HARIETH ZARIE FEDENCIO - Nagsalubong ang kilay ko nang makarinig ng mga kalabog mula sa Living room kaya nagmadali akong pumunta doon. Laking gulat ko nang bumungad sa akin ang napakaraming sundalo't police. "Nandito ka lang pala!" Naestatwa ako nang may magsalita mula sa likuran ko. Humarap ako dito. Napamaang ako nang makilala siya. Siya iyong lalaking lumapit sa akin dati! "A-anong kailangan niyo?" Nahintatakutan ako nang maramdamang pinalibutan nila ako. Ngumisi ang lalaking nasa harapan ko at sumaludo. "Hi! I'm Police Major General, Arnold Reyvien Alcante. Napag-utusan po kami na hulihin kayo sa salang pakikipagsabwatan kay Kenie Fedencio sa salang pagnanakaw. You have the right to remain silent. Any statement you make may be used for or against you in any

