CHAPTER 30

3067 Words

“Brielle!” rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses pero hindi ko alam ang gagawin at saan ako pupunta. Agad naman akong tumakbo palayo sa bahay. Tumakbo kahit gabi na at alam kong delikado na. Umiiyak lang ako hanggang sa makalabas na ako ng subdivision. Pumara ako ng taxi at saka agad na sumakay. Hindi ko alam kung saan din naman ako pupunta. Basta ang tanging alam ko lang, nasaktan ako. At dahil wala ako sa sarili, pababa na sana ako nang biglang siningil ako ng driver. Wala nga pala akong pera at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad kaya agad kong tinanggal ang hikaw ko bilang pambayad sa taxi. “Manong pasensya na po. Wala po akong dalawang pera pero..” huminto ako habang tinatanggal ang hikaw ko at patuloy pa ring umiiyak. “Tanggapin niyo na lang po ito bilang bayad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD