Lumipas ang ilang araw, nanghihina na ako at gusto ko na lang magpahangin sa labas. Para akong naubusan ng hangin dito sa loob ng kwarto. Ang hirap pa rin paniwalaan. Ilang araw na ang nakalipas pero heto pa rin ako at hindi makapaniwala. Ilang minuto muna akong gumulong gulong sa kama bago naisipang maligo at magbihis. Pinatuyo ko muna buhok ko saka nagbihis. Sinuot ko ‘yung favorite kong shirt at saka square pants. Kahit dito man lang ay maayos at malaya ako. Malaya akong piilin ang gusto ko. Bumaba ako para manood ng tv sa baba. Ala una na yata at hindi pa ako kumakain kaya naisipan kong magpadeliver. Binalik na din kasi ni Daddy ‘yung account ko kaya pwede na ulit akong bumili at gumastos. Nagpadeliver ako ng Pizza. Wala namang tao dito bukod sa akin at kay Kuya. Si Daddy ay

