CHAPTER 4

1379 Words
"Where do you think your going?" Napatingin naman ako sa kanya pero nakapikit siya. "s-syempre tatayo," at inalis ko ang kamay niya na nakahawak sakin at tumayo at pumasok agad ng banyo. Naghilamos ako at nag momog balak kong umuwi na ngayon dahip naalala ko wala pa akong trabaho tapos nakakahiya naman dito kay Joseph eh nakikituloy pa ako eh dapat ngayon naghahanap ako ng trabaho. I ponytail my hair at lumabas na, pagtingin ko sa kama wala na siya kaya kinuha ko na ang bag ko at magpapaalan na ako dahil ayaw ko nang magtagal dito. Paglabas ko ng kwarto ang malawak na bahay agad ang bumungad sakin. Woh! Hindi ako bagay dito kaya dapat na umalis na ako, hahanapin ko lang si Joseph para makapag paalam na. "anak naman, matanda ka na kaya ikaw na bahala sa buhay mo.." natatawang sabi ng isang babae. Pagtingin ko sa kusina nandon si Joseph naka apron at nakatalikod. "Nay naman, kailangan ko ang advise nyo..." nasa likoran lang nila ako at hindi pa nila ako napapansin. "kahit n-- oh Hija, nandyan ka pala," napaigtad naman ako ng bigla niya akong tawagin at napatingin din si Joseph. "a-ah goodmorning po, magpapaalam lang sana ako Joseph may pupuntahan pa kasi ako ngayong araw, salamat nga pala sa pagpapatuloy, mauna na ako..." at naglakad na ako paalis. "Teka, hindi mo man lang sasabayang kumain ang nobyo mo?" nanlaki naman ang mata ko at napatingin sa nagsalita. "P-po?" nakita ko namang nakangisi si Joseph sa likod niya at nag shrug ng sinamaan ko ng tingin. Hayop talaga! "Oo sinabi niya sakin kaya wag ka ng mahiya," at hinatak niya ako palapit sa mesa. Naman eh! Anong nobyo? The hell! Nang makaupo na kaming lahat at sa kasamaang palad katabi ko siya at sa harap si basta yong babae. "Teka lang kukunin ko lang yong juice.." ngumiti naman ako at tumango pagkatalikod ni manang agad na siniko ko siya at napatingin naman siya. "Siraulo ka ba? Anong pinagsasabi mo!!" napakamot naman siya sa batok niya habang nakangiti. "Sinabi ko kasing...." bigla siyang lumapit sakin at bumulong sa tinga ko. "Girlfriend kita..." hindi naman ako makahinga sa sobrang lapit niya. "Breath Grees," at umatras na siya. "Oh, umalis lang ako bigla nagkaganyan na yang nobya mo, ano namang ginawa mo, Josepheno..." umayos na ako ng upo at humarap sa kanya. "Wala nay, gusto niya lang akong halika!" nanlaki naman ang mata ko at susuntokin na sana siya. "Oh tama na yan, kayo talaga para kayong aso't pusa, hala sige kumain na tayo..." inirapan ko naman siya at ngumisi lang ang animal! "Nga pala hija, pano kayo nagkakilala ng alaga ko ha?" tanong niya habang kumakain kami, pasikrito ko namanh sinipa si Joseph and he just chuckle. "Well nay, alam mo na sikat ako so, marami akong stalker and yes isa siya do--" "No, hindi nay, nagkita kami sa simbahan, nabangga niya ako at dahil po wala siya siyang galang kaya iniwan niya ako, akala ko nga masusunog siya pagpasok ng simbahan!" nanggagalaiti kong sabi at napatawa naman si nanay. "Ganon ba, naku naku hijo!" ngumiti naman ako na parang ako ang nanalo. Hahaha! "Tapos nay nong susunod na araw nakita ko siya sa labas ng building ko at nakikiusap na kausapin ko siya, pero dahil mabait ako kaya kinausap ko siya, alam mo nay ang pangit niyan noon sobra,Untill now!" Halos pabulong na yong panghuli pero narinig ko parin inirapan ko naman siya. Walanghiya talaga! Hindi nagpapatalo! Pagkatapos kumain nag stay muna ako mga thirty minutes saka tumayo na. "Nay Linda kailangan ko ng umalis po, salamat.." sabi ko at tumayo siya, ewan kong nasan si Joseph. "Sige tawagin ko pang si Josep--" "Hindi na po, tatawagan ko na lang siya mamaya!" ang totoo niyan hindi na ako magpapakita sa laki ba naman ng mundo hindi na kami magkikita ulit. "Sige," Nakaalis na ako sa mansyon niya at private pala yong lugar, nga pala mayaman nga billionaire. Patakbo akong lumabas ng gate at buti may taxi na parating pero naisip ko wala pala akong pera kaya bagsak ang balikat ko na naglakad siguro naman makakauwi pa ako, hindi ko nga alam anong lugar to eh! Sampong minuto akong naglalakad at hindi ko alam kong nasan ako, naman. Napaigtad naman ako nang may biglang bumusina na sasakyan tinignan ko lang sa gilid at hinayaan baka hindi ako ang sadya pano naman ako