I slammed on the floor, falling my butt first. Napadaing ako sa sakit ng pagbagsak ko at hindi agad nakatayo.
Dandrev ran to my side, as well as Kieth and Lucia.
"Are you okay?" Dan asked me worriedly.
I shook my head. "I... I can't breathe," I struggle to say.
"Let's bring her to the clinic," Lucia said, panicking.
Dan carried me and started walking out the gym. Doon palang lumapit ang isa sa mga teacher namin, hinarangan n'ya kami.
"Anong nangyari?" she asked.
"She's having difficulty breathing. I'm bringing her to the clinic," Dan replied.
"Difficulty in breathing? Bakit? May asthma ka ba?" the teacher asked.
Keith shook her head. "Wala po. It must be the way she fell. Nauna po ang puwet n'ya," she answered.
Our teacher nodded and let us go. Telling them to bring me to the clinic immediately.
"Grabe! Hindi pa ba tapos gumanti sa'yo si Harriett?" Dan blurted.
"Hindi siya titigil. I know her, once na kalabanin mo siya, hindi siya titigil hanggang hindi ka nawawala sa landas n'ya," Lucia answered.
"f**k that b***h! Humanda siya sa akin," Dan said.
I wanted to butt in and tell them to let me handle the situation but I can't speak. I was still catching my breath.
We reached the clinic and Dan put me on the bed. The nurse wasn't there and Dan almost tossed everything in there when minutes passed and the nurse hadn't arrived yet. And when it came, Dan almost shouted at her. Gladly, Keith is with us to calm him down.
"Pasensya na, ngayon palang kasi ako nakapag lunch," she explained as she examine me. "Ano bang nangyari?"
"She fell with her butt then she had difficulty in breathing," Keith answered.
"May history ba siya ng asthma?"
I shook my head.
"Wala po. Siguro ay dahil sa pagkakabagsak n'ya," K answered again.
The nodded and check my heartbeat. "Sa pagkakabagsak n'ya nga lang siguro. Okay ka na ba? Hirap ka parin huminga?" she asked me.
"My breathing gets better now but my butt still hurts," I honestly answered.
"I see. For now, I'll give you a pain reliever. Tell me if the pain hasn't subsided after half an hour. And if it hasn't, we need to get you an x-ray to check if you have a fracture," the nurse said.
That's what we did when the pain didn't subside. I was brought to the hospital and underwent an x-ray test. Fortunately, I don't have any fractures but I got sprained.
I was prohibited to walk or stand for at least a week, as if I could! Ni hindi ko nga maigalaw ang mga hita ko, e.
"Sa kaharutan mo 'yan. Tignan mo ang napala mo," Papa Ae said. Napasimangot naman agad ako.
"Pa, sa gym class ito nakuha noong may game kami. At saka, hindi naman ako humaharot, no. Kahit tanungin mo pa si Dan," she said.
"Ay naku, iyon pa ang tatanungin ko? Alam kong mag kaka-kutsaba kayo. Hindi n'yo ako mauuto," sabi pa nito.
Sumimangot tuloy ako lalo. "Pa, matigas ang ulo ko pero hindi mo ako pinalaki na sinungaling. Promise po, sa gym class talaga 'to. Kahit tawagan mo pa ang nurse ng school o kaya ang gym class teacher ko mismo," sabi ko.
Papa Ae's expression softened and he went to me to give me a hug.
"Eh, bakit naman kasi ganyan? Tignan mo nga, you have sprain. Dahil dyan ay dalawang linggo kang hindi makakapasok," sabi nito.
"Gagawan naman daw nila ako ng module, Pa. Para kahit nandito ako sa bahay, pwede akong mag-aral," sagot ko.
"Kahit pa. Kasi naman, Alexandria, tandaan mong babae ka. Hindi ka lalaki para makipag balyahan na lang ng ganun," sabi nito. Gusto ko namang tumawa pero pinigilan ko na lang. Ayaw kong masira ang pag i-emote n'ya.
"Hindi naman iyon kasi sinasadya. At saka, parang unang beses naman na na-injured ako dahil sa paglalaro," sabi ko pa.
But Papa Ae is Papa Ae, hindi ito makikinig sa kahit anong katwiran ko.
