Nang maitanong ni Trino ang bagay na yun tumingin ito ng Seryoso Kay Ninay " Mahalaga sa akin ang isasagot mo Kasi ngayon lang ako umaamin sa Isang babae na gusto ko siya tapos binabale wala mo lang ang nararamdaman ko." Seryosong pagkakasabi ni Trino. " Gusto rin kita Trino pero kung tatanongin mo ako kung mahal kita pasyensya na pero hindi pa kita masasagot sa ngayon. Hindi ko pa nga nararanasan na ligawan ng isang lalaki pero kinasal na ako, masyado ako nabigla sa mga pangyayari sa buhay ko, unawain mo na lang ako" Naiiyak na pahayag ni Ninay at lumapit sa kanya si Trino. " Ede liligawan kita Ninay kung yan ang gusto mo" Nakangiting saad ni Trino at tila naudlot ang pag tulo ng mga luha ni Ninay " Liligawan mo ako? Paano mo namam gagawin yun, mukhang hindi ka naman marunong manligaw

