“Anong ginagawa mo dito?” kunot noong tanong ko sa kaniya. Paano ba naman kasi, bigla bigla na lang lumilitaw sa harap ko. Hindi ko naman alam kung paano siya nakarating dito pero wala namang nakasunod sa akin kanina. “Bakit? bawal na ba akong kumuha ng tubig?” tanong niya pabalik sa akin. “Eh kumuha na nga ako eh, bakit ka pa sumunod?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. He shrugged his shoulders and smiled at me. “To see you?” Umiling na lang ako at saka huminga ng malalim bago siya nilagpasan. Ilang hakbang pa lang naman ang nagagawa ko nang bigla siyang nagsalita kaya napahinto ako. “Hindi mo ba ako na-miss?” tanong niya sa akin. “Why would I? Sino ka ba? Sino ka ba para ma-miss?” tanong ko habang hindi pa rin ako lumilingon. “Nakalimutan mo na ako? Grabe ka naman.” Lumingo