"Wala pa naman ako ng isang linggo,sino na lang ang nagbabantay sa'yo?" Ani pa nito.
"Pa, nandito naman sila Nanay Azon at hindi na ako bata! Ayos lang ako," sagot ko.
But he shook his head. "Magtigil ka, Maria Alexandria! Pahihirapan mo pa ang matanda. Kakausapin ko na lang ang Ninang Sierra mo at doon ka na lang muna sa kanila," sabi naman nito.
"Ano namang gagawin ko run?" I asked.
"Doon ka muna habang wala pa ako. Nang kahit papaano ay mahiya ka namang gumawa ng kalokohan," singal nito sa akin.
I arched my brow. "Pa, I can't even move my hip! How can I do something ridiculous?!"
Umismid ito sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng aking kama. "Mabuti nga iyan sa'yo, puro ka kasi kalokohan. Manang-mana ka talaga sa Nanay mong kasing tigas din ng bato ang ulo," sabi pa nito.
Napanguso naman ako. Damay na naman nito ang nananahimik kong Nanay. Pag sa kalokohan ay sa nanay ako nito laging inihahambing, kapag sa magagandang bagay sa kanya naman.
"Nananahimik na si Nanay, dinamay mo pa, Pa," I said, pouting.
Hindi ko talaga gusto kapag bnabanggit n'ya sa pangit na dahilan ang Nanay ko. Alam ko naman ganun nga katigas ang ulo nito pero kahit papaano ay may nagawa naman siyang maganda.
"Eh, sana mo gusto? Sa tatay mo?" Sagot naman ni Papa.
Mula sa pag kaka-nguso ay napairap naman ako. "Papa naman, eh." Maktol ko.
"Oh, 'di ba, ayaw mo?" Sabi naman nito. "Ay naku ka talaga Alexa, hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko sa iyo," ani n'ya pa.
I pouted again and make a puppy eyes. "Ayaw mo na ba sa akin, Papa?" I asked.
Binatukan naman agad ako nito. "Gaga! Huwag mo akong artihan at ayusin mo na iyang mga dadalhin mo sa bahay ng Ninang mo. Ihahatid kita dun bago ako umalis," utos pa nito.
And I know that's already final, I had no choice but to obey. So I lazy pack my things, I packed at least ten pairs of pajama since I won't be moving around and probably would be on bed the whole day until Dione comes back from school. Ngayon palang ay pinag-iisipan ko na kung paano ko uubusin ang oras ng hindi na-b-bored.
"Kumpleto na ba lahat ng kailangan mo rito? Gamit mo sa school?" Papa asked, I'm already on his car waiting for him to get in and drive off.
I nodded. "Kumpleto na po, Pa. I brought my laptop and Ipad na," I said.
"Ang books?" He asked.
"I can borrow from Dan."
"Eh, anong gagamitin nun kung hihiramin mo?"
"He don't use it naman sa school, Papa. Iyong books ni Keith ang ginagamit n'ya lagi," I answered.
Papa shook his head and sighed. Umikot na ito pa-puntang driver's seat. At bago pa ito makapasok ay bumulong pa na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko.
"Manang-mana talaga kayo sa mga ama n'yo. Mga pasaway." Ani nito.
Hindi naman ako umimik at ngumuso na lang. Mas okay pa pala kung kay Nanay ako inihahambing kaysa sa lalaking 'yun.
"Tandaan mo ang bilin ko sa'yo, Alexa ha? Magpakabait ka. Kahit ngayon lang habang nandito ka sa bahay ng Ninang mo, matuto kang mag pakitang tao," ulit ni Papa nang makarating na kami sa bahay ng mga Dela Torre.
The whole house was silent and it was Manong Dindo who welcomed us and help us with my things while Papa's pushing my wheelchair. Nasa opisina pa raw kasi ang Ninang Sierra at nasa school pa sina Dionne at Dan, but Dashiel is here. Nagtaka pa ako na narito siya ngayong weekdays.
"Salamat, Manong. Kayo muna ang bahala sa batang ito, ha? Kapag nag matigas ang ulo, itulak n'yo d'yan sa hagdan habang sakay n'yang wheelchair n'ya," bilin ni Papa.
"Pa!" I exclaimed. Tumawa naman ang matanda sa biro ni Papa Ae.
