Harieth Zarie Fedencio POV "I-ikaw?" Bakas sa mukha ko ang gulat. Ngumiti s'ya sa akin. "Bunso!" "K-kuya? Bakit? Ano? Sabi nila - 'yung mga police." Humalakhak s'ya kaya nagsalubong ang kilay ko. Lumapit s'ya sa akin at kinuha ang dalawa kong kamay. Bago tanggalin ang lock sa mga posas ko. "Baliw talaga ang mga 'yun, ang sabi ni Ryker gumawa ng paraan para mapapunta ka dito, hindi n'ya sinabing takutin ka." "Kuya? Paano napunta ang susi sa'yo? Saka asan na sila?" Palinga linga ako para hanapin ang mga Police pero wala na sila. "Saka ano bang nangyayare?" Nagdilim ang mukha ni kuya ng makita ang pasang naidulot ng posas. "s**t! Yare talaga sa akin si Arnold, sa ginawa n'yang ito sa'yo." Napanguso ako, tama kasalanan nila natakot ako ng sobra kanina.

