Pauwi na ako nang bigla ko ng nakita si Bryan na naglalakad papunta sa akin.Alam kong madilim na at gabi pero kitang kita ko at sigurado akong siya iyon. Kumunot naman ang noo ko. Akala ko ba ay uuwi na siya? Bakit nandito pa rin siya? “Namili lang ako, sumabay ka na sa akin kumain. Magluluto ako sa bahay,” bungad niya sa akin. Tatlong oras lang yata ako nakatayo sa gulayan pero pakiramdam ko, isang buong araw na. Pagod na pagod ako at parang gusto ko na mag bihis at matulog. Sobrang lagkit na ng katawan ko. Sobrang init kasi sa palengke. Hindi naman na gaano maaraw pero mainit dahil kulob at napakaraming tao. Nilagay ko sa bag ko ang phone kong nakalagay sa harap. Natakot lang ako doon sa sinasabi nilang baka madukutan ako. Mahirap na baka mawalan na naman ako ng phone. Nakakailan