"Huwag ho kayong mag alala, Sir. Para na rin naming apo itong anak n'yo kasama nang tatlong bata rito sa bahay," sagot naman ni Manong.
And my heart felt warm hearing that. It's just so nice to hear someone who's not blood related on you but cares too much about you and treats you as a family member. Wala akong kinalakihang lolo at lola at ang marinig iyon sa matanda ay talagang nakatutuwa sa pakiramdam.
"Alexa, ang bilin ko ha?" Baling sa akin ni Papa, nasa salas na kami at naihatid na sa guest room ang mga gamit ko.
"Oo nga po, Papa. Naiintindihan ko po, hindi naman ako bobo," sagot ko, iritado na sa pag ulit-ulit n'ya ng mga bilin.
Agad naman nitong hinila ang buhok ko. "Maldita ka! Huwag mo akong mairap-irapan d'yan. Alam kong hindi ka bobo, pero alam kong may pagka-gaga ka madalas." Sabi naman nito.
"Hay, naku talaga, Alexa. Nagkaroon ka ng kaunting hiya, okay? Ilang araw lang, pakiusap naman," sabi pa nito.
"Papa naman, eh! Hindi nga po ako gagawa ng kalokohan. Mag tiwala ka naman sa akin kahit minsan," inis kong sagot.
Hindi naman kasi ako ganong kaloko ano. At saka, marunong naman akong ilugar ang mga kalokohan ko. Hindi ako gagawa ng ganung bagay sa isang lugar na alam kong ipapahiya ko lang; at hinding-hindi ko iyon gagawin dito sa bahay na ito.
"Siguraduhin mo lang," ani nito sabay irap sa akin. "Iiwan na muna kita. Huwag mo akong ipapahiya sa Ninang mo," bilin pa nito.
Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Bumeso ito sa akin tapos ay umalis na. Naiwan naman akong mag-isa sa salas. Wala na sa paligid si Manong at baka nasa kwarto nito at nag papahinga, ganun din si Manang na baka nag si-siesta pa.
"Ano namang gagawin ko ngayon?" I asked myself.
Three-thirty palang ng hapon at alas-sais pa ang uwi nila Dione, gabi naman ang dating ni Ninang. Napabuntong-hininga na lamang ako nang ma-realize na wala pala akong gagawin kundi ang tumunganga kaya sa huli ay napag-isipan ko na lamang ang pumasok ng guest room at matulog na lang din muna.
I maneuvered my wheelchair to turn around and held both of it's wheels to move forward. And since it was my first time to be on this chair, it was so hard for me to make it move.
Hindi ko alam kung hindi ko lang ba talaga alam paandarin itong wheelchair o mabigat lang talaga ako kaya ang hirap-hirap nitong umusog.
"f**k! How can I go to my room?" I exclaimed. Nangawit na ako pero nakaka-tatlong gulong palang ang wheelchair at napakalayo ko pa sa guest room.
"Let me help you," someone spoke from behind me. I don't have to turn and look to know who it was because by its voice alone, I already knew who it was.
Dashiel's cold tune sends chill to my spine that I can't even lean on my wheelchair backrest. Pakiramdam ko ay mas lalo akong lalamigin kung maglalapit ang balat namin.
"Hmm... Thanks," I said.
"Where to?" He asked.
"Guest room," I answered.
Hindi naman na ito sumagot at naramdaman ko na lamang ang pag galaw ng wheelchair ko. He was pushing me smoothly, ni hindi ko man lang naramdaman na nahirapan siyang itulak ako.
"This room?" He asked when we stopped in front of their guest room.
There were at least five guest rooms and since I was in my wheelchair and it would be difficult for me to climb the stairs while on this, Papa asked if I could stay in one of these rooms.
I nodded and held the doorknob. "Yeah. Thanks for the help," I said and opened the door.
Akala ko ay pababayaan na niya ako sa labas ng pinto ngunit nagulat ako ng hindi ito umalis. Inihatid ako nito hanggang sa loob ng silid at nang makitang nahihirapan akong lumipat papunta sa kama ay tinutulungan din ako nito. He carried me like a bride and he's a groom on their first night after the wedding and carefully put on the bed.
Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong lalagnatin sa sobrang init ng buong pakiramdam ko.