung kausap mo kanina?" pang uusisa naman ni Venuz "Ah, si Axel. Manliligaw ko." nahihiya kung ngiti dito "Wait. Axel? As in your friend Axel Miller?" tanong naman niya kay Zane, na tinanguan lang nito. "Bakit? Kilala mo rin siya teh? I mean siya yung boss ko sa kompanyang inaplayan ko dati pero hindi ko alam na kilala mo talaga siya." Explain ko dito habang pinag mamasdan ang reaksyon niya. "Ah. Hindi naman kilalang kilala kasi nakilala ko lang din naman siya through Zane." sabi nito at pinakatitigan si Zane. Nag titigan lang sila ng ilang minuto duon na akala mo ay nag uusap gamit ang kanilang mata. Makalipas ng ilan pang mga minuto ay nag aya ng umuwi si Venuz. "Hatid ka na namin, Aaliyah." "Huwag ka ng umangal teh." sabi naman ni Venuz bago pa ako maka tanggi. Nasa kalagitnaan kami ng daan ng may tumawag kay Zane, "Excuse me guys." sabi nito at sinagot ang tawag. "Why?" "Hey sorry man, but can you come here at Primavera. I've already called Devin but just in case he does something. Kaylangan ko kasing ihatid si Prim" Natigilan ako hindi dahil sa na rinig kundi sa pamilyar na boses na nasa kabilang linya. Hindi ba na sa Ilocos siya para sa meeting? "Got it bro, daanan ko nalang." sabi ni Zane at pinatay na ang tawag. "Girl, okay ka lang?" napansin siguro ni Ve ang pag tahimik ko. "Yeah, I'm fine. Daanan na natin si Pheonix." sabi ko at tumingin na sa labas ng bintana para hindi na nila ako tanongin ulit. Kasi pati ako ay may napakadaming tanong na iisang tao lang ang makakasagot. Nang makarating kami sa Bar ni Pheonix ay nakita kaagad namin si Axel akay akay ang babaeng kamukha ko. He didn't even notice that we have arrived. Domeretso ito sa sasakyan at isinakay ang babae sa backseat at tumakbo papuntang driver seat. Nakaalis siya ng hindi na kikita na nandito ako. Lahat ng panahong na babanggit nila ang mga katagang, 'She's not her' ay parang nag yeyelong tubig na ibinuhos sa akin. Hindi niya ako gusto. Hindi ako ang taong gusto niya. Gusto niya lang ang taong nakikita niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD