Hindi na umasa si Ninay na susunduin pa siya ni Trino dahil alam niyang galit ito sa kanya. Pag uwe nga niya nag isip na siya ng sasabihin niya para mamaya pag uwe ni Trino. " Ninay bakit parang hindi ka yata mapakali?" Tanong ni Lola Meldrid Kay Ninay dahil kanina pa ito pabalik balik sa pag lakad. " Kasi po Lola galit parin sa akin si Trino" Malungkot na sagot ni Ninay. " Alam mo Ninay dapat kung mag sosorry ka magpa sexy ka, suotin mo yung mga binili ko sayo dapat habang nag sorry ka samahan mo ng kunting pang aakit" Darityahang payo ni Lola Meldrid at napalunok si Ninay. " Samahan ng kunting pang aakit? Ganoon po ba yun?" Napapaisip na tanong ni Ninay. " Gawin mo yun mamayang gabi panigurado magkaka bati kayo" Nakangiting sabi ni Lola Meldrid at sumang ayon si Ninay sa payo nito

