Daisy's POV
Nasa bar na ako at naghahanda na para tumugtog.
"Daisy, ikaw na.." sabi ni Sir. Kristoff ang amo ko. Tumango naman ako at umakyat sa stage.
"Hello, goodevening po, sana magustuhan nyo ang kanta ko..." nakangiti kong sabi.
Now playing: A Thousand Years
(kayo na bahalang mag emagine hehe)
Pagkatapos kong tumugtog may isa pang kanta at habang kumakanta ako may nakita ako sa counter ng bar at naghahalikan at kilala ko kong sino yon.
Si Joseph
Malandi talaga ang mga lalaki. Pagkatapos kong tumugtug bumaba na ako at umupo sa gilid para pakinggan yong sumunod na tumugtug.
"Hi Grees," napaangat naman ako ng tingin.
"Wag mo akong kausapin!" cold na sabi ko at tumayo na tapos pumunta ng banyo pagkalabas ko nagulat naman ako ng mabungaran ko ang mukha ni Joseph na nakangiti.
"Wag kang ngumiti!" cold parin na sabi ko.
"Kanina bawal kang kausapin ngayon bawal ng ngumiti, anong susunod bawal huminga?" inirapan ko naman siya. Bakit ba siya nandito.
Naglakad na ako papunta sa opisina ni boss.
"Boss out na po ako," paalam ko at tumingala naman siya.
"Ah yes, oke--"
"Siya ba yong sinasabi mong bago Kris?" biglang singit ni Joseph.
"ah yeah, I'm right. Right?" kausap niya kay Joseph.
"Shut up asshole! Hindi na siya magtatrabaho dito," sabi ng tao sa likod ko at tinignan ko siya ng masama.
"Para sabihin ko sayo Mr. Mayabang, hindi ikaw ang boss ko kaya pwede ba, wala kang karapatan e fire ako, dyan ka na nga!" at umalis na ako sa kinatatayuan ko at lumabas na. Malakas parin ang ulan at dahil naiwan ko ang payong ko, ayaw ko namang balikan dahil baka makita ko pa siya tss.
"Hey Grees," rinig kong tawag niya, binaliwala ko yon at mabilis na naglakad. Naramdaman ko na lang na may humatak sa kamay ko.
"Ano!" cold na sabi ko sa kanya.
"Kahit ngayon lang makinig ka naman sakin,ang lakas ng ulan oh, magkakasakit ka niya." naiinis na sabi niya at inirapan ko siya.
"Ano bang paki mo!" at binalikwas ko ang kamay niya na nakahawak sakin at naglakad na ulit pero natigilan naman ako sa nakita ko. Para talagang sinadya ng ulan na tumigil para makita ko ang dalawang tao na naghahalikan and it's my damn ex at ang ka flirt niya.
Bigla namang kumirot ang puso ko at parang gustong dumugo nito. Naramdaman kong may tumakip sa mga mata ko.
"Wag kang tumingin, masasaktan ka lang.." at hinila niya ako ulit palayo sa dalawang taong nakita ko. Nang makarating kami sa harap ng kotse niya kinuha niya ang guitara ko at nilagay sa back seat at saka pinagbuksan ako.
"hop in.." sabi niya kaya sumakay na lang ako habang tumatagak tak parin ang luha sa mga mata ko.
Sumakay na siya sa driver seat at agad na pinaandar at pinaharorot na palayo ang kotse. Palihim naman na tumutulo ang luha ko habang nasa byahe.
Nakita ko na lang na nasa bahay niya ako kaya bumaba na na lang ako at naglakad dire-diretso.
"Nay tuwalya nga po dalawa," sabi niya ng makapasok na kami sa bahay.
"Sandali lang nak," ilang sigundo lang may dala ng tuwalya si nay Linda.
"Saan ba kayo nanggaling at basang basa kayo,oh! Daisy anak, bakit ang pula ng mata ko, pinaiyak mo ba siya Josepheno!" pinalibot ko sa balikat ko ang tuwalya at nangangatog sa lamig.
"Umiyak siyang magisa! Ang tanga niya kasi sa isang tao," dahan dahan naman na tinignan ko siya ng walang emosyon, at namumuo na naman ang luha ko.
"Bakit Joseph? N-nagmahal ka na ba? Minahal ka na ba? Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan dahil hindi mo ako kilala," at tumalikod na ako nakita ko naman si nay Linda na naguguluhan.
"Sa kwarto ko na lang nay," rinig kong sabi ni Joseph at giniya na ako ni nay papunta sa kwarto niya.
