Hinayaan ko na lang siya at saka inasikaso ko na lang ang mga customer na nakapila at namimili habang siya ay nag ce-cellphone lang. “Yna, may barya ka pa ba d’yan sa five hundred?” tanong ko sa kaniya. “Wala, magpabarya ka diyan sa tapat,” ‘yan lang ang sinagot niya. Napailing na lang ako at saka lumabas sa tindahan at pumunta sa tapat na tindahan ng gulayan. Kina Aling Ema yata ‘to, ‘yung kausap ni Aling Cora kanina. “Uhm.. Excuse me?” sumilip ako doon sa lalaking nakatingin sa akin kanina. Agad naman siyang ngumiti nang makita ako. “May barya po ba kayo sa five hundred? Naubusan na kasi kami ng barya eh,” paliwanag ko at saka pinakita ‘yung limang daan na hawak ko. Agad naman siyang tumayo sa kinauupuan niya pumunta sa kaha nila. “Wait lang ah? Titignan ko lang,” sagot nama

