“Bryan?” nagtatakang tanong ko nang bumaba siya sa isang kotse. Kunot noong inilibot ko ang paningin ko dahil hindi lang naman kasi iyon basta-bastang kotse kung hindi ay mamahalin pa. “Kaninong sasakyan ‘to? Asan ‘yung taxi mo?” tanong ko ulit sa kaniya na nakatingin lang siya sa akin habang papalapit. “Ah,” inayos niya ang kaniyang damit. “Sa boss ko ‘to, wala muna akong pasada sa taxi. Hinatid ko kasi ‘yung boss ko dito sa Village,” paliwanag naman niya. Agad naman akong tumango na nakatingin pa rin sa kotse. “Ahh, ganoon ba? Mukhang malaki laki kita natin ngayon ah?” nakangiting sabi ko na nilipat ko sa kaniya ang paningin ko. Ngayon ko lang napansin ang kaniyang suot. He’s wearing a black suit that matches his car. Mukha siyang mayaman. Hindi halatang manloloko. Napangiti a