"Daisy, kong ano man ang problema nyo, ayusin nyo yan, alam kong pagsubok lang sa inyong dalawa to okey, oh siya magbihis ka na... Kumuha ka na lang ng damit ni Joseph sa aparador... At ako'y lalabas na," tumango lang ako at lumabas na si Nay Linda.
Nagpasya akong magbihis kaya kumuha ako ng damit niya sa aparador, sobrang basa na ako kaya, t shirt niya at boxer? Bahala na!
Pagkatapos kong magbihis pumunta ako sa terrace at nagisip-isip kong pano ako mag so-sorry kasi, siya na nga yong maraming naitulong ako pa yong galit, tinulungan niya akong makalayo kay Aiden kanina kaya dapat magpasalamat ako.
Narinig ko namang bumukas ang pinto at napatingin ako.
"Don't worry, I'll just get a shirt.Shit!"
Napamura naman siya at agad na tumungo sa walk in closet niya. Napatingin naman ako sa suot ko at Ow, masyadong sexy ako tignan!
"Joseph," tawag ko sa kanya at lumapit. Siya naman abala sa pagkuha ng shirt niya.
"hhhm?" at tinignan niya ako saglit at umiwas din.
"Sorry," I just said and press my both lips.
"Sorry? For what?" tumingala naman ako and found him staring at me or should I say my body. I stand straight and place my cold stare.
"J-just sayin' sorry, and stop looking at my body," and I roll my eyes and he place a playful smile.
"I didn't know that your conservative, sugar.." at naglakad siya palapit sakin at napaatras naman ako.
"tumigil ka joseph," I warn him but he continue walking near me.
"Bakit? Are you affected of my hotness? Don't worry feel free to touch my abs," at tinuro niya pa ang abs niya kuno.
"Dyan ka na nga! Bastos!" at tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya.
"Wetwew, sexy butt," huminto naman ako at tinignan siya ng masama.
"Wag mo akong sipulan hindi ako hayop! Bastos!" at nagpasya akong lumabas nalang ng kwarto at mabigat ang bawat hakbang ko.
Nakakainis!
"Oh daisy, bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni nay Linda.
"Ang alaga nyo kasi nakakainis!" nanggagalaiti sa galit na sabi ko at nag act pa ako na ang sarap niyang suntokin. Napatawa naman si Nay Linda.
"Naku talaga kayo bata kayo, hala siya umupo ka na at tatawagin ko lang si Joseph ng makakain na tayo," at umalis na siya.
Ilang sigundo lang narinig ko na ang footsteps nilang dalawa sa hagdanan.
"So, hi there sugar," bati niya na may halong pang iinis. Inirapan ko na lang siya at umupo siya sa katabi ng upuan ko.
"daisy, alam mo bang ngayon ko lang nakitang ganyan ang alaga ko, maliban sa masaya ang pamilya nila, eh ngayon lang siya nagkaganyan, iba talaga ang tama niya sayo no," ngumiti na lang ako sa sinabi ni bay Linda at nagsimula ng kumain.
"kwentuhan mo naman ako tongkul sa pamilya mo Daisy," napatigil naman ako sa pagnguya at tumingin lang sa pagkain ko saka nagbuntong hininga at tumingin kay nay linda at ngumiti ng pilit.
"Well, wala naman masaya sa buhay ko, lumaki ako sa ampunan at mga madre lang ang kinamulatan ko, for me I don't have family, iniwan nila ako, nothing more important about me, basta ba buhay ako haha" at tumawa ako ng pilit at natahimik naman si nay Linda pati na rin ang katabi ko.
"patawad dahil tinanong ko pa," hinging tawad niya at hinawakan ang kamay kong nasa mesa.
"Hindi okey lang po, nay Linda," nakangiti kong sabi at kumain na ulit kami.
After kumain liligpitin ko na sana ang pinagkainan ko.
"Ako na dyan Daisy, magpahinga ka na," ngumiti na lang ako ng pilit at nagbuntong hininga saka naglakad papuntang sala at binksan ang TV feel at home lang eh!
I watch resident evil the last chapter at habang nanunuod may biglang tumabi sakin and it was Joseph. Seryoso naman na nanuod siya kaya nag focus narin ako.
"I'm sorry," biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at nakatingin na siya sakin.
"It's okey, hindi mo naman kasalanan kong bakit ako napunta sa ampunan," at tumawa ako ng peki.
"yah'tama ahm, Grees?"
"hhm?" nakatingin parin ako sa kanya at ganon din siya.
"I want to bite you, roar!" at nag acting siya na parang kakagatin ako.
"Siraulo!"