I don't understand why they tend to forget me. Hindi ko naman sinasadya na masabi ang lahat ng iyon. Pero lang kasi, sobra sobra na ang nararamdaman ko. Alam kong mali na sagutin ko sina Daddy. Pero the way they talk to me? Parang hindi nila ako kadugo. Hindi ko na alam sa totoo lang ang mararamdaman. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Gusto ko na lang maglaho kasama si Jacob. Ilang oras na akong wala sa sariling nakahiga sa kama. Nakatitig lang ako sa ceiling at nag iisip ng kung ano. Umuwi na si Tessa dahil gabi na. Matapos na mangyari ang sagutan namin ni Daddy, hindi na kami nag usap ulit. Agad kong kinuha ang bag ko na nasa tabi ko lang. Kinuha ko ‘yung phone ko dahil naalala kong sinabihan ko pala si Jacob na sunduin ako pero hindi ko siya nas