eh wala akong kilala na may sasakyan. Kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sumusunod lang ang sasakyan kaya binilisan ko ang paglalakad ko. Tumigil na ako at hinarap ang sasakyan and turn on my cold look. Hinintay kong buksan niya ang bintana at sa wakas. "Hey," napairap na lang ako ng makilala kong sino ang nag mamayari ng kotse at nagpatuloy sa paglalakad. "Hey hop in.."sabi niya pero hindi ako nakinig at hinayaan lang siyang sumunod. Bigla namang kumidlat at napatingin ako sa langit at unti unting bumabagsak ang ulan. "umuulan na Ooh, hindi ka ba sasakay?" bigla niyang sabi. "Hindi!" at nagpatuloy lang ako sa paglalakad, bigla niya namang pinaharorot ang sasakyan niya palayo pero bigla ring tumigil sa di kalayuan. Nakita ko na lang na lumabas siya at nakapayong at tumakbo papunta sakin. "Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon na tanong ko. "Pinapayungan ka. Hali ka na nga ang tigas ng ulo mo!" at hinatak niya ako, nagpatianod na lang ako at sumakay na sa kotse niya. "Towel oh, sobrang basa mo, hindi kasi nakikinig eh, tinutulungan na nga.." napayuko naman ako. Oo nga ako pa yong nagmamatigas eh tinutulungan niya lang naman ako tapos, nong isang araw at kahapon tinulungan niya pa ako ang laki nga ng utang na loob ko sa kanya dapat tapos ako pa yong bastos. "Sorry.." nasabi ko na lang bigla at napabuntong hininga. "It's okey," sabi niya at hindi ko na siya tinignan. Pagdating sa harap ng pangit kong bahay bumaba na ako at nag wave na sa kanya at tsaka wala akong balak na papasokin siguradong nasa pinto pa pang siya hindi na siya kasya sa tangkad ba naman niya tapos ang matso pa tapos gwapo p-- Teka! Nababaliw na ako. Pagkapasok ko sa munting bahay ko, agad na naligo ako at nagbihis kasi kahit na umuulan gora parin akong maghanap ng trabaho. Pack bag na lang ang ginamit ko at kinuha na ang susi tsaka payong, pag tingin ko sa pader nakita ko anh nakasabit na guitar. Hilig ko kasing tumugtog lalo na guitar tsaka maanda rin naman ang boses ko syempre, ang guitar na yan ang naunang bilhin ko ng matanggap ko ang unang sahod ko. Ginagamit ko lang yan pag gusto kong mag sinte o ako lang magisa. Tingin oo sa mga bars siguro, pwede akong mag apply na maging vocalist part time lang naman para may pagkakitaan naman ako. Alam nyo na kailangan kong kumain araw araw. Paglabas ko malakas parin ang ulan, pero hindi ako nagpatinag, maglalakad pa naman ako. Tss. Ilang minuto na akong naglalakad at wala pa akong mahanap. Lord sana meron ng bar akong makita... Pagdilat ng mata ko may may nakita akong isang bar , Paradaux Bar. Natatakpan kasi yon ng malaking dumn truck kanina kaya hindi ko nakita. Tumawid ako sa daan at agad na nakarating din. "ID ma'am," sabi ng bouncer. "Mag a-apply lang ako," walang emosyon na sabi ko. "This way ma'am," at pumasok kami sa isang opisina at may lalaking nakaupo sa swevil chair. "Sir, may mag a-apply," napatingin naman ang lalaki at hindi ako nagpakita ng emosyon. Umalis na yong bouncer at parang ini-scan ako nong nakaupo sa swevil inferniss gwapo. "Handa ka bang ibuhis ang pagkatao mo, maging bayar---" "teka teka lang sir! Hindi yan ang trabahong gusto ko, mag a-apply ako as vocalist.." napatawa naman siya yong halakhak. Well, anong nakakatawa? "Akala ko eh, pero sige wala nga kaming vocalist kaya ikaw na ngayon, maruning ka namang mag guitaa diba?" sabi niya at patango tango naman ako. "Good, magsisimula ka mamayang gabi, okey?" at tumango lang ako. Yes! May trabaho na ako! Nilisan ko ang lugar pagkatapos dahil kukunin ko pa ang guitara ko para mamaya at maghahanda pa ako. Julian's POV Nasa opisina ako ngayon at hindi makapag concentrate. Nakakainis! Yong babaing yon kasi! Bigla namang may tumawag sa cellphone ko. "What?" naiinis na tanong hindi ko na natignan kong sino ang tumawag. "Woh woh, easy ka lang dude, punta ka naman sa bar ko, may bago akong worker at vocalist siya dude, dude ang ganda pa tapos sexy..." napabuntong hininga naman ako. "Sige pupunta ako mamaya......" at binaba na ang tawag. Hindi ko alam ha, pero bakit pinapayagan ko siya na tinatawag akong Joseph eh malalapit lang naman ang pinapayaan kong tumawag sakin non. Ewan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD