NINAY Hindi ko na nagawang umiwas sa mga halik ni Trino at aaminin ko na tuluyan na talaga akong nahuhulog sa kanya at bawat pag halik niya nakakapag bigay ng saya sa puso ko. " Okay na ba ang pakiramdam mo? Hindi kana ba nasusuka?" Tanong ko kay Trino ng tumigil na siya sa pag halik sa akin. " Hindi na ako nasusuka" Nakangiting sagot ni Trino. Ilan sandali pa tumunog ang phone niya tumatawag si Madam Lolita dahil tinakbo sa ospital si Don Rodolfo kaya naman mabilis kami na nagtungo ni Trino sa ospital. " Mabuti naman nandito kana, Bumagsak ang blood sugar ng Papa mo at hindi ito maganda maapektuhan pati ang kompanya natin. Nakikiusap ako anak tulongan mo na kami ng Papa mo sa kompanya pansamantala na ikaw muna maging katulong ko doon." Pakikiusap ni Madam Lolita at makikita ko sa mg

