Hindi ako lumabas sa kwarto ko matapos naming makauwi. Nilock ko rin ang pinto dahil ayokong makita ang kahit na sino. Anong akala nila sa akin? Hayop? Na-ikukulong nila? Hindi ko pa rin alam kung saang angulo pa ba ang hindi ko nakikita kung bakit ganito ang turing nila sa akin. Ano ba ang ginawa kong masama para iparamdam nila sa akin ang lahat ng ito. Naging maayos naman akong anak noon ah? Bakit pagkatapos nung aksidenteng iyon ay nag iba ang trato nila sa akin? Bakit parang ako na lang ang dinidiin nila sa pagkawala ni Mommy? Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at saka umiyak. Para akong hayop na pilit itnatali at kinukulong. Wala na ba talaga akong karapatan para sumaya? Wala na ba talaga akong karapatan para maging malaya? Kasi kung wala sana namatay na lang ako nung aksidente.

