Hindi ako ganoon ka kumibo habang tinutulungan ako ni Jacob ipasok ‘yung mga pinamili ko. Wala rin naman akong sasabihin at ayoko siyang pangunahan. Ayoko magtanong dahil ayoko pag mulan ‘to ng away namin. Gusto ko sanang maayos namin kaagad ‘to dahil ang hirap kapag may hindi ka sinasabi sa partner mo. Ang hirap kapag may nililihim ka. “Babe,” tawag niya sa akin habang abala akong sa kabinet ‘yung mga pinamili naming grocery. “Hmm?” Hindi ako lumingon at hinayaan lang siyang pagmasdan ako. “Bakit hindi mo ako ginising? Sana ginising mo ako para nasamahan kita kanina,” sabi niya at naglakad papalapit sa kinaroroonan ko. “Hindi na kailangan. Magpagaling ka na lang diyan, kaya ko naman ‘yung sarili ko.” “Kahit na babe, alam mo namang ayokong nahihirapan ka eh,” paliwanag niya. Hi

