Napangisi lang si Trino sa ginawang pag sampal ni Ninay sa kanya at si Ninay naman hindi niya rin inaasahan na hahantong siya sa ganoon. " Kapag lumabas ka ng kotse asahan mo hindi na tayo magiging okay" Pang hahamon ni Trino kay Ninay. " Bahala ka sa buhay mo" Saad ni Ninay at lumabas na siya ng kotse ni Trino upang balikan ang mga kaibigan niya. Paglabas ni Ninay ng kotse mabilis na lumabas si Trino ng kotse at hinabol niya si Ninay. Nang maabutan niya ito agad niya itong isinampa sa balikat niya. " Umuwe na tayo Ninay" Sabi ni Trino At Pinaghahampas ni Ninay ang likuran niya. " Ano ba ibaba mo nga Trino." Galit na pagkakasabi ni Ninay at muli siyang Pinasok ni Trino sa loob ng kotse. Hanggang sa pag uwe naka sampa parin si Ninay sa balikat ni Trino kaya patuloy ito nagpupumiglas

