Habang tumatagal ay mas lalo ko pang nakikilala ng maayos si Bryan. Mukha lang siyang loko loko pero ang totoo, may tinatagong mapait na nakaraan. Gusto ko siyang tulungan pero wala naman akong magagawa. Hindi ko rin naman alam kung paano. “Tama na ‘yan,” awat ni Bryan at saka kinuha ang bote ng Beer. “Bakit naman? Hindi pa naman ako lasing,” natatawang sabi ko sa kaniya at napailing. Mediyo blurry ang paningin ko pero kaya ko pa naman. Nanibago lang siguro ako kasi hindi naman ako ganito uminom. “Anong hindi? Kanina ka pa nakangiti riyan. Ano ka baliw?” natatawang komento ni Bryan habang tinuturo ako at tinatawanan. “Sakto lang, at least hindi kagaya mo. Literal na baliw,” sabat ko pa sa kaniya na parang bata ang boses. “Tara na nga, umuwi na tayo. Gabing gabi na,” paanyaya niya

