Hapon na at nandito kami ngayon sa seaside. Kanina pa kasi kami nang hihintay kina Dylan at kina Tessa pero wala pa rin sila kaya nauna na kaming bumaba nina Bryan at mga bata. Hindi ko siya pinansin at umarte na lang ako na parang wala lang. Ayoko na kasing magkaroon pa ng kung anong koneksyon dahil ayokong masira ang pamilya ko at kung ano man ang mayroon kami. Kontento na ako sa dalawang pinakamamahal kong lalaki. Si Dylan at saka si Echo. Okay na ako na kaming tatlo lang at ayoko na makasira pa ng ibang tao o ng relasyon ng iba. “Mommy!” tawag sa akin ni Echo. Naghahabulan kasi sila ni Oli at pati na rin si Bryan. Naka upo lang ako sa may sand at saka pinagmamasdan sila. “Mommy! Join us!” sigaw pa ni Echo na nagmamadaling tumakbo sa direksyon ko. “Oh! ‘Wag ka tumakbo at mada

